http://www.preciouspagesebookstore.com.ph/index.php |
Malaking bagay ito para sa mga tulad kong hindi madalas makapunta sa PPC store. Pati na rin sa mga tulad kong wala nang mapaglagyan ng libro dahil punong-puno na ang lahat ng bookshelves sa bahay. Isa pa ay napapanahon din ang paglalabas nila ng sariling e-books dahil sa napapansin ko ay ganoon na talaga ang trend ngayon. At syempre, siguradong maraming Pilipino sa iba't ibang panig ng mundo ang matutuwa at makikinabang dito. So yay!
Maaaring mabisita at ma-explore ang PHR e-boos store sa website na ito http://www.preciouspagesebookstore.com.ph/index.php
Isa sa mga ikinakatuwa ko habang ineexplore ko ang site ay may nakita akong mga lumang libro. Sa tingin ko ay maganda ito para sa mga nagnanais na mabasa ang mga lumang gawa ng mga beteranong manunulat ng PHR.
Syempre ang pinaka-nakakatuwa sa lahat ay kasama sa first batch ng mga ibinebentang PHR e-books ang isa sa mga nobela kong My Bright Star. Mabibili ang e-book sa link na ito http://www.preciouspagesebookstore.com.ph/product_info.php?cPath=24_28&products_id=168
http://www.preciouspagesebookstore.com.ph/product_info.php?cPath=24_28&products_id=168 |
Comments
Post a Comment