Overhauled Reject Part 4

Overhauled Reject Part 1
Overhauled Reject Part 2
Overhauled Reject Part 3

Heto na ang part 4.


“BRO, was that your new girlfriend?

“Ano?” matalim ang tinging bumaling si Hunter sa kapatid na si Drew.

“'Yung magandang babaeng nandun sa opisina mo kanina. She looks hot, by the way.

“Ulol, hindi ko girlfriend 'yun. At kung girlfriend ko nga 'yun, you don't have any business calling her hot. You're not even allowed to look at her,” wika niya saka sinuntok ng mahina ang braso nito.

Tumawa ng malakas si Drew sa kanyang sinabi. “Someone's being possessive.

“Who's being possessive?” biglang singit ng kanilang ina.

“Wala, Ma.

“Si Kuya Hunter, Ma.

Sabay na sumagot sina Hunter at Drew pero mukhang mas interesado ang kanilang ina sa tinuran ni Drew.

“Really?

“Ma, don't listen to him,” itinuro niya ang kapatid na tatawa-tawa lang.

“Kita mo, Ma, defensive agad.


Nakangiting bumaling sa kanya ang ina. “Anak, I must say, I really love how you look tonight. Sabi na nga ba bagay sa'yo 'yang vest at scarf eh.

“Thanks, Ma.

“So, who is this girl you two were talking about?

“No one,” mabilis na sagot ni Hunter bago pa siya maunahan nanaman ni Drew.

“Ows? I'm quite sure that this,” itinuro ng kanyang ina ang suot niyang damit. “Is all because of a girl.

“Maybe, but not because of the reasons that you think. Dahil nga ito sa bago kong assistant pero iyon ay dahil siya ang inutusan kong kumuha ng damit kanina, that's all.

“You have a hot assistant and I have an old lady as an assistant?” biglang singit ni Drew sa usapan. “That is just unfair.

Pinaikot niya ang mga mata. “O please, tama lang sa'yo 'yan.

“Hush, children. I want to hear more about this new assistant of yours, Hunter.

“There's nothing else to hear, Ma. Sige na, I gotta go,” mabilis na tumayo na siya pagkasabi niyon at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina. Then he waved a dirty finger toward her brother, which he just answered with a grin.


HINDI maintindihan ni Dan kung bakit ganoon na lang katindi ang naging reaksiyon niya kay Hunter kahapon. Nakakahiya talaga siya. Ganoon ba ang tamang reaksiyon ng isang professional?

“Kanina pa tapos ang office hours, bakit nandito ka pa?”

Halos mapatalon si Dan sa kinauupuan nang marinig niya ang boses ni Hunter. Mabilis na chineck niya ang oras. “It’s only six o’clock.”

“Hmm,” naupo ito sa upuan na nasa harap ng mesa niya. “Hanggang five thirty lang ang office hours dito. Hanggang anong oras ka ba nagta-trabaho sa dati mong work?”

“Hanggang matapos ko ang mga dapat tapusin.”

“Right,” pormal na uli ito nang tumayo. “Go home, Ms. Lagman.”

“Ah, Sir,” pigil niya sa akmang pagpasok ni Hunter sa opisina nito. “Is there anything you want me to do before I go?”

“Wala na, just go home,” iyon lang at iniwan na siya nito.

Nakasimangot na bumalik lang si Dan sa trabaho nang makaalis si Hunter. Wala pa siya sa mood umuwi. Isa pa ay ayaw niyang makisabay sa rush hour. Maiipit lang siya sa traffic kapag nagkataon. 

LAGPAS alas siyete na ng gabi nang matapos niya ang mga dapat niyang tapusin para sa araw na iyon. Madilim na ang kabuuan ng opisina. Mukhang hindi uso doon ang pago-overtime. Naghanda na siya sa pag-uwi pagkatapos ay tinungo niya ang opisina ni Hunter para magpaalam dito.

“Bakit nandito ka pa? Hindi ba’t kanina ko pa sinabing umuwi ka na?” nakakunot ang noong wika ni Hunter pagsungaw pa lang niya sa pinto.

“Hindi ka ba napapagod sa pagsusungit?” hindi na niya nappigilang itanong. “I’m tired and hungry. And I don’t want to argue with you anymore.”

“Is this the proper way to talk to your boss?”

“Ikaw na mismo ang nagsabi na kanina pa tapos ang office hours. So as of this moment, I’m off duty and you’re not my boss.”

“You’re right, I’m sorry,” biglang napatigil si Dan sa akmang paglabas nang marinig ang huling sinabi nito. Somehow, she didn’t know how to respond to his apology.

“Okay, Sir, I’ll go ahead. Bye.”

“Uhm, Dan?”

What happened to Ms. Lagman? “Yes?”

“Can you wait a second? I’ll take you to dinner.”

“Ha?” Tama ba ang narinig niya?

“Hintayin mo lang ako sandali at aayusin ko itong mga reports na binabasa ko. Then we’ll go eat.”

“Bakit?”

“Akala ko ba gutom ka na?” Hindi alam ni Dan kung paano sasagutin iyon kaya pinanood na lang niya ito sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit. Nakatunganga parin siya dito hanggang sa matapos ito at makalapit sa kanya. “Let’s go.”

“O-okay.”

“KAYA kita niyayang kumain sa labas ay para magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kahapon,” napatigil sa pagkain si Dan nang marinig na magsalita si Hunter. So far ay iyon na ang pinakamahabang salitang sinabi nito sa kanya mula pa nang umalis sila sa opisina. Ni hindi nito tinanong kung saan niya gustong kumain o kung ano ang gusto niyang kainin. Basta na lang siya nitong dinala sa restaurant na iyon.

“Anong tulong?”

“You picked up my clothes and you also did a good job with the summary of reports,” parang walang anumang wika nito.

“Hindi mo naman kailangang—”

Pinutol nito ang kanyang sinasabi. “The summary you made was really good. Can I ask you something?”

“Sure, ano iyon?”

“Gaano ka katagal na nagtrabaho sa dati mong work?” seryoso parin ang mukhang tanong nito.

“Six years. It was my first job since I graduated. Bakit mo natanong, Sir?”

“Wala naman, medyo nagtataka lang ako kasi kung ganoon ka na pala katagal doon, bakit ka biglang umalis? You seem competent enough.”

Natahimik si Dan sa tanong nito. She wasn't prepared to talk about the reason why she left. “Do you mind if I don't answer that? It was a personal decision.”

Tumango ito. “I understand. Anyway, consider this dinner as an acknowledgment of your help.”

“Hindi mo naman kailangan gawin ito, Sir. I was just doing my job.”

“I still wanted to thank you. My mother liked the clothes you picked up.

Awtomatikong napangiti siya. “Really?”

“Yeah,” humugot ito ng malalim na hininga saka tila nahihiyang umiwas ng tingin sa kanya.

Lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Don’t mention it, Sir.” 
  

Here's part 5.

Comments