Overhauled Reject Part 3

Overhauled Reject Part 1
Overhauled Reject Part 2

Tentenenen! Here comes part 3!


NASA kalagitnaan ng pagbabasa ng santambak na reports si Hunter nang pumasok si Dan sa kanyang opisina. Hindi siya nag-angat ng paningin pero aware siya sa mga ginagawa nito. Isinampay nito sa coat rack na nandoon ang mga damit na dala pagkatapos ay lumapit ito sa mesa niya. Hinintay niyang magsalita ito pero hindi nangyari. Sa halip ay natabunan ng pagkain ang hawak na report.

“What's this?”

“Lunch time na, Sir. Kumain ka muna,” nakangiting turan nito. “I bought lunch on my way back. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya pagtyagaan mo na lang ang lasagna.”

“What the hell do you think you're you doing?” salubong ang mga kilay na tanong niya dito.

“I’m doing my job.”

“Your job is to do everything that I tell you to do. Now get that thing away from me.” This is exactly the reason why he didn’t want any woman around him. Masyadong pakialamera talaga ang mga babae.

“'Wag kang mag-alala, Sir. Hindi naman mawawala ang mga reports na 'yan kapag kumain ka. O wait, I have a better idea,” dumukwang ito sa mesa at saka kinuha ang mga reports na nasa ilalim na ngayon ng lasagna. “Ako na ang magbabasa ng mga ito. Bibigyan na lang kita ng summary at highlights.”

“Ms. Lagman—”

“Sir, I’m your assistant so let me do this. Kung hindi mo napapansin ay lagpas alas dose na ng tanghali at may appointment ka ng ala una y medya.” Itinuro ni Dan ang kanyang appointment calendar na nasa desk. 

Pinigilan ni Hunter ang sariling mapamura nang makitang tama ito. Napabuntong-hininga na lang siya bago bantulot na tinanggal ang pagkakabalot sa pagkaing iniabot nito. “You’re bossy.”

“I’ll take that as a compliment.”


SANAY na si Dan na magbasa at gumawa ng summary habang kumakain kaya mabilis na natapos niya iyon. Nang matapos siya ay tahimik na tinungo niya ang opisina ni Hunter upang ibigay iyon.

“You can just leave it there,” Hunter just waved his hand toward the pile of papers on his desk.

“Okay, Sir,” bantulot na tinungo niya ang pinto. Ganoon lang ang sasabihin nito? Wala man lang thank you sa tulong at sa lunch?

“Teka lang, Dan.”

“Yes, Sir?” agad na lumingon siya dito.

“Kapag dumating 'yung 1:30 ko papuntahin mo na lang sila sa conference room.”

“Okay, Sir. Is there anything else?”

“Wala na. You can go back to work.”

Nakasimangot na bumalik si Dan sa sariling desk.

NAGHAHANDA na para umuwi si Dan nang marinig niya ang pagtawag ni Hunter sa intercom. Sa tono ng pananalita nito ay mukhang mainit ang ulo nito. It's probably because he got held up all afternoon in the conference room.

With a sigh, Dan walked toward Hunter's office. Pumasok na agad siya doon kahit hindi kumakatok. Alam naman nitong papunta siya doon eh.

“Sir—” natigilan siya sa may pinto nang mamataan ang kanyang boss na walang damit pang-itaas. Alam niyang dapat na niyang ilayo ang tingin dito pero ayaw namang sumunod ng mga mata niya. Sino ba ang mag-aakalang may tinatago palang magandang katawan ang masungit na 'to?

She was still busy staring at him when she heard him clear his throat. Dahil doon ay pinilit ni Dan na iangat ang paningin sa mukha ni Hunter.

“Staring is rude.”

“I… ahm… sorry,” Pilit na itinutok ni Dan ang mga mata sa nagkalat na mga papel sa desk ni Hunter. “B-bakit mo ako tinawag, Sir?”

“Saan mo nakuha ang mga ito?”

Ah, letse! Kung kailan naman nagtagumpay na siyang ilayo ang paningin dito ay saka naman kailangan niyang ibalik uli iyon. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muling tumingin dito. Hawak na ngayon ni Hunter ang nakahanger na mga damit.

“Dan, kinakausap kita.”

Ipinilig niya ang ulo upang linawin ang isip. “Ah, ano nga uli 'yun?”

“Itong mga ‘to.” Itinuro nito ang mga damit. “Where the hell did you get them?”

“Nakuha ko 'yan sa laundry mo. ‘Wag mong sabihing nagkamali ng idineliver ang laundry shop?”

“No, these are my shirt and slacks all right. Ang hindi ko maintindihan ay kung saan nanggaling ang mga ito?” Itinaas nito ang isang panglalaking scarf. “At ito?” Itinuro naman nito ang vest.

“Oh, the first one is a pashmina scarf and that,” itinuro niya ang vest. “Is a cashmere vest.”

“Hindi ko natatandaang bumili ako ng mga ganitong damit.”

“Nakita ko yan sa mga kahon na nandoon sa closet mo. Mukha ngang hindi mo pa nagagamit kasi nakabalot pa.”

Minasahe nito ang sentido. “Nakuha mo siguro ito sa mga kahon na naglalaman ng mga regalo ng mama ko.” Bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. “Wala na akong oras para makipagtalo sa iyo. Paano ba isinusuot ito?”

Kaya naman pala hindi nito ginagamit ang mga iyon ay dahil hindi nito alam kung paano isuot. Now, that’s cute. Lumapit siya dito upang kunin ang mga damit habang isinusuot nito ang long-sleeve shirt. Nang maisuot nito iyon ay iniabot naman niya ang vest. Tahimik na tinanggap lang nito iyon saka pinakatitigan.

“Ah, Sir, ganito 'yan. Let me help,” inilahad niya ang kamay ngunit sa halip na ibigay iyon sa kanya ay inilayo pa nito iyon.

“I'm not going to wear this thing.”

“Sir, this thing is a vest. At babagay ito sa outfit mo. Just try it on. Kapag hindi mo nagustuhan ay saka mo tanggalin.”

“Alright,” alanganin ang tinging iniabot nito iyon sa kanya. Samantalang siya ay malapad na ang ngiti nang ituro dito kung paano isinusuot iyon.

“Now the scarf.” 

“No way, lady. I am definitely not going to wear that thing,” matigas na wika nito.

“Bakit? Bagay din ito sa suot mo, Sir. Isa pa, uso din ito ngayon.”

“Babae lang ang nagsusuot ng ganyan,” tila kinikilabutang reklamo nito.

“Of course not.”

“No, Dan. Okay na ako dito.”

“But, Sir-” naputol ang iba pa niyang sasabihin nang magring ang private line nito.

Hunter blindly reached at the phone and pressed a button. “Yeah?”

“Hunter, that is not the proper way to answer the phone,” may himig panenermong wika ng isang babae mula sa kabilang linya.

“Sorry, Ma.” Tatalikod na sana si Dan dahil mukhang personal ang tawag na iyon pero naramdaman niya ang pagpigil ni Hunter sa kanyang braso. “We're not yet done here.”

“What? Ano'ng sinabi mo, anak?” tanong ng ina nito.

“Not you, Ma. Kausap ko ang bago kong assistant,” sagot ni Hunter na hindi parin binibitiwan ang kanyang braso.

“May bago ka na palang assistant, that's good. Be nice this time, okay?”

“I'm always nice,” reklamo ni Hunter na ikinangiti ni Dan.

“I'm not going to argue about that. Tumawag lang ako para ipaalala sa'yo ang dinner mamaya sa bahay. Ayokong marinig na may meeting ka nanaman. We are expecting you, Hunter.”

“Pero, Ma-”

“Ayoko nang marinig ang mga pero na 'yan. You'll be here at seven in the evening or I'll hunt you down. And please lang, anak, magsuot ka naman ng medyo presentableng damit. The last time na nagdinner ka dito para kang teenager na naliligaw ng landas. Pagpahingahin mo na ang mga butas-butas mong maong at sneakers, okay?”

Hunter grinned at that. Bigla tuloy natulala si Dan. “I might surprise you tonight, Ma.” Nakangiti parin ito hanggang sa matapos ang tawag at bumaling sa kanya kaya lalo lang hindi makagalaw si Dan. “I changed my mind. I'd like to wear that scarf after all.”

Darn it, bakit nakangiti parin ang masungit niyang boss? 

“Dan? Okay ka lang ba?”

“Ha? Ahm, o-oo, Sir,” sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango.

“Come on, put that thing on me now.”

At sa nanginginig na mga kamay ay sinubukan niyang isuot sa leeg nito ang hawak na scarf. But he was much taller than her kaya hindi niya iyon magawa ng maayos.

“Sir, pwede bang yumuko ka ng konti?”

Nagpakawala muna si Hunter ng malalim na hininga bago naupo sa gilid ng desk para magkapantay sila. Nagconcentrate siya sa pagbubuhol sa scarf. Nang malapit na siyang matapos ay bigla namang ngumiti ito. Tuloy ay napahigpit ang pagkakahila niya sa scarf.

“Aray! Gusto mo ba akong patayin?”

“Naku, sorry, Sir, hindi ko sinasadya,” nakangiwing sinubukan niyang tulungan ito sa bahagyang pagkalas sa mahigpit na pagkakabuhol niya. Pero lalo lang siyang naging clumsy dahil nakatitig na sa kanyang mukha si Hunter.

Nasa ganoong ayos parin sila nang makarinig sila ng pagtikhim.

“Am I disturbing anything?” tanong ng isang baritonong boses.

Hindi parin inaalis ni Hunter ang pagkakatitig sa kanya kahit nang sumagot ito. “No,” hinawakan nito ang mga kamay niyang nakahawak parin sa scarf. “Thank you, Dan,” wika nito sa mababang boses. Then he stepped away from her.

“Bakit nandito ka, Drew?”

“Napag-utusan lang ako, bro. Tinawagan ako ni mama at sinabihan dumaan dito sa opisina mo para masigurong pupunta ka sa dinner sa bahay mamaya.”

“I'll be there.”

“Cool,” then the guy looked at her direction and winked.

Here is the part 4.

Comments