Mirror and tweezer from the Beauty Bar |
Yes, you read it right. I like brainstorming with my eyebrows. Now I'm pretty sure you're wondering how that happens. Well, it's relatively simple if you ask me. And very cheap to do, too. All I need is my handy compact mirror and a pair of tweezers and voila! Brainstorming session begins.
History and Background
Naks! At talaga namang may history and background pa. Sa susunod magdadagdag na din ako ng etymology. LOL! Anyway, going back to what I was saying, tulad ng karamihan ng mga writers ay madami akong ka-weirdo-han sa pagsusulat. Una ko nang naikwento ang tungkol sa isa ko pang weird na habit dito. Pero magfofocus lang tayo ngayon sa pakikipagsession ko sa aking mga kilay.
Tulad ng karamihan ng mga babae ay hobby ko na ang pagpapaganda. Siyempre karapatan ko iyon bilang babae. Alam kong ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban at hindi sa pisikal, but I'm pretty sure it wouldn't hurt one bit if I become beautiful both on the inside and on the outside, hindi ba? So ayun nga, minsan, isang araw ay nakahiligan kong i-pluck ang aking eyebrows. I think it was two or three years ago. Naaalala ko sunday iyon at wala akong ginagawa. Umuwi sa Batangas ang room mate ko kaya wala akong ibang kasama. Tinatamad din akong lumabas dahil mataas pa ang araw. So habang ako ay nakatingin sa vanity mirror ng kuwarto ay bigla ko na lang napansin ang aking kilay.
Bago ang araw na iyon ay wala naman talaga akong pakialam sa kilay ko. Hindi pa masyadong uso noon ang threading at kung anu-ano pang paraan ng pagshe-shape ng kilay. So wala lang. I don't even give my eyebrows a second glance even when I apply make-up. Pero nang partikular na oras na iyon ay parang nangati akong usisahin ang mga kilay ko. Isa ako sa mga nabiyayaan ng manipis na kilay kaya hindi masyadong halata na sabog-sabog iyon. Pero dahil wala akong magawa ay bigla ko na lang naisipang kumuha ng tweezers at isa-isang binunot ang mga naliligaw ng landas na kilay.
Masakit! Ang sakit-sakit! Halos mapaiyak ako sa sakit dahil sa ginawa ko. Chos! Drama lang. Pero totoo ngang masakit. Nakakaiyak talaga. Nakaka-isang bunot pa lang ako ay sumuko na ako agad. Pero after a few minutes hindi parin talaga ako mapakali. Feeling ko kasi sa tuwing titingin ako sa salamin ay ang kilay ko lang ang nakikita ko. Kaya naman pinilit kong 'wag pansinin ang sakit. At iyon na nga ang simula.
Ever since that day, I always have a handy mirror and a pair of tweezers nearby. Sa aking study table sa kuwarto ay kasama sa pen holder ko ang isang pares ng tweezers. Mayroon din akong desk mirror na palaging nasa tabi lang ng aking laptop. For some unknown reason, and without actually knowing that I do it, every time I have a hard time thinking of what to write next, one of my hands always grabs the mirror while the other grabs the tweezers. It's like second nature to me. I didn't even know that I do it until my cousin pointed it out a few weeks ago.
The Brainstorming Proper
Isa ako doon sa mga taong mas nakakapag-isip ng mabuti kapag may ginagawa. Kapag nag-aaral ako ay mas mabilis kong naiintindihan ang mga pinag-aaralan ko kapag ginagalaw-galaw ko ang aking paa o kaya naman ay tinatatap ko ang aking ball pen. Ganoon din ako kapag nag-iisip ng plot o kaya ng scene. This is where plucking my eyebrows comes into picture.
Sa halip na gumawa ng iba pa ay magpa-pluck na lang ako ng kilay habang nag-iisip. Effective naman siya para sa akin. I feel that I am being proactive. Nakakapag-isip ako and at the same time, I'm grooming myself. LOL! But seriously, it's really a nice way to keep my mind working. Sa halip na nakatunganga lang ako in empty space, at least napapaganda ko pa ang kilay ko. It's a win-win for me!
A Few More Words
I'm not really advising this to everyone, but you're free to try. Pero bago mo simulan ang pagpaparusa sa mga kilay mo, I advise that you do the things I'm about to say first.
Una, bumisita ka sa kahit saang brow salon o kahit sa hair salon at magpatulong sa pagshe-shape ng iyong kilay. Believe me, ilang trial and error din ang pinagdaanan ko bago ko nakuha ang tamang shape ng kilay na babagay sa akin. It's best that you save up the time and let a professional do it for you first. Pagkatapos niyon ay saka mo na ituloy ang pagpluck habang sinusundan ang shape na ginawa niya. Mura lang naman ito. I think mayroong mga threading salon na nag-o-offer ng 100 pesos na service para sa pagshape ng eyebrows.
Pangalawa, bago magpunta sa salon ay magresearch ka muna kung ano ang babagay na shape ng kilay sa iyo. Hindi dahil isang propesyonal ang gagawa ng kilay mo ay ipapaubaya mo na ang lahat sa kanya. Mabuti din na may ideya ka kung ano ang bagay talaga sa iyo para mai-relay mo ng malinaw kung ano ang gusto mong mangyari. Base sa experience ko, mas maganda ang kalalabasan ng iyong kilay kung nagkakaintindihan kayo ng husto sa kung ano ang gusto mong resulta. Isa pa, importante na bagay talaga sa shape ng mukha mo ang shape ng kilay mo. Halimbawa, kung bilugan ang iyong mukha, mas bagay sa'yo ang kilay na medyo may arch o kurba. Kapag pahaba naman ang shape ng mukha mo ay mas babagay sa iyo ang medyo flat na shape ng kilay. Para sa mas kumpletong eksplanasyon, bumisita sa site na ito (http://makeupandbeauty.com/select-eyebrow-shape-face-shape/).
Pangatlo, mag-invest sa isang magandang tweezers. 'Wag kang bumili nung masyadong manipis ang tips dahil nakakaputol iyon ng buhok sa kilay. Nakakasugat din iyon sa balat kapag ang binubunot mong buhok ay maliit pa. Delicate at manipis pa naman ang skin sa ating mukha.
Pang-apat, matuto kang gumamit ng eyebrow pencil at brush. Ang isa sa mga drawbacks ng habit na ito ay minsan hindi mo na napapansin na masyado ng nagiging manipis ang kilay mo. As for me, dati ng manipis ang kilay ko at lalo pang naging manipis dahil sa hobby kong ito. So minsan kakailanganin mong gumamit ng eyebrow pencil para i-enhance ang shape at kapal ng kilay kung kinakailangan. I've been doing this for a long time already so I never had a problem using it. Pero kung hindi ka sanay na gumamit ng eyebrow pencil at brush, I suggest na manood ka ng mga tutorial sa YouTube. Isa pang importanteng bagay na dapat mong gawin ay bumili ng eyebrow pencil na maganda ang quality.
More Eyebrow Advise
Photo from Citrine's Blog |
Now, here's the tricky part. For us Pinays, generally ay mas bagay sa atin ang dark brown na shade ng eyebrow pencil. Pero depende parin iyon sa kulay ng balat mo. The important thing is that you choose something which is not too dark. Black eyebrow pencil shade is a big no-no for me. Unless it's soft black. Nagmumukhang fake kasi ang kilay kapag black ang gamit na eyebrow pencil. For me, dark brown is the best way to go. It suits almost all skin colors. Now, if you had your hair colored, that's a different matter altogether. You now have to choose a color that fits both your skin color and hair color. The basics on this matter is that if the color of your hair is very dark, your eyebrow color should be a few shades lighter than your hair. If the color of your hair is very light, your eyebrow color should be a little darker than your hair. Magpatulong ka sa sales lady kung wala kang ideya tungkol sa bagay na ito. O kaya naman ay bumisita ka sa site na ito (http://www.eyebrowz.com/tipscolor.htm).
Another important matter is the brow brush. Not everyone is keen on this but it is really important. The thing is, the pencil alone will not be able to give your eyebrows the perfect shape. Kailangan mo ng brush una ay para madistribute ng pantay-pantay ang kulay at pangalawa ay para ma-shape ng mas mabuti ang iyong kilay.
And there you have it. Bilang writer, kahit pa maghapon at magdamag tayong nakaharap sa computer upang magsulat ay hindi iyon dahilan upang pabayaan natin ang ating mga sarili. Hindi okay sa akin na kapag may tinatapos akong nobela ay nagmumukha na akong walking zombie dahil sa puyat at stress. So para sa ikagaganda ng ating nobela at syempre para sa ikagaganda natin, ugaliing magkaroon ng handy mirror at tweezers sa tabi ng computer.
And in case you're wondering, here is how my eyebrow looks like at the moment.
I know hindi sila pantay. I'm constantly bothered by it. LOL!
Anyway, I hope this habit helps you as much as it helps me. :))
Comments
Post a Comment