Mix-up #2

Ito naman ang pangalawang mix-up mula sa post kong Rough Draft for a Possible Trilogy/Series.

Kung maaalala niyo sa post kong Mix-up #1 ay mayroong nabanggit na Christmas tree dress. Ito na ang umorder sa damit na 'yon.

Credits to PoisonDigipak
TITIG na titig si Andi sa hawak na sobre at papel. Ilang beses na niyang nabasa ang nakasulat doon pero parang hindi parin nagre-register sa kanyang utak ang ibig sabihin niyon.

“Huy! Ano ‘yan?”

Halos mapatalon pa siya sa gulat nang marinig ang boses ng kanyang housemate na si Majh. Wala sa sariling inayos niya ang pagkakasuot sa kanyang salamin. “Ahm, wala,”tanggi niya. Pero mukhang huli na ang lahat dahil nakasilip na ito sa kanyang balikat.

“You have a high school reunion coming up?”

“Yeah,” balewalang sagot niya saka muling ibinalik ang imbitasyon sa loob ng sobre.

“Eh bakit parang mas mukha ka pang namatayan kesa naimbitahan sa high school reunion?”

Nagkibit ng balikat si Andi. “Sabihin na lang natin na hindi ako ganoon ka-excited na magpunta sa reunion na ‘to.”

“Bakit naman? Everybody loves high school,” tiningnan pa siya ni Majh na parang iyon na ang pinakaweird na bagay na narinig nito.

“Not everybody.”

“Ano? Sinasabi mo bang hindi mo gusto ang high school?”

Sa halip na sumagot ay umirap lang si Andi. Umaasa siyang titigil na si Majh sa pangungulit kapag napansin nitong wala na siyang interes pang pag-usapan ang tungkol sa kanyang high school reunion.

“Come on, Andi, you need to explain.”

“I don’t like high school. Ano pa ba ang kailangan ipaliwanag doon?”

“Pero bakit? Hindi mo man lang ba nagustuhan ang mga carefree moments ng iyon kabataan? ‘Yung pagkukwentuhan sa mga parasol? Paglalakad ng pabalik-balik sa tapat ng classroom ng crush mo? Foundation day? Sports fest?”

Sa bawat bagay na binabanggit ni Majh ay puro iling lang ang isinagot ni Andi.

“Seriously? Abnormal ka ba?”

“Sira, hindi ako abnormal. Nerd lang.”

Pinagtaasan siya nito ng kilay. “You don’t look like a nerd to me, Andi. Kaya sana ay tigilan mo na ang pagka-categorize sa sarili mo bilang isang nerd.”

“Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi mo ako nakita noong high school.”

“So ibig bang sabihin niyan ay hindi ka na pupunta sa reunion niyo?”

Muli niyang tinapunan ng tingin ang imbitasyon. “Ayoko sana kaya lang ay nakareceive ako ng e-mail mula sa isa kong kaibigan na magbabalikbayan pa para lang sa reunion na ito. Since uuwi din naman ako sa probinsiya para sa pasko, I might as well attend.”

Nakangiting pumalakpak ang kanyang kaibigan sa narinig. “So may naiisip ka na bang costume?”

“Costume?”

“Oo,” nakangiting tumango si Majh. “Hindi ba costume party ang tema ng reunion niyo?”

Dahil sa sinabi nito ay mabilis na binuklat uli niya ang imbitasyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makumpirang isa nga iyong costume party. “Oh no.”

Natawa lang ito sa kanyang reaksiyon. “Don’t worry, may alam akong bilihan ng costume.”

“Pero wala na akong time na mamili. Alam mo namang madami akong kailangang tapusin na trabaho bago ang leave ko. Iyon ang kundisyon ng boss ko bago niya ako pinayagan na magbakasyon ngayong pasko.”

“Relax, online store naman iyong tinutukoy ko kaya hindi ka na mahihirapan sa pamimili.”

“Online store?”

“Yup, it’s called Ziya’s Wonderland.”

♥♥♥

Pero sa halip na ang Christmas tree dress ang matatanggap ni Andi ay isang sexy costume ang matatanggap niya. I'm thinking na dahil sa dami ng trabahong kinailangan niyang tapusin ay mawawalan na siya ng time para mag-empake ng maayos. So basta na lang niya ilalagay sa kanyang bag ang delivery mula sa Ziya's Wonderland. Of course, who would have thought that there would be a mix-up? The night before the reunion ay saka lang niya iche-check ang kanyang biniling costume at siyempre magugulat siya sa kanyang makikita. Pero huli na ang lahat. Kinabukasan na ang reunion kaya wala na siyang time para maghanap pa ng ibang costume. Mapipilitan tuloy siyang isuot iyon.

Pagdating sa reunion ay doon niya makikitang muli ang kanyang high school crush na si Kiko. Hindi niya ito ka-batch pero nandoon ito dahil ang pag-aari nitong restaurant ang nagcater sa kanilang reunion. Of course, everybody would be shocked to find that the nerd has now transformed into a beautiful swan. Mapapansin na kaya siya ni Kiko ngayon? Hmm...

♥♥♥

More Draft
Ito ang laman ng aking mahiwagang notebook tungkol sa istoryang ito at sa characters:

Andi aka Andromeda (hindi ko pa alam ang surname niya. Ayoko ng Andrea or anything similar, masyadong common eh hehe, saka gusto ko makakadagdag ang pangalan niya sa pagiging nerd niya)
→ Nerd and bullied in high school
→ May crush kay Kiko, the popular senior during high school

Kiko aka Francisco (hindi ko pa din alam ang kanyang surname. Kung nabasa niyo na ang aking librong The Guy From Apartment 4E, si Kiko ay kuya ni Melanie na best friend naman ni Jas)
→ Chef
→ Owns a restaurant

♥♥♥

So what do you think so far?

EDIT: More Mix-ups
Mix-up #1
Mix-up #3

Comments