The First Meeting

In every romance novel, and basically all love stories, the first meeting is always as important as that moment when the two lovebirds finally get together. What do I mean when I say first meeting? Well, I believe there are two kinds of first meetings.

1. The Literal Meaning
As the name suggests, it is literally that moment when the hero and heroine of the story first saw each other. Ito 'yung exact moment kung kailan unang nagkakilala si bidang lalaki at bidang babae. Pwedeng nagkasalubong lang sila o kaya naman ay nagkabungguan. Maaari ding ipinakilala sila ng mga common friends o family members. Pwede itong mangyari virtually or in person. Pwedeng makikita lang ng isa sa kanila ang picture ng isa. O kaya naman ang isa ay palaging naiku-kwento ng isang common friend so although hindi pa sila nagkikita in person ay pakiramdam niya ay magkakilala na sila. Usually, nangyayari ang ganitong klase ng first meeting para sa mga love stories na ang plot ay "love at first sight" or anything similar.

2. The Figurative Meaning
Kapag figurative naman, hindi applicable dito ang "love at first sight." Usually, ay ginagamit ito sa mga love stories na ang plot ay tungkol sa mga magkaibigan o magbestfriend na nagkagustuhan. O kaya naman ay mga taong matagal ng magkasama sa trabaho, magkakilala, magkaklase, magkapitbahay, magkabarkada, family friend, o kahit na ano pang ugnayan. Ang first meeting na tinutukoy ko dito ay iyong moment kung kailan makikita nila ang isa't isa hindi lang bilang kaibigan. Ito 'yung pagkakataon na unang mare-realize nilang pareho o ng isa lang sa kanila na kaibig-ibig pala ang kanilang kabigan, kaklase, katrabaho, kababata, o kung anuman. It's like after having known each other for so long, they finally notice how beautiful/handsome the other is. Or how smart, successful, and charming the other is. Maaari ding matagal silang hindi nagkita at sa muli nilang pagkikita ay marerealize nila ang mga pagbabago sa bawat isa.

First Impressions
Bakit ko nasabing importante ang first meeting? Una sa lahat, bilang mambabasa, I'm always amused by the way the hero and heroines meet. Para sa akin ay isa iyong sukat kung gaano kaganda ang magiging love story nila. Kapag nagbabasa ako, gusto kong malaman exactly kung ano ang impression nila sa isa't isa. Parang doon pa lang sa unang pagkikita na iyon ay magkaroon na agad ako ng kaunting glimpse sa kung ano pa ang naghihintay sa mga susunod na pahina.
Taken here.

Inaasahan ko din na dito sa first meeting ko mararamdaman ang unang "kilig." 'Yun bang unang kita pa lang ay mararamdaman mo na agad na may chemistry ang dalawang bida. Sa totoo lang kapag namimili ako ng librong babasahin, mas gusto kong i-browse ang kaunting parte ng first meeting para ma-feel ko kung maganda ba ang love story nila. Hindi ako iyong umaasa lang sa teaser. Base sa experience ko, hindi lahat ng may magandang teaser ay maganda ang story. At hindi din lahat ng may pangit na teaser ay pangit din ang story. Personally, wala akong pakialam kung common lang ang plot o kaya naman ay hindi inventive, ang importante sa akin ay maganda ang pagkakasulat at mahusay ang pagkakatagni-tagni ng bawat pangyayari. At malalaman mo iyon sa unang pagkikita ng mga bida. I can't really explain how. Basta mararamdaman mo iyon kapag binabasa mo na.

A Catalyst
Bilang writer naman, ang first meeting ay maihahalintulad ko sa isang catalyst. In science, specifically in chemistry, a catalyst is something that initiates a series of reactions or chain of events. Para sa akin, ang first meeting ay nagsisilbing catalyst na siyang nagpapasimula sa pag-ikot ng istorya. Kumbaga ito 'yung basis ng mga mangyayari sa hinaharap. Siyempre maipapakita dito ang dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawang bida. Ano ang sitwasyon at biglang nagbago ang pagtingin nila sa isa't isa. At higit sa lahat, ito iyong moment na babalikan nila later on kapag nagkaaminan na sila.


Maraming beses ko na itong nabasa at ilang beses ko na ding nagamit sa sarili kong mga nobela. Hindi lang isang beses na babalikan nina hero/heroine sa isip iyong unang pagkakataon at marerealize nila ang lahat ng mga pagbabago sa pagitan nila o iyong naramdaman nila nang una nilang masilayan ang isa't isa. Makakatulong din ito doon sa scene kung kailan ina-assess na nila ang tunay na nararamdaman para sa isa't isa. They could always look back and think about that day and they would immediately be reminded of how they make each other feel. That's why I think it's really important that they have a memorable first meeting.

I've always thought that first impressions last. And I believe it's the same with romance novels.

Comments