The Guy From Apartment 4E


“I want to be a better man. Hindi ko kayang gawin iyon nang mag-isa. I need inspiration. I need you.”

Moving in to a new apartment was Cece’s first taste of independence. Sa edad na beinte-sais ay hindi pa niya nasusubukang malayo sa kanyang pamilya nang higit sa beinte-kuwatro oras. Wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang kanyang trabaho. Her parents thought it was the reason why she was still single. Sa katunayan, isa siyang certified NBSB, as in “no boyfriend since birth.”

Pero hindi naman problema iyon para sa kanya. Naniniwala siya na sooner or later, darating ang araw na mai-in love siya. But what she didn’t know was that it would come sooner rather than later. And it happened without her even realizing it.

Nang masilayan niya ang magagandang mata ng bagong kapitbahay niya ay wala siyang kaalam-alam na iyon na pala ang magiging simula ng pagbabago ng kanyang social status. That was probably because she was busy getting mesmerized by the most captivating eyes she had ever seen, the eyes that belonged to a certain Jasper Montecillo…


It's kind of weird seeing my first book for the first time. ♥


Here's a little excerpt. Enjoy! Hope you like it.

♥♥♥


“WHAT can I get you Miss 4A?” anang baritonong boses paglapit ni Cece sa bar area. The voice was deep and incredibly sexy.

“What?” Muntik na niyang makalimutang huminga nang makilala ang bartender na nasa harap niya ngayon. It was his handsome neighbor in the flesh!

“I said, what can I get you?”

“No, hindi ‘yan, ‘yung isa mo pang sinabi?”

“Alin don? ‘Yung Miss 4A?”

“4A?”

“Yeah, apartment 4A,” then he flashed her his charming smile. Lagot na, mukhang mawawala nanaman siya sa sarili. “Dun ka sa apartment 4A diba? That’s why I called you Miss 4A. I live at 4E, by the way.”

Isang tango lang ang naisagot ni Cece. Darn it! How does one start a conversation with an incredibly gorgeous guy? Sadly, walang siyang alam pagdating sa bagay na ‘yan. Mukhang tama nga ang kanyang mga magulang. She really needed to get out more. Bagsak na bagsak kasi ang kanyang socializing skills.

♥♥♥

Comments

Post a Comment