Tinatamad akong i-edit ang katatapos ko lang na MS kaya naman naisip kong i-edit ang isang na-reject kong MS dati. Uhh... What? *scratching my head* I know, I'm also confused. LOL! Anyway, here it is. I just tweaked it a bit para hindi masyadong mahaba.
“THIS is it. Today’s the day.” Paulit-ulit na sinasabi iyon ni Dan sa sarili habang nag-iipon ng sapat na lakas ng loob upang pumasok sa building kung saan siya magta-trabaho simula ngayong araw na ito. Hindi ito ang first job niya pero sa tindi ng kabang nararamdaman ay iisipin ng kung sino man na baguhan lang siya. And she couldn't afford to look that way. So with renewed determination, she smartly made her way toward the elevators.
Pagpasok sa elevator ay napangiti siya nang makita ang sariling repleksiyon sa isang haligi niyon. Pinaghandaan talaga niya ang araw na ito. She had her hair and nails done the previous day. She even bought a new business suit. After one last look at herself, she walked out of the elevator with renewed confidence when she reached her floor.
“Good morning,” bati niya sa receptionist. “I’m here to see Mr. Hunter Gatchalian, I’m Danika Lagman, the new assistant.”
May tinawagan ito sa telepono upang i-confirm ang pagdating niya. Maya-maya ay may lumabas na isang babae na siyang naghatid sa kanya papunta sa opisina ng bago niyang boss.
“Come in.” Iyon ang narinig niya mula sa loob ng opisina pagkatapos niyang kumatok. Pagpasok niya ay nagulat siya sa tanawing sumalubong sa kanya. Buong akala niya ay isang matandang negosyante ang magiging boss niya. But the Hunter Gatchalian she saw sitting in front of the big desk looked like he was just older than her by a few years. Nakasubsob ang ulo nito sa mesang punong-puno ng mga papel. Ni hindi man lang ito tumingin sa kanya. “I didn’t expect you this early.”
Mula sa kinatatayuan ni Dan ay hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. He looked like he haven’t slept. Medyo magulo din ang may kahabaang buhok nito. Ang suot nitong button-down shirt ay gusot-gusot at nakatupi hanggang sa siko nito. Naputol ang pag-o-obserba niya nang magsalitang muli ang kanyang boss.
“You have a desk outside. Lahat ng kakailanganin mo ay nandoon na. Nagprint na din ako ng listahan ng mga magiging responsibilidad mo bilang assistant ko. Nandoon na sa desk mo iyon.”
Hindi maiwasang tumaas ng mga kilay ni Dan sa paraan ng pagsasalita nito. He was talking in an authoritative way, but there’s something else. He’s just so cold. Parang napaka-distant nito.
“You can go over the tasks I assigned to you, then come back here if you have questions.”
Hindi pa rin siya nito nililingon. Nagsisimula na siyang makaramdam ng inis dahil doon. Tuloy-tuloy lang ito sa pagta-trabaho mula nang pumasok siya. Ni wala man lang greetings o introductions na nangyari bago ito tuloy-tuloy din na nagbigay ng instructions.
She tried to calm herself before speaking. “I’ll do that, thank you.”
Pagkasabing-pagkasabi niya niyon ay biglang napataas ang ulo ni Mr. Gatchalian. “Ikaw si Dan?”
Nagulat siya sa pagbabago ng tono nito pero hindi niya iyon ipinahalata. Tumango lang siya at sinalubong ang mga mata nito. He had a blank expression on his face and she was not liking it. At habang tumatagal ay naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito. “Sir?”
Kumunot muna ang noo nito bago nagsalita. “Hindi ko alam na babae pala ang Dan na ipinadala dito ng HR.”
“Dan is my nickname. My name is Danika Lagman.”
“Right, I’m calling the head of the HR. I don't want a female assistant,” akmang aabutin na nito ang telepono nang pigilan niya ito.
“Wait, you can't do that. I already signed a contract.”
Mukhang nagulat ito sa ginawa niyang pagkontra dito. Sumandal ito sa upuan saka muling tumitig sa kanya. Ngayong nakikita na niya ang mukha ng kanyang bagong boss ay gusto ng bawiin ni Dan pagkadismayang naramdaman kanina. Bigla ay parang naging sexy tingnan ang magulong buhok nito. Pati ang lukot-lukot nitong damit ay naging maganda sa paningin niya. Parang ang sarap nitong kasama sa trabaho.
“Pinapangunahan mo ba ako?”
“N-no, Sir. I'm sorry. It won't happen again,” Dan tried her best to sound firm and poised. Bakit ba kailangan pa siya nitong tingnan sa ganyang paraan?
“Very well,” nagulat siya nang bigla na lang itong sumang-ayon. “I will e-mail you a different set of tasks. Disregard the list in your desk. Nang ginawa ko ang list na iyon ay hindi ko alam na babae pala ang magiging assistant ko.” Iyon lang at bumalik na ito sa trabaho. Siya naman ay nagmamadaling lumabas na ng opisina nito at nagtungo sa sariling desk.
ILANG minuto pa lang na ino-orient ni Dan ang sarili sa mga proseso sa opisina ni Hunter nang makatanggap siya ng e-mail galing dito. At agad na uminit ang ulo niya nang mabasa iyon. Napakahaba ng listahan ng task na ipinadala nito. Mabilis na iprinint niya iyon at dire-diretsong pumasok sa opisina nito. Naabutan niya itong nakatingin sa suot nitong relo.
“That was fast,” tila naaaliw na wika nito. “Three minutes lang mula nang ipadala ko ang e-mail bago ka sumugod dito. You just beat the record.”
“What? Are you playing games with me?”
Painosenteng umiling ito. “No.”
“Then what’s this?” Ibinagsak niya sa ibabaw ng mga papel sa mesa nito ang printed copy ng mga ‘tasks’ niya.
“Those are your tasks,” simpleng sagot nito.
“Niloloko mo ba ako, Sir?” she tried hard not to sound too sarcastic. “Walk your dog? Pick up your laundry? Take your car to the car wash? Buy your groceries?” and the list goes on.
“Wait, I forgot something. Wala pala akong aso. You might need to buy me one.”
Hindi na napigilan ni Dan ang mapanganga sa narinig. To hell with poise! “Are you serious?”
Nagkibit-balikat lang ito. “I thought you want this job?”
If her new boss is trying to challenge her and make her quit, then he’s in for a big disappointment. Dahil hindi siya basta-basta sumusuko at hindi siya umuurong sa mga challenges. So Dan raised her head and looked straight into Hunter’s eyes before saying, “I do want this job and I'll show you just how good I can be.” Then she gave him a look that says ‘bring it on’ before turning and walking out of his office.
Comments
Post a Comment