When they were in college, Yumi considered Pete as a pain in the neck that never went away. Makulit at may-kayabangan ito. Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. Nakakainis ito dahil siya ang paborito nitong asarin. And he knew quite well how to use those charms to his advantage.
Then one day, bigla na lang siya nitong binigyan ng regalo. He even called her his bright star. Parang biglang nag-iba ang tingin dito ni Yumi. Suddenly, he was Prince Charming material. Then she noticed she was starting to feel all warm and mushy whenever Pete was around.
Handa na sana siyang aminin na may pagtingin na siya rito, pero bigla naman itong nagpaalam. Binanatan pa siya ng, “I’m sorry, I can’t love you.”
Hindi ba nito napapansin na may nararamdaman na rin siya para dito? Men, they can be really stupid sometimes.
Here are a few excerpts. Enjoy! And thanks for reading.
♥♥♥
“ANO ‘yan?” tukoy ni Yumi sa maliit na box na iniaabot sa kanya ni Pete.
“Regalo ko sa’yo.”
Bantulot na tinanggap niya iyon saka binuksan. Tumambad sa kanyang harapan ang isang silver necklace na may diamond-studded pendant na hugis bituin.
“It looks expensive. Parang hindi ko yata matatanggap ito. Saka hindi ko yata kayang magsuot ng ganito kamahal na alahas.” Sinubukan niyang ibalik kay Pete ang box pero iniiwas lang nito ang kamay sa kanya.
“Tanggapin mo na ‘yan. Kung hindi mo kayang isuot, okay lang. Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin diyan. You can sell it, donate it, or whatever. Basta tanggapin mo lang. Sige na, please?” He looked so serious. "I really want you to have that."
“Pete, naman eh!” napu-frustrate na wika ni Yumi. “Seryoso ako, hindi ko matatanggap ‘to. Saka bakit ka ba ganyan magsalita?"
Nagkibit ito ng mga balikat. “Wala naman, for dramatic effect lang,” pagkatapos ay ngumisi ito.
Now that’s the Pete that she knew. Nahampas tuloy niya ito sa braso.
"So, ano na? Tatanggapin mo ba ‘yan o hindi?” tila naiinip na tanong nito. “Bilisan mong magdecide baka abutan na ako ng cutoff. May 24-hour window pa ‘yan mula nang bilhin ko kahapon. Pwede ko pang isoli kung ayaw mo niyan.”
Bigla siyang napasimangot sa narinig. Akala pa naman niya ay seryoso ito sa mga sinabi nito kanina.
♥♥♥
“Puwedeng payakap?” tanong ni Pete kay Yumi.
Bago pa man makasagot si Yumi ay nakapalibot na sa katawan niya ang mga braso ni Pete. Gusto niya itong sawayin pero hindi naman niya magawa. She found that she liked the feel of his strong arms around her. Isa pa ay masarap sa pakiramdam ang ginagawa nitong paghagod sa kanyang likod. Then she felt him bury his face against her neck.
“P-Pete?”
“Sshh, let’s just stay this way for a while.” Then she felt him squeeze her tighter. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa leeg! Bigla tuloy niya itong naitulak.
“Ahm, Pete…” Boses ba niya iyon? Why did it sound so husky? Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Saan ka pupunta?”
“I’m headed to our province in Aurora tonight. Sumaglit lang ako dito para magpaalam sa `yo.” Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang paglungkot ng boses nito. “Mami-miss kita. Mag-iingat ka habang wala ako, ha? Kapag na-bore ka, tawagan mo lang si Dessa at Ricky para lumabas. Puwede na rin si Candy. Pero `wag kang lalabas kasama ang kung sino-sino, okay? I’ll check on you everyday. Just take care of yourself. Ngayon pa lang nami-miss na kita.”
♥♥♥
Hi! I just want to say that I really love this book! This is my fave among your works (tied w/ Escape with me which my sister's fave btw) It is so light, fluffy, and cute. I always reread this when I want to feel something. I hope to read more from you. Thanks!
ReplyDelete