Mix-up #1

Ito ang unang mix-up na naisip ko mula sa aking naunang post (Rough Draft for a Possible Trilogy/Series).


Credits to Fold a Box

SA ISANG bar kung saan ginaganap ang isang bridal shower. Nakakunot-noong inilabas ng bride ang isang green na damit. May mga makukulay na bagay na nakadikit doon. It looked like a Christmas tree dress.

“Ano ‘to?”

“Woah, saan nanggaling ‘yan?”

“Ziya’s Wonderland ang tatak.”

Nagtatakang nagpalitan ng tingin ang bride at mga kasama nito.

“Teka,” singit ng isa sa mga babaeng nandoon. “Ako ang umorder ng regalo sa Ziya’s Wonderland pero hindi ‘yan ang inorder ko. I ordered a lacey and almost see-through night dress.”

“Baka nagkaroon ng mix-up sa delivery. Tawagan mo na lang ang Ziya’s Wonderland para ma-inform mo sila.”

“I will. Sayang, perfect pa naman sana sa’yo ang night dress na ‘yon. Kanino kaya napunta ang item na binili ko?”

♥♥♥

Ang sexy lingerie ay mapupunta naman kay LJ na assistant ni Herbie. Para sa kanilang Christmas party, maiisipan ni Herbie na regaluhan ang kanyang efficient na assistant. Pero dahil hindi naman siya marunong mamili ng regalo, not to mention tamad siyang magshopping, ay aasa na lang siya sa isang online shop. Makakarating siya sa website ng Ziya's Wonderland at oorder ng isang simpleng dress o bag (haven't decided yet). Pero dahil nga sa mix-up na nangyari ay sa halip na wholesome at harmless na regalo ang makakarating sa kanya ay isang sexy lingerie ang makukuha niya. Hindi pa ako decided kung bubuksan ba niya iyon sa harap ng buong department o office hahaha! Ano kaya ang magiging reaction ni LJ kapag nakita niya ang laman ng regalo sa kanya ng boss niyang si Herbie? At ano ang gagawin ni Herbie? Hmm...

♥♥♥

More Draft
Ito ang laman ng aking mahiwagang notebook tungkol sa mga characters at sa istoryang ito.

Herbie aka Herbert Castillo, Jr.
→ Boss ni LJ
→ Reformed playboy

LJ aka Lovelyn Joy (diko pa alam ang surname niya)
→ Common ang name kaya mas feel niya ang LJ, na common din naman hehe
→ Sweet, unassuming, secretly in love with her boss

♥♥♥

So what do you think so far?

UPDATE: More Mix-ups
→ Mix-up #2
Mix-up #3

Comments