Overhauled Reject Part 2

This is the second part of my first Overhauled Reject post.



IT'S Dan's second day on the job. Hindi niya sukat akalaing mapapasabak agad siya sa laban ng ganito kaaga. Hindi pa man nag-iinit ang kanyang upuan ay umatake na agad ang bagong boss niya.

"In my office, Dan," iyon lang at tumalikod na uli si Hunter pabalik sa opisina. She hated that he was expecting her to just follow him like a puppy.

“I need some clothes,” agad na wika nito nang makasunod siya. Pagkatapos niyon ay may iniabot itong keychain. “The keys are color-coded.”

“Ahm, Sir?” itinaas niya ang isang kamay na para bang kailangan pa niya iyong gawin para lang payagan siya nitong magsalita pero hindi din siya nito pinansin. Hinawakan lang nito ang nakataas niyang kamay at inilagay doon ang mga susi.

“Silver for the elevator key switch, black for the front door, and red for my room. Nakuha mo ba?”

Tango lang ang naisagot ni Dan bago siya nito itinaboy palabas. Nang maisara ang pinto ay saka lang bumalik sa katinuan ang kanyang utak. Hindi niya naintindihan kung ano ba talaga ang gusto nitong ipagawa sa kanya. Dali-daling bumalik siya sa loob.
 

“Ahm, Sir, what exactly do you want me to do with this?” tukoy niya sa hawak na keychain.

“Get me some clothes. May dinner meeting ako mamaya, so I'll need to wear something less casual.”


Dahil sa sinabi ni Hunter ay agad na naglakbay ang paningin niya sa suot nito. Hunter didn't look like a company vice president in those slacks paired with a long-sleeve shirt and a Chuck Taylor sneakers. Para bang lumabas ito mula sa poster ng naturang brand ng sneakers. He had that bad boy vibe all over him.

She was still gaping at him when he suddenly turned. “Nakuha mo ba? O kailangan ko pang ulitin uli?” 

Tumikhim muna siya bago sumagot. Para kasing biglang nanuyo ang lalamunan niya. “I got it.” Muli siyang lumabas saka pinagalitan ang sarili. Hay, bakit ba siya parang nawawala sa sarili?

Get your act together, Dan. You're here to work! 
Tama, nandito lang siya para magtrabaho.

Mabilis na kinuha na niya ang bag saka tinungo ang elevator. She was about to get in when she realized that she didn't know where Hunter lived.

Darn! Kulang na lang ay pukpukin niya ang ulo habang naglalakad pabalik sa opisina upang tanungin ang address nito.


HUNTER’S condominium building was definitely high class. Iba ang elevator para sa mga owners ng regular units at may private elevators para sa penthouse residents. Nalaman niyang isa si Hunter sa mga iyon. Kailangan pa ng susi bago mapindot ang floor button para sa penthouse.
  
Pagpasok ni Dan sa unit ni Hunter ay agad na humanga siya sa interior niyon. It was sophisticated and neat. 
Gusto pa sana niyang i-explore ang buong condo pero pinigilan niya ang sarili. She didn't come here to snoop around. Mabilis na hinanap na niya ang kuwarto nito at tinungo ang closet. 

Mayroon siyang apat na kapatid na lalaki kaya alam na alam niya ang itsura ng closet ng isang lalaki. Puno iyon ng mga T-shirt at jeans. Napakunot ang noo niya. Puro T-shirt at jeans lang din ang laman ng closet ni Hunter. Mabilis na inilabas ni Dan ang kanyang cell phone at tinawagan ang kanyang boss.

“Sir, where do you keep your work clothes? Wala akong nakikitang kahit isang business suit sa closet mo.” Iyon agad ang ibinungad niya dito nang sagutin nito ang telepono.

“I’m not really sure.”

“Ha? Anong you’re not sure?”

“I don’t know, okay? Baka nasa laundry shop pa ang mga iyon.”

Kalma lang, Dan. Inaasar ba siya nito? Kahapon lang ay binigyan siya ng listahan ng kung anu-anong task. Bilib na talaga siya sa boss niyang ito. Hindi talaga ito nagsayang ng oras para ipagawa sa kanya ang isa sa mga nasa listahan nito. 

Humugot siya ng malalim na hininga at saka kinalma ang sarili. “Okay, Sir, pwede bang pakisend sa akin ang contact number ng laundry shop para maipadeliver ko na ang mga iyon?”

“I don’t have it, paki-check na lang sa mga resibo diyan,” distracted na sagot nito.

“Saan?”

“Basta diyan. Hanapin mo na lang.”

“Pero, Sir-”

“Look, I don’t know where they are, okay? I'm busy, just look around. Nandyan lang ang mga yun.” Iyon lang at pinutol na nito ang linya.

Padabog na ibinalik na lang niya ang cell phone sa bag saka nagsimulang hanapin ang mga resibong sinsabi ni Hunter. Nakita niya ang mga iyon na nakadikit sa ref gamit ang mga magnets. Tinawagan agad niya ang contact number na nandoon at ipinadeliver ang mga damit nito.

BAGO bumalik sa opisina dala ang mga damit ni Hunter ay dumaan muna si Dan sa isang restaurant at nagtake-out ng pagkain. Siguradong wala na siyang oras na kumain sa labas dahil natagalan ang pagdeliver ng mga damit ni Hunter kanina. Isa pa ay hindi pa niya alam ang routine ni Hunter kaya hindi niya alam kung anong oras ito nagla-lunch o kung kumakain pa ba ito ng lunch. Minabuti niyang maniguro na lamang kaya nagorder na din siya ng extrang pagkain para dito.

“Need help?” Kalalabas pa lang niya sa elevator nang marinig ang mga salitang iyon. Bago pa siya makasagot ay may humawak na sa dala niyang paperbag na may lamang pagkain. “Ako nga pala si Leigh.” Namukhaan niya ang receptionist.

“I’m Dan.”

“I know.”

Nginitian niya ang babae. “Nice to meet you, Leigh.”

“You too,” nakangiting sagot naman nito. “By the way, kumusta naman ang second day mo sa trabaho?”

“Believe me, you don’t wanna know.”

“Aw, ganon kasama?” interesadong tanong nito habang naglalakad sila patungo sa opisina ni Hunter.

Sa halip na sumagot ay ngumiti na lang si Dan. Naisip kasi niyang parang hindi naman maganda na second day pa lang niya ay nagrereklamo na agad siya.

“Alam mo,” maya-maya ay wika ni Leigh. “Hindi naman talaga ganyan si Sir Hunter dati. He’s a really nice guy.”

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Ano'ng nangyari?”

“Somebody broke his heart.”

“Oh.”

“Can I offer your some advice, Dan?”

Nagkibit siya ng balikat saka ngumit. “Sure, why not?”

“'Wag kang basta-basta magpapabully kay Sir. 'Yang mga ginagawa niyang pagsusungit, pakiramdam namin ay technique lang niya 'yan para ikaw ang kusang magquit. Sa dinami-dami ng assistant na dumaan sa kanya for the past few months, wala ni isa sa mga iyon ang sinesante niya. Lahat sila ay kusang umaayaw dahil nga sa pinaggagawa ni Sir.”

Napataas ang kilay ni Dan sa narinig. “Hmm... interesting.”

“Atin-atin lang 'yun ha? Sige, see you around.”

Heto na ang part 3.

Comments