Overhauled Reject Part 9

Dahil natutuwa talaga ako at ginaganahan kapag nakakareceive ng mga PM na nagsasabing inaabangan nila ang susunod na mangyayari ay ipo-post ko na ang part 9.


“SO, ano talaga ang rason at dinala mo ako dito?” lakas-loob na tanong ni Dan nang matapos silang kumain.

Nagpakawala muna ng isang malalim na buntong-hininga si Hunter bago sumagot. “Kailangan nating mag-usap.” Pagkatapos ay bahagya itong ngumiwi. It was just a split second pero nahuli parin iyon ni Dan.

Kahit sandali pa lang siyang nagtratrabaho bilang assistant nito ay halos alam na niya ang mga gestures at mannerisms nito. Kaya sigurado siyang may hindi pa sinasabi ni Hunter sa kanya. “'Yun lang?”

Tila napipilitang umiling ito saka uminom muna ng beer bago sumagot. “Kailangan nating mag-usap at magplano.”

“Magplano?”

“Listen, kilala ko si Gena. She can be really crazy sometimes.”

“Sometimes lang?”

Napangiti ito sa kanyang sinabi. “Anyway, I might as well tell you about it.” Sumenyas ito na sumunod siya nang magsimula itong lumakad palabas sa kusina. “Dun na lang tayo mag-usap sa terrace.”

“So?” agad na tanong ni Dan pagkaupong-pagkaupo niya sa sofa na nandoon sa terrace.

“Si Gena ang tunay na dahilan kung bakit ayoko ng babaeng assistant,” dire-diretso ding sagot ni Hunter.

“Oh,” hindi niya napigilang bigyan ito ng nakikisimpatyang tingin.

“Dan, don't look at me like that. Mali ang iniisip mo, okay?”

“Ha? Paano mo nalaman kung ano ang iniisip ko?”

“I can see it in your face,” tila kinikilabutang itinuro pa nito ang kanyang mukha. “Look, she didn't break my heart or anything like that, okay?”

“Ows? Sabi ng mama mo-”

“Ang sinabi sa'yo ni mama ay 'yung mga kalokohang pinagsasabi sa kanya ni Gena. Look, I'm not a fan of all these drama. I'm just a regular guy who wanted to work peacefully.”

“So you dated your assistant?”


“Hey, nang maging assistant ko si Gena, she was okay. Malay ko bang medyo tagilid pala ang pag-iisip ng babaeng 'yon.”

“Ano'ng ibig mong sabihin?”

“One week pa lang simula nang maging official ang relationship namin, umaakto na agad siyang parang bestfriends sila ng mama ko. She even visited our house and introduced herself to my whole family. At hindi lang 'yan, kapag may kabusiness meeting akong babae ay kung anu-ano na ang pinagsasabi at tinatanong niya sa akin.”

“Talaga? Anu-ano naman ang mga sinasabi niya? Magbigay ka naman ng sample.” Nang kumunot ang noo ni Hunter ay ngumiti siya upang hikayatin ito. “Sige na, isa lang.”

“Fine, one time she asked me kung ano ang impression ko dun sa babaeng assistant ng ka-meeting ko. Hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin ang babaeng iyon so I just said she's okay. I mean, what the hell am I supposed to say?” inilahad pa nito ang dalawang kamay. “Tapos nagulat na lang ako nang bigla na lang umiyak si Gena.”

“Ha? Bakit?”

“Aba, malay ko. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglitanya ng tungkol sa mga lalaking tumitingin pa rin sa ibang babae kahit na committed na sila. Can you see what I mean now?”

“Wow! Your ex was seriously crazy,” napapantastikuhang pahayag ni Dan.

“I broke up with her after that.”

“Good for you.”

Pero lalo lang namang sumimangot si Hunter sa sinabi niyang iyon. “Walang good na nangyari dahil lalo lang siyang lumala nang makipagbreak ako sa kanya. I don't even want to go into details anymore. Eto lang ang masasabi ko, I really reached my breaking point and had to fire her.”

“Aw! Ganoon kalala ang naging damage niya?”

Tumango muna si Hunter bago uminom uli ng beer. “Since then, she's been making my life miserable. Palagi parin niyang pinupuntahan si mama hanggang sa ipa-ban ko na siya sa village namin. Nang mangyari 'yon ay palagi na lang silang aksidenteng nagkikita ni mama kung saan-saan,” diniinan nito ang pagkakasabi sa salitang aksidente. “She's been feeding my mom all sorts of lies.” Umiling-iling muna ito bago nagpatuloy.

“Then sa tuwing may bago akong assistant ay bigla na lang siyang pumupunta sa opisina at saka gagawa ng eksena. She was clever enough not to make a big scene. Kaya hindi ko naman siya pwedeng basta na lang ipa-ban sa building. Now you understand why I don't want a female assistant?”

“So 'yung ginawa niya sa akin last time, ginawa na din niya 'yon sa iba mong naging assistant na babae?”
Tumango si Hunter bilang sagot. “And I have to warn you, you haven't seen the last of her. I'm afraid, hindi siya titigil hangga't hindi ka nagreresign.”

“Is that why you tried to get rid of me when I first started?”

“It saves me the trouble and the drama. Teka, ganoon ba ako ka-obvious?”

“Medyo lang,” nakangiting sagot ni Dan. “Anyway, tungkol ba kay Gena 'yung sinasabi mo kaninang kailangan nating pagplanuhan?”

Napangiti si Hunter nang banggitin niya ang tungkol sa sinabi nito kanina. “'Yan naman ang gusto ko sa'yo, Dan. It's like you can read my mind.”

Natawa siya sa tinuran nito. “I know men, I told you I have four brothers. Teka, kukuha muna ako ng beer. Mukhang mahaba-habang usapan pa 'to eh.”

“Akala ko ba ayaw mo ng beer?”

Natigil ang akmang pagtayo ni Dan. “Ang sabi ko lang ayoko, diba? Hindi naman ibig sabihin na hindi ako umiinom niyon.” Iyon lang at bumalik na siya sa kusina nito upang kumuha ng beer para sa kanilang dalawa.

“Hey, ang dami naman niyan,” puna ni Hunter nang makabalik siyang may hawak na improvised bucket na nilagyan niya ng ice at ilang piraso ng canned beer. “Are you sure you're allowed to drink beer at all?” may pagdududang tinitigan pa siya nito nang buksan niya ang isang lata.

“Kapag nakatira ka sa isang bahay kasama ang limang lalaki, matututo ka talagang uminom ng mga inuming hindi mo dapat iniinom.”

“Parang hindi bagay sa'yo ang uminom ng beer. You look classier than that. I think you're more of a wine girl,” pagkatapos ay pinasadahan pa nito ng tingin ang kanyang kabuuan.

Hindi maipaliwanag ni Dan kung bakit bigla siyang na-conscious sa paraan ng pagsipat nito sa kanyang itsura. As always, she was wearing a neat business suit with touches of yellow in it. Yellow kasi ang paborito niyang kulay at saka sadyang bagay sa kanya ang kulay na iyon. It complements her skin tone.

“Hindi ko akalaing ang prim and proper na assistant ko pala ay may lahing tomador.”

“Ano'ng sabi mo?”

“I'm serious. Tingnan mo ang sarili mo. You look serious and pretty with your formal business suit and perfect hair. I'm really surprised that you drink beer at all.”

“Did you say pretty?”

“Ha? Sinabi ko ba 'yun? Ang sabi ko lang serious,” kaila nito bago muling uminom.

“Oo nga, pero sinabi mo din pretty,” nakataas ang kilay na wika niya.

Nagkibit ng mga balikat si Hunter. “So what if I said that? Maganda ka naman talaga. Bagay sa'yo ang
yellow. Favorite color mo?”

“Paano mo nalaman?”

Muli ay nagkibit ito ng mga balikat. “Napapansin ko lang na madalas kang magsuot ng mga damit na may touch ng yellow.”

Biglang natahimik si Dan. Napapansin ni Hunter 'yon? She didn't have any idea.

“Anyway, you really shouldn't be drinking. Baka bugbugin ako ng mga kuya mo kapag inihatid kitang lasing,” natatawang dugtong nito.

“It's alright. Believe, mataas ang tolerance ko sa alcohol.”

“In that case, how about a toast?”

Nang itaas ni Hunter ang hawak na beer ay nakangiting nakipagtoast si Dan dito. Hindi siya makapaniwalang nandoon siya ngayon sa condo ni Hunter at umiinom pa ng beer kasama nito habang nagku-kwentuhan. She couldn't remember the last time she enjoyed the company of a man other than her brothers and her father.

“Teka nga, bakit ba ako ang pinag-uusapan natin?” maya-maya ay tanong ni Dan. “Diba dapat ay pinag-uusapan na natin ang sinasabi mong paggawa ng plano tungkol kay Gena?”

“Aw, right,” minasahe ni Hunter ang sentido bago nagpatuloy. “Sumasakit talaga ang ulo ko kapag naiisip ko ang babaeng 'yon. Maybe we should just talk about that some other time. Nakakasira ng mood eh.”

Natawa na lang si Dan nang muling itaas ni Hunter ang hawak na canned beer upang makipagtoast sa kanya. The moment that her can touched his, she immediately forgot all about Gena.


Heto na ang part 10.


Kung hindi mo pa nababasa ang mga naunang parts, heto sila:

Overhauled Reject Part 1
Overhauled Reject Part 2
Overhauled Reject Part 3
Overhauled Reject Part 4
Overhauled Reject Part 5
Overhauled Reject Part 6
Overhauled Reject Part 7
Overhauled Reject Part 8

Comments