Mix-up #3

Ito na ang pangatlong mix-up mula sa aking post na Rough Draft for a Possible Trilogy/Series.

Hindi ko pa actually naaayos kung paano ang palitan ng mga items na inorder. Anyway, ito ang istorya na pagbibidahan ng mismong may-ari ng Ziya's Wonderland.

Credits to hey-y0usuck

“ANAK, pwede ka bang maistorbo sandali?”

Agad na kinabahan si Basty sa tono ng pagsasalita ng kanyang inang si Margaret. Parang kilala niya kasi iyon eh. “Siyempre naman, Ma,” he answered with a weary expression.

Mukhang hindi naman nito iyon napasin dahil ngiting-ngiting pumasok lang ito sa kanyang opisina. “Naaalala mo ba ‘yung nabanggit ko sa’yo last week? ‘Yung tungkol sa pagbabalik-bayan ng Ninang Franz mo?”

“Uh, I think so?”

“Well, isasama kasi niya ang nag-iisa niyang anak na ni Francine. You remember her don’t you?”

“M-medyo,” he wasn’t sure he liked where this conversation was going. Naaalala nga niya ang kinakapatid niyang si Francine. She was the biggest pest that this world ever created.

“Nagpaplano kasi kami ni Franz na pasyalan ang iba pa naming mga kaibigan. Siyempre ma-a-out of place lang doon si Francine. Iniisip ko baka pwede mo siyang ipasyal kapag may lakad kami?”

Biglang nalukot ang mukha ni Basty sa narinig. Alam niyang hindi lang iyon ang nais mangyari ng kanyang ina. He was sure she was matchmaking again! Patunay na ang kakaibang kislap sa mga mata nito habang nagsasalita. “Ma, alam mo namang hindi ko pwedeng basta-basta na lang iwan ang trabaho ko para mamasyal.”

“Take her to dinner then?” maagap na wika nito.

“I’ll be busy,” seryosong wika niya. Totoo naman iyon. Madami talaga siyang ginagawang trabaho ngayon. He was one of the brains behind the fast-rising financial consultation firm in the country. “We have a lot of new clients coming in. Wala talaga akong time.”

“Kahit isang dinner lang?”

“Kahit isang dinner lang,” he said with finality.

Pero hindi parin natinag ang kanyang ina. “Can you do something else for her then? I’m sure matutuwa iyon.”

“Fine,” napapabuntong-hiningang sumang-ayon na lang siya para matapos na iyon. “I promise,” napipilitang dugtong niya nang bigyan siya nito ng nagdududang tingin.

Pagkaalis ng kanyang ina ay agad na tinawag niya ang kanyang assistant na si Jenny.

“May kinakapatid akong darating next week. I want you to do something for her on my behalf. Kahit ano, ikaw na ang bahala.”

“How about if I buy her a welcome gift?”

“Okay lang.”

“Should I sign it using your name or your family?”

“Sa pangalan ko na lang.”

“Got it, Sir.”

♥♥♥

Sa halip na iyong harmless gift na binili ni Jenny on behalf of Basty ay isang suggestive na gift ang makakarating kay Francine. Hindi ko pa alam kung anong suggestive gift iyon. Anyway, hindi si Francine ang bida. hehe! Siya ang kinaiinisang kinakapatid ni Basty. Magkakagusto ito kay Basty at iisipin niya na may gusto din si Basty sa kanya dahil nga sa regalong natanggap. Dahil sa sobrang inis ni Basty susugod siya sa Ziya's Wonderland dahil sa mali-maling delivery. He will force Ziya to fix his problem with Francine. Ano kaya ang gagawin ni Ziya para maayos 'yun? And what will happen when another natural disaster forces them to be together? Hmm...

♥♥♥

More Draft
Ito naman ang nilalaman ng aking notebook tungkol sa istoryang ito:

Ziya (Ito ang pen name ko sa Dream Love na hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon hehe, I really love this name), hindi ko pa alam ang full name niya
→ Eccentric and strong-willed
→ She's called Madam Ziya (cute kasi haha, parang gypsy ang dating)

Basty aka Sebastian (hindi ko pa din alam ang surname niya)
→ Serious at workaholic
→ Poging snob

♥♥♥

More Mix-ups

So what do you think so far?

Comments