Rough Draft for a Possible Trilogy/Series

Tulad nga ng title, isa itong rough draft, as in unang version ng istorya. Ibig sabihin, maaari pa itong magbago at mapalitan sa hinaharap.



Background Ng Story
Ito ay inspired sa isang English novel na nabasa ko na noon-noon pa. Hindi ko na matandaan ang title at ang author. Matagal na kasi iyon pero tumatak talaga sa isip ko. So basically, ang running title (temporary title) na siyang gamit ko bilang document name ay Mix-up. Pinag-iisipan ko pa kung ano ang ibang mas magandang title.

Plot
Si Ziya ay may-ari ng isang online novelty and gift shop. Isang araw, dahil sa bagyo/ulan/baha ay magkakaroon ng mix-up sa kanyang deliveries.



PROLOGUE


“DAMN!” biglang nabitiwan ni Ziya ang hawak na listahan dahil sa biglaang pagkidlat. Ayon sa narinig niyang weather report kaninang umaga ay may namumuo daw na low pressure area na maaaring maging isang bagyo.

Pinupulot na niya ang mga nabitiwan nang tumunog naman ang kanyang landline sa shop. Ang kanyang assistant na si Karina ang nasa kabilang linya.

“Boss, mukhang malabo na makapasok pa ako ngayon. Pasensiya ka na. Alam kong madami tayong kailangang asikasuhin lalo na at malapit na ang pasko. Pero sobrang lakas ng ulan dito sa amin eh. Hirap na hirap akong makasakay. Nagsisimula na din kasing bumaha.”

“It’s okay, Karina. Naiintindihan ko,” sagot niya habang nagsisimula na siyang planuhin ang kanyang araw ng walang assistant.

“Siyanga pala, boss, tinapos ko na lahat kagabi ang mga order slip para sa linggong ito. Tawagan mo lang ako kapag may hindi ka mahanap.”

“Don’t worry, I will.”

Ang Ziya’s Wonderland ay isang novelty at online shop. She sells a wide variety of items from ordinary stuff to weird and out-of-this-world things. Nagsimula siya bilang isang online shop lamang pero madami siyang customers na gustong mag-walk-in. So she converted her garage into a store slash stockroom.

Napatili siya nang muli nanamang kumidlat. Nakakainis naman ang low pressure area na ‘to. Bakit ba ngayon pa nito naisipang magparamdam kung kailan madaming kailangang gawin? Pagkatapos niyang i-check ang mga order slip na ginawa ni Karina ay ilalagay na niya iyon sa for delivery list para ma-pick-up agad ng courier. Mabuti na nga lang at mayroon na siyang partner na courier service ngayon kaya hindi na siya nahihirapan sa pagpapadala ng mga orders.

“What the—” nasa kalagitnaan si Ziya ng pagdidikit ng mga order slip sa mga items nang mamatay ang ilaw. She suddenly stood up, which caused her to knock down the items she had on her lap. Hinayaan na lang muna niya ang mga iyon at naghanap ng flashlight. At kung kailan naman siya nakahanap ng flashlight ay saka naman muling sumindi ang ilaw.

“Wow, parang nananadya lang ah,” inis na naglakad na lang siya pabalik sa pwesto kanina habang dala parin ang flashlight. Baka kasi bigla nanamang mamatay ang ilaw, mabuti na ang handa.

“Oh crap,” natitigilang sambit niya nang makita kung ano na ang itsura ng mga items at order slips. Nawala na sa ayos ang mga iyon. “Stupid,” pagkastigo niya sa sarili.

Napapabuntong-hiningang pilit na inalala ni Ziya kung aling order slip ba ang dapat na idikit sa bawat item. Pagdating kasi sa puntong ito ay puro numero na lang ang makikita sa slip. Pinupunit iyon mula sa master list at idinidikit sa mga item na idedeliver.

“Ah, bahala na,” pikit-matang idinikit ni Ziya ang mga numero sa natitirang mga items.



To follow ang mga makakatanggap ng maling deliveries... so what do you think so far?

♥ EDIT:

Mix-up #1
→ Mix-up #2
→ Mix-up #3

Comments