Here's part 7 of my Overhauled Reject posts.
AFTER the party, Hunter was back to all business as usual. Kaya naman lately ay isang hamak na executive assistant na uli ang role ni Dan. Though she kinda liked being his fashion adviser. Pero duda siya kung papayagan pa uli siya ni Hunter na samahan itong magshopping.
Nag-init ang ulo ni Dan sa narinig. Ngunit sa halip na sumagot agad ay bumaling muna siya kay Hunter upang tingnan ang reaksiyon nito. At hindi na siya nagulat nang makita ang curiosity sa mukha nito. He even gave her a challenging smile na para bang hinihintay nito kung paano niya sasagutin iyon.
Hindi agad nakasagot si Dan. Wala siyang ideya na ganoon ang itinawag niya kay Hunter. It just sounded so normal and natural for her to call him using his first name.
Heto na ang part 8.
Kung hindi niyo pa nababasa ang mga naunang parts, heto sila:
Overhauled Reject Part 2
Overhauled Reject Part 3
Overhauled Reject Part 4
Overhauled Reject Part 5
Overhauled Reject Part 6
AFTER the party, Hunter was back to all business as usual. Kaya naman lately ay isang hamak na executive assistant na uli ang role ni Dan. Though she kinda liked being his fashion adviser. Pero duda siya kung papayagan pa uli siya ni Hunter na samahan itong magshopping.
Napakabilis talaga ng araw. Suddenly one month was over. And she was starting to
enjoy working for Hunter. Kahit na may pagkasuplado ito at laging seryoso ay
nararamdaman niyang front lang nito iyon. She could sense that it was not the
real Hunter.
In the one month that she worked with him, she caught a few
glimpses of who Hunter really was. Kahit pa sinusubukan nitong maging istrikto
at suplado ay lumalabas parin ang natural na kabaitan nito. She could still
remember her first impression of him. Napakarude nito pero habang
tumatagal ay na-realize niyang palabas lang ang rudeness na iyon. Kahit nga ang
mga special tasks na ibinigay nito sa kanya ay hindi din nito ipinilit na gawin
niya. Tama si Leigh. Mukhang tinatakot lang talaga siya nito noon para siya ang sumuko at magresign .
Dan was at the middle of cleaning up her desk when an
unexpected visitor came.
“Excuse me, I’m here to see Hunter.” Isang babae ang nakita
niyang nakatayo sa harap ng kanyang desk. She looked very familiar.
“Do you have an appointment?”
“No, but I’m sure he will see me.”
“Your name please?”
“Pakisabi na lang sa kanya na nandito si Gena.”
“Gena?” Nakakunot ang noong tinitigan niya ito. It was
indeed Gena, Hunter’s ex-girlfriend. “Hi, I’m Danika, remember me? Nagkita na
tayo noon sa isang
restaurant.”
“Oh, right, ikaw ba ‘yung kasama ni Hunter that time?”
“Yes, that was me.”
“So, ikaw pala ang bago niyang assistant?” Gena gave out a
mischievous smile. Sakto namang lumabas si Hunter mula sa opisina nito. Agad na
nilapitan ito ni Gena. “Hunter, I didn’t know na may kapalit na pala ako.”
Nagtama ang mga mata nila ni Hunter. Hindi niya mabasa kung
ano tumatakbo sa isip nito ng mga sandaling iyon. Nakatingin parin ito sa kanya
nang sagutin nito si Gena.
“Ano'ng ginagawa mo dito, Gena.”
“Wala naman, gusto lang kitang bisitahin.”
“As you can
see, we’re busy. Next time ka na lang bumisita.”
“Busy doing what? Nang dumating ako dito ay wala naman siyang ginagawa,” itinuro pa siya ng malditang Gena na ito.
Nagpanting ang tenga ni Dan sa narinig. “Excuse me?” hindi niya napigilang sumingit sa mga ito.
“Gena, stop it.” May himig babalang wika ni Hunter.
“Oh, come on, Hunter. Don't tell me you don't see the signs?”
“Signs?” muling singit ni Dan sa mga ito.
“Oo, signs. Unfortunately, I can see all the signs in you. I know exactly what kind of woman you are. You’re
a classic social climber.”
Dahil doon ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na sagutin si Gena. “Oh really? Ako ba talaga ang dinidescribe mo o ang sarili mo?”
Halatang nagulat ito sa kanyang sinabi. Namumula ang mukhang bumaling ito kay Hunter. “Hunter, are you gonna let her talk to me like that?”
Nagkibit lang ito ng balikat bilang sagot.
Dahil sa nakitang pagkampi ni Hunter sa kanya ay tila lalo lang lumakas ang loob ni Dan na dagdagan pa ang sinabi niya. “Wait, sa tingin mo ba ay may pakialam ako kung
ano man ang opinion mo tungkol sa'kin? Sa pagkakaalam ko, you’re a nobody. Whatever
you say doesn’t matter to me or to Hunter.”
“Hunter?” puna ni Gena sa ginawa niyang pagtawag kay Hunter. “Ganyan lang ang tawag mo sa boss mo?”
“It's none of your business kung anuman ang tawag niya sa akin,” si Hunter ang sumagot para sa kanya.
“But-”
“Ano ba talaga ang ipinunta mo dito, Gena?” may himig ng iritasyong putol ni Hunter sa kung ano pa mang sasabihin nito. “Kung ano man ang gusto mong sabihin ay pwede bang sabihin mo na? We have work to do. Isa itong opisina at hindi pasyalan.”
Bigla namang sumeryoso si Gena sa sinabi ni Hunter. “Alright, why don't we go inside your office?”
Pero sa halip na bumalik si Hunter sa opisina nito ay lalo pa itong lumapit sa desk ni Dan. Pagkatapos ay nakahalukipkip na sumandal ito doon. “Kung anuman ang sasabihin mo, maaari mo ding sabihin sa harap ng assistant ko.”
Nagtatakang bumaling siya kay Hunter ngunit hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.
“No, it's personal.”
“Then I'm sorry I don't have time to talk about personal matters. Tulad ng sabi ko kanina, this is a workplace.”
“Pero-”
“You know your way out, right?” Hindi na nito hinintay na sumagot si Gena bago bumaling sa kanya. “Dan, let’s go to my office.”
“SIR, I'm sorry-” naputol ang mga susunod pang sasabihin ni Dan nang itaas ni Hunter ang kamay upang patigilin siya.
Maya-maya ay lumapit ito sa glass wall na natatakpan
ng window blind. “Halika dito, Dan.” Nang makalapit siya ay bahagyang hinawi nito ang ilang hibla ng window blind. “Tumingin ka sa labas.” Nagtatakang sinunod niya ito. Nakita niya ang mga
empleyadong nagta-trabaho. Wala namang kakaiba doon. “Any moment now each one of them is going to look into the
direction of my office.”
“Sir?” nagtatakang bumaling siya dito ngunit hinawakan lang sya nito sa balikat at muling iginiya na tumingin sa labas.
“Base sa experience ko, ganyan ang nangyayari sa tuwing gumagawa ng eksena si Gena.”
“Ano?”
Tila naaaliw na ngumiti si Hunter bago sumagot. “Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpunta dito si
Gena para gumawa ng eksena. Pakiramdam ko ay naging hobby na niya iyon. And I must say, ngayon lang ako nag-enjoy sa ginawa niyang panggugulo dito.”
Nakakunot ang noong muli niyang binalingan si Hunter. Ano bang kalokohan ang pinagsasabi nito?
“Hayan na,” excited na pahayag nito. “Look,” inginuso nito ang labas ng opisina.
Tulad nga ng sinabi nito, bawat isang empleyado na nasa labas ay pasimpleng lumilingon sa gawi ng opisina ni Hunter. Pagkatapos ay magsesenyasan ang mga ito na parang may pinagpupustahan o kung ano man.
Sa unang pagkakataon ay nakita at narinig ni Dan na humalakhak si
Hunter. “Never fails to amaze me,” naiiling pang wika nito.
Suddenly, she was mesmerized. Hindi niya magawang ilayo ang mga mata sa maaliwalas na mukha nito.
“Oh, may problema ba?” maya-maya ay tanong nito nang mapansing tila natulala na siya sa kinatatayuan.
“You're laughing.”
Hunter chuckled. “Yeah, so?”
“You’re laughing and smiling… at me.”
“May problema ba kung tumawa man ako at ngumiti sa'yo?”
“Ahm, w-wala naman, Sir. Hindi lang ako sanay.”
Dahil sa sinabi niya ay bigla na lang itong tumikhim at bahagyang sumeryoso. “Ah, mas gusto mong sinisimangutan kita?”
“Naku, hindi, Sir. Hindi naman sa ganoon. Nanibago lang ako kaya... ahm, ayun,” tumikhim siya para pagtakpan ang bigla na lang niyang pagka-utal. Tuloy ay parang gusto niyang batukan ang sarili.
Muling sumilay ang malapad na
ngiti sa mga labi nito. He really looked great when he smiles. And once again,
Dan was completely mesmerized. “You know, I never thought I'd say this but I think you're okay. Siguro ay ire-recommend ko na ang regularization mo.”
“Sir? Are you serious?”
“Mukha ba akong nagjo-joke?”
Napangiti ng malapad si Dan. Hindi lang basta tumawa at ngumiti si Hunter sa harap niya ngayon. Nagbibiro pa ito. “Hindi, Sir,” sinabayan pa niya iyon ng pag-iling, “Thank you po, I really appreciate it. Ahm, sige, Sir, babalik na ako sa desk ko.”
“Okay, fun time is over.”
Hindi niya napigilang mapangiti ng matamis bago lumabas ng opisina ni Hunter.
Heto na ang part 8.
Kung hindi niyo pa nababasa ang mga naunang parts, heto sila:
Overhauled Reject Part 3
Overhauled Reject Part 4
Overhauled Reject Part 5
Overhauled Reject Part 6
Comments
Post a Comment