My Five-Step Romance Formula

I'm really happy that my blog is helping other people, especially writers. I'm also receiving a lot of messages asking for tips and advice about writing. So right now I'd like to share my five-step romance formula. Before I start, I'd like to say that I made this up one day while I was brainstorming with myself. LOL! It works for me and I'm hoping it would also work for you, yes you! *point at you, who's reading this post*

This is really very simple. Sundin niyo lang ito at guaranteed na makakasulat kayo ng istorya, toinks! Though I can't guarantee the approval. Of course, its approval would still depend on many other factors. Anyway, let's start.


1. Boy Meets Girl
Basically, we want to start the story with the first meeting of the main characters. Personally, gusto kong sa chapter 1 pa lang ay magkikita na ang hero at heroine. This is a romance story after all. It can be a suspense, action, drama, fantasy, etc. but the main genre is still romance. Para sa mas detailed na tips tungkol sa first meeting, bumisita sa post na ito.

2. Getting to Know Each Other or Getting Reacquainted
Matapos nilang magkakilala, siyempre kailangang ipakilala din ng mabuti ang mga characters. Ang ibig kong sabihin dito ay hindi lang basta ilahad ang katangian ng bawat isa. Importante din na maipakilala ang characters sa paraan na makikisimpatya ang mga mambabasa. Ito 'yung part na bilang reader ay gusto kong malaman kung ano ang nakaraan ng mga bida. Saan ba nanggagaling ang kanilang mga pananaw sa buhay? Anong klaseng pagkatao mayroon sila?

This doesn't mean that you'll just go and say "mabait, maganda, at matalino si *toot*." Mas mabuti kung ipapakita iyon sa mga actions at dialogues. Kung matagal ng magkakilala ang mga characters, ito 'yung part na mapapansin nila ang mga ibang katangian ng bawat isa na hindi nila dati napapansin. Unti-unti nilang makikilala ang bawat isa sa mas malalim at makahulugang paraan.

Kumbaga sa pelikula, ito 'yung mga parts na may background music na nagpe-play habang ang mga bida ay ipinapakitang nag-e-enjoy sa company ng bawat isa. 'Yun bang mga moments na may lihim na ngitian. Tapos isang tingin lang ay parang alam na agad nila ang iniisip ng bawat isa. O kaya naman ay 'yung mga palihim na sulyap habang hindi nakatingin ang isa.

3. Boy Gets Girl
This part doesn't necessarily mean that they'll be boyfriend and girlfriend. Pwede din na magkakaroon sila ng unspoken agreement. O kaya naman ay magiging maganda ang prospect ng hinaharap nila. Tipong super contented na sila sa isa't isa at parang wala nang makakahadlang sa kanilang pag-iibigan.

Usually, nag-o-overlap ito sa getting-to-know part. Ito 'yung part na mare-realize na nila pareho na nagbago na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pwedeng na-trigger ito ng mga bagay na natuklasan nila tungkol sa isa't isa. Minsan 'yung realization ay nangyayari vocally or most of the time ay internally lang. 'Yun bang tipong napatingin lang si heroine kay hero tapos narealize niya na hindi na pala niya kayang mabuhay ng wala si hero sa tabi niya. O kaya naman 'yung tipong kahit saan siya tumingin ay si hero o heroine lang ang maisip niya.

4. Boy Loses Girl
Ito na ang part na magmamanifest ang major conflict ng istorya. Ito ang part na magiging malabo na ang hinaharap ng dalawang bida. 'Yun tipong iisipin mo talaga na hindi na sila magkakatuluyan. Pwedeng magkaroon sila ng matinding away na talagang mukhang malabo nang ma-solve. Pwede din na magkakahiwalay sila physically. O kaya ay biglang may darating na third party. Minsan magkakaroon din ng problema sa pamilya, negosyo, at kung anu-ano pa.

Minsan, sa part na ito na din lumalabas 'yun realization na hindi pala talaga nila kayang mabuhay ng wala ang isa. Dito applicable ang mga katagang "you never know what you have 'till it's gone." Ito din ang part na minsan nawawalan na sila ng pag-asa na muling magkabalikan pa.

5. Final Reunion
Sa bawat love story, gusto mong malaman na forever na talagang magkakasama ang mga bida. Ito na ang part na ipapakita mo na hindi lang basta mahal nila ang isa't isa, Handa din silang magsakripisyo at kung anu-ano pa. Kung anuman ang naging problema nila sa #4 ay dapat na masolusyunan na. At ang solusyon na ito ay dapat permanente at hindi 'yung basta-bastang solusyon para lang masabi na may solusyon.

Sa part na ito, hindi sapat na magsabihan lang ng I love you kasi maaaring nagsabihan na sila sa #3. Dito sa final reunion, dapat ipadama mo sa readers na eto na talaga. Kahit na ano ang mangyari, magkatsunami man, bagyo, o lindol ay wala na talagang makakapigil sa pagmamahalan nila.

So there you have it. I hope it's helpful. Tell me what you think, ayt? Message me or just leave a comment.

♥♥♥

Comments

  1. Yeah, super helpful siya. Kaya gustong-gusto kong tumambay dito sa blog mo. Ilan na ba ang lumapit sa akin na humingi ng tip at itinulak ko sa blog mo? haha. Create ka pa ng maraming ganito, ha?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yay! Thanks so much dear :)) I'm glad you enjoy it! Yes, magpopost pa ako ng mga tulad ng ganito soon hehe <3

      Delete
  2. thanks po.. it helps me allot as a writer.. fist timer lang din po kasi ako eh.. :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome dear! I'm glad nakatulong ito :)) Balik ka uli ha? hehe <3

      Delete
    2. hello I am an aspiring writer mahilig ako sa gothic fiction na may romance I love those kinds of stories that evoke a hint of mystery nakaka enjoy basahin. yun nga lang nasa chapter 3 or four pa lang ako ng novel ko na memental block na ako. Pls help me what tips can you give me para maipag-patuloy ko ang novel ko. I wanted to write Gothic romances...hehehe weird ba? alam ko lahat ng writer may pagka-ganun kaya lang masyadong lang akong obsessed sa mga Gothic fictions. I am a newbie in the writing industry and any help or tips will be gratefully appreciated. ;)

      Delete
    3. Hello Kristel! Thank you for visiting :) Yay!

      Hmm... wala akong experience sa gothic novel. For now, focus ako sa romance novels. But in general, they have the same structure naman so I guess I can give you a few advice.

      Yun tungkol sa mental block mo, I suggest na i-train mo ang sarili mo na maging single-minded. It's a challenge pero it will help you get over your mental block. Basta i-focus mo ang lahat ng atensiyon mo sa isinusulat mo. I suggest na tumigil ka sa pagbabasa at panonood ng mga kwentong may kaparehon tema at i-channel mo ang lahat ng energy mo sa iyong isinusulat. That way hindi ka madidistract sa iba-ibang ideas na makukuha mo sa mga binabasa at pinapanood. Magkakaroon ng malinaw na direksiyon ang iyong nobela.

      Hope it helps. Good luck!

      Delete
  3. it's helpful for me.. and to all writer's thanks for ideas..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello! I'm glad you found it helpful :) Good luck!

      Delete

Post a Comment