Brainstorming Kasama ang mga Labada

Bawat writer ay may kanya-kanyang trip at mood sa pagsusulat. Isang perfect na halimbawa ay si Edgar Allan Poe na mas ginaganahang magsulat kapag lasing. Ako naman ay hindi ganoon katindi ang requirement ko para makapag-isip ng mabuti at makapagsulat. Isa lang ang kailangan kong gawin, ang maglaba.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nadiskubre kong mas madami akong ideyang naiisip kapag ako ay naglalaba. Habang ako ay nakikipagbuno sa mga maruruning damit ay tila ba mas nagiging creative ang takbo ng aking utak. Weird na kung weird pero ito talaga ang isa sa mga pinakaepektibong paraan para sa akin.

Nung nagsisimula pa ako sa pagsusulat ay talagang nagresearch pa ako ng mga tips para sa mas epektibong brainstorming session. Although nakatulong naman ang mga iyon sa akin ay hindi ko parin masasabing 100 percent na effective ang mga ito. Minsan kasi ay depende parin talaga sa madaming bagay. Anyway, gusto kong i-share ang top 3 tips na effective din sa akin maliban sa paglalaba.

1. Music Galore - magsound trip depende sa mood na gusto mong i-project. Kapag kilig scenes ang iniisip mo dapat yun mga sweet love songs ang pakinggan mo. Kapag naman malulungkot na scenes, dapat yun ding malulungkot na kanta. Effective ito sa akin most of the time.

2. Jogging - isa pang effective na paraan para sa akin ay ang pagjogging o pagtakbo. Pero dapat sa isang park o kahit saan na may scenery. Ayokong tumakbo kung sa treadmill lang sa gym. Mas madami akong naiisip na ideas kapag madami akong napapanood sa paligid ko.

3. Quotable Quotes - isa sa mga hilig kong gawin ay ang maghalungkat ng mga quotes sa kung saan-saan. Kapag may nababasa akong magagandang quote ay para bang nai-inspire ako na mag-isip at irelate ang mga quotes na iyon sa aking sinusulat. Kadalasan ay nagse-search lang ako sa Internet ng quotes tungkol sa mga temang gusto ko. Then from there, kung anu-anong klaseng quotes na ang nababasa ko. Effective talaga ito para sa akin.

Ang ibang writers ay sina-suggest na magbasa muna ng ibang nobela ng ibang tao para ma-inspire. Pero para sa akin ay isang big no-no ito. Maari kasing magaya mo ang tono ng pagsusulat ng writer na binabasa mo. Kaya ako, hangga't maaari ay iniiwasan kong magbasa ng mga nobela ng ibang writer para mailabas ko ang tunay kong tono sa pagsusulat.

'Till next time!

Comments