Corny Pick-up Lines Reloaded

Katulad ng mga pelikula at palabas sa TV, sa halip na gamitin ang terms na "Part 2" o "Part 3" ay gumagamit sila ng mas sosyal na terms. Tulad ng reloaded. Wala lang, feel ko lang gayahin. LOL!

Ang part 1 ng mga corny pick-up lines ko ay matatagpuan dito at ang part 2 naman ay dito. Moving on, let the corny pick-up lines reloaded begin.


Boy: 'Pag nakikita ko ang kagandahan mo, pakiramdam ko ay na-stuck ako sa traffic sa EDSA.
Girl: Bakit?
Boy: Kasi hindi ako maka-move on.


Habang nasa isang restaurant.
B: CR lang ako (sabay hila kay girl).
G: Bakit mo ako hinihila?
B: (Ituturo ang sign) Don't leave your valuables unattended daw.


Boy: Alarm clock ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi ginising mo ang natutulog kong puso.


B: Ayoko nang gumamit ng Google.
G: Bakit?
B: Kasi nang makilala kita, the search is over.


B: Light switch ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi you turn me on.


B: Magkano ba ang tuition mo?
G: Bakit mo tinatanong?
B: Ako na lang ang magbabayad basta ba pag-aaralan mo akong mahalin.


B: Table of contents ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi ikaw lang ang laman ng bawat pahina ng buhay ko.


B: Lupang Hinirang ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi kapag naririnig kita napapatigil ako sabay hawak sa puso.


Comments

  1. Ahaahahahaha adik!!! ang cute ng mga pick up lines dito ayoss!!!! ngayon pa lang pwede band makigamit ng isa hahahaha kapag na-approve (sana matapos) yung first novel ko I'll give you the credits hahaha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi again! Thanks! hehe! Sure you're free to use them. They're not my original naman. Mga nakuha ko lang din yan kung saan-saan, hindi ko na matandaan =)

      Delete
  2. hala! ngaun lang ako naka visit dito Miss. ayan, walang palya ang mga pick-up lins sa mga gaya kong madaling mapatawa gano man ka corny :D more more.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! thanks Aleah :) hehe pareho pala tayo, madali lang din akong mapatawa ng mga kakornihang ganyan kaya aliw na aliw ako hehe

      Delete

Post a Comment