Overhauled Reject Part 5

Overhauled Reject Part 1
Overhauled Reject Part 2
Overhauled Reject Part 3
Overhauled Reject Part 4

Here's part 5!

PALABAS na sa restaurant sina Hunter at Dan nang may marinig si Hunter na tumawag sa kanyang pangalan. Nalingunan niya ang isang taong ayaw na sana niyang makita pa kahit kailan.

“Hi Hunter, it’s been a long time,” napakunot-noo siya nang lumapit sa kanila si Gena.

“Gena,” seryoso ang mukhang tinanguan niya ang dating nobya.

“I’ve missed you!” Lumapit pa ito ng husto na tila gusto siyang bigyan ng halik sa pisngi pero maagap na dumistansiya siya dito. Sa halip ay binalingan niya ang kasama nitong lalaki at tinanguan din.

“You’re looking great, Hunter,” wika ni Gena. 

“Thanks.”

“What are you doing here?” Sa tono ng pagsasalita nito ay parang may karapatan pa itong magtanong sa kanya ng ganoon.

“Kumain, obviously,” hindi na niya itinago ang pagkabagot pero mukhang hindi man lang tinablan si Gena sa ginawa niya.

“Teka, hindi mo ba ipapakilala ang kasama mo?”

Nang sulyapan ni Hunter si Dan ay napansin niyang matamang nakatitig ito sa kanya. He knew that she is an intelligent woman. He could see it in her eyes that she understood the situation.

“Forgive my manners, this is Danika Lagman.”

“I’m his, ahm… date,” narinig niyang dugtong ni Dan pagkatapos ay naramdaman niya ang bantulot na pag-angkla ng kamay nito sa kanyang braso. Awtomatikong lumipad ang kanyang mga mata dito.


“Right, she’s my date,” pagsang-ayon niya saka ipinatong ang kanyang kamay sa kamay ni Dan. “Anyway, may lakad pa kami. We’ll go ahead. It’s nice to see you.” Hindi na niya hinintay na makasagot ang mga ito. Mabilis na inakay na niya si Dan palayo.

Hunter admitted that it was really awkward seeing Gena again after everything that happened between them. How could she act that way? Kung makipag-usap ito kanina ay para bang walang hindi magandang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya makapaniwalang nagtangka pa itong humalik sa kanyang pisngi bilang pagbati.

He was still deep in his thoughts when he felt a hand touch his arm. Dan was looking at him with worried eyes. It was strange that he felt rather good when she touched his arm.

“Ahm, Sir, lumampas na yata tayo. Hindi ba doon ka nagpark kanina?” itinuro nito ang kabilang bahagi ng parking lot.

“Right, sorry,” tanging sagot niya bago ito iginiya sa kinapaparadahan ng kanyang kotse.

“Okay ka lang ba, Sir?”

“Yeah, of course. Halika na, ihahatid na lang kita sa inyo.”

“No need, Sir. Pwede naman akong magcommute pauwi.”

“No, I'll take you home,” Hunter said with finality. Pinaseryoso pa niya ang mukha para tumigil na si Dan sa pagtanggi.

“Sige, Sir. Thank you.”

PAGKATAPOS ng nangyari nang gabing iyon ay parang lalo pang tumindi ang kasungitan ni Hunter. Hindi talaga maintindihan ni Dan kung anong klaseng topak meron ito.

“Dan,” biglang tawag ni Hunter sa intercom. At least hindi na siya nito tinatawag na Ms. Lagman ngayon. “Please come to my office now.”

Pagpasok niya sa opisina nito ay business mode agad si Hunter. “I need you to organize a small party for the board of directors. Doon natin ipe-present ang mga bagong projects ng kompanya. The board wants a party so we'll give them one.”

“Sir?”

Itinutok nito ang mga mata sa kanya. “Yes? May hindi ka ba naintindihan sa sinabi ko?”

“Wala, Sir,” umiiling na sagot niya.

“Good,” then he continued giving her more instructions about the party.

Tahimik na isinulat ni Dan sa dala niyang notepad ang lahat ng gusto nitong mangyari para sa party na iyon. And just when she thought she could easily do everything he instructed, Hunter dropped the bomb.

“Next week?”

“Yes, I want the party to be scheduled on friday next week.”

Seryoso ba ito? Hindi ba nito alam kung gaano dapat katagal na pinaghahandaan ang isang party? Kahit pa sabihing maliit na party lang iyon. The point is that it wasn't a simple party. Para iyon sa mga board of directors ng kompanya. 

“But, Sir-”

“Hindi mo kaya?” naghahamon ang tinging tanong ni Hunter.

Dan hated that it looked like he was issuing a challenge. And it was up to her to step up to it. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga saka nakataas ang noong sumagot. “Everything will be set on friday next week, Sir.”

“Great.”

PAGDATING ng huwebes ay nakahanda na ang lahat para sa gaganaping party sa susunod na gabi. Nakangiting dinouble check ni Dan ang kanyang checklist. Okay na nga ang lahat. Sa wakas ay makakapagrelax na siya. Sumandal siya sa upuan at saka sandaling ninamnam ang kanyang tagumpay. Pero agad din iyong naputol nang bigla na lang lumabas si Hunter mula sa opisina nito at dire-diretsong lumapit sa kanya.

“Dan.”

“Yes, Sir?”

“Get your things. We’re going out.”

Nagtatakang tinitigan lang niya ang paglalakad nito palayo. Hindi kasi siya sigurado kung tama ba ang narining niyang sinabi nito. Nang tila mapansin nitong hindi siya nakasunod ay lumingon ito sa gawi niya.

“Ano pa ang ginagawa mo diyan?” Itinaas nito ang hintuturo at sinenyasan siyang lumapit.

Inis na tumayo siya. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtawag nito sa kanya. Ano sya, aso? Na pwede nitong basta na lang senyasan ng ganoon at lalapit na agad. Lalo pang uminit ang ulo niya nang ipitik nito ang kamay para kunin ang kanyang atensiyon.

“Sir, hindi ako aso at hindi mo ako alalay kaya kung pwede lang po ay ayusin niyo ang pakikipagcommunicate sa akin,” hindi niya napigilang sabihin pagkatapos ay nakasimangot na kinuha na niya ang kanyang bag.

Naglalakad na siya palapit kay Hunter nang mapansin niyang parang may kakaibang nangyayari sa paligid. Bakit parang biglang tumahimik?

Alanganing inilibot niya ang paningin at noon niya napansing pinapanood na pala sila ng mga iba pang empleyado na nandoon. Ang ilan sa mga iyon ay tila pasimpleng ngumingiti habang nakatingin sa kanya. Nahihiyang umiwas siya ng tingin. Muling nabaling kay Hunter ang kanyang atensiyon nang tumikhim ito at nagsimulang lumakad palapit sa kanya.

Uh-oh! Me and my big mouth!

Napasinghap siya sa pagkagulat nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay.

“Let's go,” mahinang utos nito bago siya hinila palabas ng opisina.

Hiyang-hiya si Dan sa ginawa niyang eksena. Lalo na at tila tuwang-tuwa pang pinanood sila ng mga empleyado doon. Tapos ito namang si Hunter ay parang walang pakialam sa paligid. Ni wala siyang napansing senyales na apektado ito sa nangyari. Dire-diretso lang ito sa paglalakad habang hila siya sa kamay.

“ANO’NG ginagawa natin dito, Sir?” Papasok na sila noon sa Rustan’s Department Store sa Glorietta nang hindi na makataiis si Dan na hindi magtanong. 

“I need you to help me with my wardrobe… for tomorrow.”

“Ha?”

“You have good fashion sense,” tila balewalang sagot nito. “I trust your taste in clothes.”

Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Dan nang marinig iyon. Mabilis na nakalimutan na niya ang inis na naramdaman para dito kanina. Ewan ba niya pero laging bumubuti ang pakiramdam niya kapag shopping ang pinag-uusapan.

“Please don't smile like that. Parang kinakabahan ako sa ngiti mong yan.”

“Don’t worry, Sir, ako’ng bahala,” lalo pa niyang pinalapad ang ngiti at pinagkikiskis ang mga palad.

“Dan, you’re starting to freak me out.”

Tuluyan na siyang natawa nang tila kinikilabutang lumayo sa kanya si Hunter.

Walang sinayang na sandali si Dan. Mabilis na hinila niya si Hunter patungo sa men’s wear section at namili ng damit para dito. Itinapat niya sa dibdib ni Hunter ang ilang pirasong long sleeves shirt upang mabistahan kung ano ang mas babagay dito.

“Ahm, Dan, is this really necessary?” naaasiwang tanong ni Hunter.

“Of course!”

“Hindi ba pwedeng pumili ka na lang at babayaran ko na agad?”

Sunod-sunod na umiling si Dan. “Nope, that’s a big no-no! Kailangan mo pang isukat ang mga mapipili ko para—”

“Ha? Magsusukat pa?”

“Oo naman, Sir, para malaman natin kung sakto ang fit sa iyo ng mga damit.” Tinignan siya nito na tila wala itong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. “Basta, ‘wag ka nang magreklamo. Just trust me.”

Nang makapili si Dan ng tatlong pares ng suit ay nagpakuha agad siya ng mga sizes ni Hunter sa dalawang sales lady na naga-assist sa kanila. Pagkatapos ay niyaya na niya ang mukhang bored na bored na si Hunter patungo sa fitting room.

“Paano mo nalaman ang size ko?”

“Ha?”

“Paano mo nalaman ultimo ang size ng leeg ko?”

“Nakalimutan mo na bang ikinuha na kita ng mga damit sa condo mo? Natural lang na malaman ko ang size ng damit mo.”

“Pero alam mo ang eksaktong size ng leeg ko. That’s kinda freaky.”

“'Wag mo na lang isipin 'yon, Sir.”

Napatango na lang ito sa sinabi niya. “Kailangan ba talagang pati leeg sinusukat?” Maya-maya ay tanong nito na may bahid parin ng pagdududa.

“Oo, kailangan iyon para sa dress shirt.” Tila lalo lang itong naguluhan sa sinabi niya. “Iyon ang tawag dun sa long sleeves na sinusuot bago ang vest at ang coat.”

Hindi na ito nakasagot dahil nakabalik na ang mga sales lady na tila kinikilig pa habang inaabot ang mga damit kay Hunter.

“Bakit ang dami?”

Para madaming choices. Sige na isukat mo na ang mga ‘yan.”

“Ang sweet niyo naman, Ma’am,” wika ng isang sales lady nang makapasok na si Hunter sa fitting room.

“Oo nga, nakakakilig naman kayo ni Sir. Alam na alam niyo pa ang measurements niya,” nakangiting sang-ayon naman ng kasama nito.

“Ha? Ahh…” alanganing nginitian niya ang mga ito. Ano ba ang dapat niyang isagot doon? “Thank you.”

Muling naghagikgikan ang dalawa. Siya naman ay bahagyang lumayo bago pa kung ano nanaman ang sabihin ng mga ito.

Nang makapili sila ng suit ni Hunter ay niyaya naman niya ito patungo sa men’s shoes section.

“Bakit tayo nandito?”

“Syempre bibili ng sapatos.”

“Nagpatulong lang ako sa iyong mamili ng damit, nag-enjoy ka naman ng husto. Pati sapatos ay isinama mo na sa listahan,” sarkastikong wika nito.

Kanina pa ito nagrereklamo kung bakit kailangan pang bumili ng vest at necktie samantalang madami naman daw itong vest at necktie sa bahay. Ang dahilan naman niya ay hindi sila sigurado kung babagay ang mga iyon sa bagong biling suit nito. Lalo pa itong nagprotesta nang makita nito ang presyo ng mga iyon. Kahit kailan daw ay hindi pa ito namili ng necktie na lagpas isang libo ang presyo. Muntik na nga niya itong sagutin at sabihin na ganoon talaga kamahal ang presyo ng mga paninda sa naturang department store. Hindi na niya kasalanan iyon dahil doon siya nito dinala para mamili. Ngunit sa huli ay ipinaliwanag na lang niya kung gaano kaimportante na nagma-match ang lahat sa kanyang suit. If he really wanted to impress the board, he need to look the part.

“’Wag ka nang magreklamo, Sir. Tandaan mo, para ito sa success ng party bukas.”

“I don’t see how my clothes would contribute to that. Ang gusto ko lang ay magmukhang presentable. Tama na ‘to, may sapatos na ako, yun na lang ang isusuot ko.”

“Hindi bagay iyang sapatos mo sa suit na binili natin. At wag mong sasabihing may iba ka pang leather shoes sa bahay dahil nakita ko na ang lalagyan mo ng mga sapatos. Puro sneakers lang ang nandoon, Sir.”

“Fine, just get on with it,” iyon lang at sumalampak na ito sa upuang nandoon saka ito sumenyas na bahala na siyang pumili ng sapatos para dito.

NAKAUPONG pinanood ni Hunter ang pamimili ni Dan ng sapatos para sa kanya. Kahit anong protesta niya ay hindi nito pinakinggan. Wala talaga siyang tiyaga sa pagsha-shopping kahit kailan. Siya yung tipo ng tao na kapag may nagustuhang damit o sapatos ay binibili na agad. Wala ng sukat-sukat. Wala siyang pakialam kung ano ang style o design ng mga iyon. He was also not the type of person who would spend a fortune on clothes and shoes. 

“Naiinip ka na ba, Sir?”

Hindi niya namalayang nakalapit na pala si Dan. “No, it’s okay. Take your time,” sarkastikong sagot niya.

Tila nahihiyang ngumiti naman ito. “Hindi, okay na. May napili na ako.”

Hunter breathed a sigh of relief. Mabuti naman kung ganoon. Pakiramdam ko ay kanina pa ako pinaparusahan sa ginagawa ng babaeng ito sa akin.

“Sige na, isukat mo na ito.” Iniabot sa kanya ni Dan ang tatlong pares ng sapatos. Hindi na niya tinanong kung bakit tatlo ang pinapasukat nito sa kanya. Alam na niya ang isasagot nito, para madaming choices. Akmang isusuot na niya ang isa sa mga iyon nang pigilan siya nito.

“Bakit? Akala ko ba isusukat ko pa ang mga ‘to?”

“Oo nga,” napansin niya ang bahagyang pag-aalangan nito. “Pero mas mabuti kung kasama yung mga damit.”

“What?!”

Tila nahihiyang ngumiti nanaman si Dan.

“Are you trying to kill me?” he looked helplessly at her.

“Sige na, please? Para makita natin kung bagay nga talaga yung sapatos sa suit mo.”

Isinusumpa na talaga ni Hunter ang oras na naisipan niyang magpatulong kay Dan upang mamili ng isusuot para sa party bukas. Hindi na lang ito basta parusa. Isang matinding torture ang ginagawa nito sa kanya ngayon. Sinunod na lang niya ang sinasabi nito para matapos na.

PARANG gustong magpamisa ni Hunter nang sa wakas ay natapos na niyang pagdaanan uli ang buong proseso ng pagsusukat ng damit kasama ang mga sapatos. Mabilis na binayaran na niya ang mga iyon pagkatapos ay hinila sa kamay si Dan palabas ng department store.

“Not one more word,” babala niya nang ibuka nito ang mga bibig para magsalita. “I swear, iiwan na talaga kita dito kapag may pinabili ka pang iba sa akin.”

Tumahimik naman ito pero maya-maya ay hinila nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya. Noon lang din niya napansing hawak parin pala niya ang kamay nito. Mabilis na binitawan niya iyon saka nagpatuloy sa paglalakad.

“Ahm, Sir, teka lang.”

“What?” tanong niya nang hindi lumilingon. 

“Ang bilis mo kasing maglakad, Sir.”

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Mukhang hirap na hirap nga ito sa paghahabol sa mabibilis niyang hakbang. For some reason, he felt like smiling.

“Sir, baka hindi mo napapansin, maiiksi lang ang legs ko tapos mataas pa ang heels ko. Hindi ko kayang sumabay sa pagmamarathon mo.”

Dahil sa sinabi nito ay napatutok ang kanyang mga mata sa legs nito. She had really nice legs. Mas na-emphasize pa iyon ng suot nitong pencil cut skirt. She paired it with a… with a… Hunter didn’t know how to call that blouse with giant ruffles and distorted neckline. Bakit ba napaka-complicated ng mga damit ng babae? But he appreciated how she looked in those clothes. It perfectly emphasized her body shape. Ang sapatos naman na suot nito ay may manipis at patusok na heels na umabot yata ng apat na pulgada. Killer heels nga talaga iyon.

Tumikhim ito kaya napatigil siya sa ginagawa. Somehow, Hunter felt like blushing because she caught him staring at her. Mabilis na iniiwas niya ang paningin at nagsimula nang maglakad ng mas mabagal.

Heto na ang part 6.

Comments