This
must be a nightmare.
Pinilit
kong idilat ang isang mata ko. Madilim ang paligid. Pero hindi naman bago ‘yon.
Palaging madilim ang kuwarto ko dahil sa makakapal na kurtina.
Ayoko
pang gumalaw. Ipinikit kong muli ang mata ko at in-imagine ang huling bagay na
naaalala ko sa panaginip ko kanina. Malapit ko nang marating ‘yon. I could
almost taste it—the feeling of pure, mindless bliss as I drift away in—
Halos
lumundag palabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sunod-sunod na tunog ng
doorbell.
“Noooo!” Damn!
I sound like a pathetic victim in a horror movie.
Gusto ko
pang matulog. Pakiramdam ko ay wala pang isang oras mula nang humiga ako at
matulog. Speaking of oras, idinilat ko uli ang isang mata para tignan ang alarm
clock ko. Glow in the dark ‘yun kaya kitang-kita ko gamit ang semi-open kong
mata na alas nuwebe pa lang ng umaga.
“Sleep… I
need sleep,” kasasabi ko pa lang ‘yon nang tumunog naman ang cell phone ko.
Damn it! I hate Kelly Clarkson right now. Don’t get me wrong.
Gustong-gusto ko si Kelly Clarkson. Naging fan niya ako simula pa lang noong
unang season ng American Idol.
Actually, idol ko siya. Pero sa oras na ‘to ay gusto ko siyang isumpa. Lalo na
nang bumirit siya ng ganitong lyrics.
You can’t make it feel right
When you know that it’s wrong
I’m already gone, already gone
There’s no moving on
So I’m already gone
Oo, ‘yan
ang ringtone ng cell phone ko. Speaking of cell phone, I blindly searched for
it and answered. “What’s the emergency?”
“Emergency?”
Boses lalaki ‘yon. Hindi ko kilala.
Labag man
sa loob ko ay sinilip ko ang screen ng cell phone. Numero lang ang nakalagay.
“Sino ‘to?”
“Harper,
it’s me.” Confident ang pagsasalita ng lalaki na para bang inaasahan niyang
makikilala ko agad siya.
“Sinong
it’s me?” Tumataas na ang irritation level ko dahil unti-unti nang nawawala ang
antok ko. Gusto kong murahin ang taong nasa kabilang linya. Umaasa pa kasi
akong makakabalik ako sa pagtulog. Kaya nga todo effort ako kanina para balikan
ang panaginip ko. Isa ‘yon sa mga technique na na-perfect ko na. Well, perfect
na nga ‘yon at gumagana na, pero naputol ang lahat dahil sa pagtunog ng
doorbell at cell phone ko.
Alam kong
alas nuebe na. Pero maaga pa ‘yan para sa akin. My morning routine usually
consisted of nothing. In short, wala akong morning routine. Hindi pa kasi ako
gising ng ganito kaaga. Normally ay nagsisimula ang araw ko sa pagkain ng
tanghalian. At wala akong balak na palitan ang routine kong ‘yan. Kung hindi
lang dahil sa walang-hiyang—teka, parang kilala ko ang tawang ‘yan. The man on
the phone was laughing and my sleep-addled brain actually recognized it. Ah,
hindi, mali yata ‘yon. Hindi ko nakilala ang tawa niya pero nahulaan ko na kung
sino siya.
“Sef?”
Hindi
siya sumagot. But I was sure that I heard his pleased smile.
Alam kong
hindi naman naririnig ang ngiti. Pero narinig ko parin. Don’t ask me how. Basta
narinig ko. At ngayong oras na ito mismo ay nasiguro kong sira na agad ang araw
ko kahit na hindi pa naman ‘yon officially nagsisimula.
“Ano’ng
kailangan mo?”
“Nasa
labas ako ng condo mo.”
“Ano?”
Napaupo ako sa kama. ‘Yung 0.1% na chance na makakatulog pa ako ay tuluyan nang
nawala.
“Come on,
Harper, open the door for me. May gusto akong i-discuss—”
“Go
away.”
“I’m
already here. You might as well open the door so we can talk.”
“Seryoso
ka talaga?”
“Buksan
mo ang pinto para malaman mo kung seryoso nga ako.”
Nakagat
ko ang labi ko. I heard the dare in Sef’s voice. Weakness ko ‘yan kahit noon
pa. Madali akong madala sa mga dare.
Nagpakawala
ako ng malalim na hininga. Ilang sandali pa ay naglalakad na ako papunta sa
main door. Ni hindi ko natatandaang lumabas ako ng kuwarto. Pero huli na ang
lahat para mag-backout. Nakalas ko na kasi ang deadbolt ng main door.
“Good
mor—wow!”
Kumurap-kurap
ako sa pag-asang panaginip lang ito. But it’s not. Nasa harap ko nga ang isang
guwapong—ipinilig ko ang ulo ko hanggang sa mahilo ako.
Ito ang
Sef na perwisyo ng buhay ko?
Nakita ko na ang picture niya at ilang beses ko na din siyang nadaanan at
nakasalubong kapag pumupunta ako sa building ng Treble Music Group o TMG. Pero
hindi ko natatandaang ganito kagwapo ang itsura niya. Sumimangot ako.
“Ano’ng
kailangan mo?”
“Pwede
bang papasukin mo muna ako bago tayo magsimula?”
“Hindi
pwede.” Iniharang ko ang katawan ko sa maliit na siwang ng pinto. As if naman
kaya ko siyang pigilan kung magpupumilit siyang pumasok.
Nakapaa
lang ako kaya umabot lang hanggang sa ilong niya ang bumbunan ko. Normally ay
hindi naman ako ganito kaliit tingnan. Five two ang height ko. Pero pakiramdam
ko ay isa akong midget sa harap ng Sef na ‘to. Baka isang tulak lang ay
magagawa niya akong paalisin sa kinatatayuan ko. But I held my ground.
“Bakit ka
nandito?”
“Hindi mo
talaga ako papapasukin?”
Tinignan
ko siya ng masama. Ginaya ko ‘yung nakakatakot na tingin ng principal namin
noong grade school. She had the nastiest look I know.
Mukhang
nakuha naman ni Sef na hindi ako bibigay. Nagkibit siya ng balikat saka iniabot
sa akin ang ilang piraso ng mga papel. “Basahin mo.”
Nagdududang
tinignan ko muna siya bago ko tinanggap ang mga papel. Tinapunan ko lang ng
tingin ang nasa ibabaw. Mukha iyong legal document. At mukha ding pamilyar.
“’Yan
‘yung pinirmahan mong MOA para sa pagsusulat mo ng kanta sa TMG.”
“MOA? Are
we talking about the mall?”
Tumawa si
Sef saka confident na sumandal sa frame ng pinto. Pinanood ko ang paggalaw
niya. It’s as if I could not tear my eyes away. Wala pa yatang dugong dumadaloy
sa utak ko dahil sandaling nawala ang inis ko sa kanya nang ngitian niya ako ng
matamis.
Shit!
“Bakit ka
tumatawa?”
His dark,
piercing eyes focused on my face. Bigla kong naalala na kababangon ko lang mula
sa kama.
“Basahin
mo.”
Napipilitang
yumuko ako para basahin ang nakasulat sa itaas ng papel. Memorandum of Agreement.
Ah, ‘yun
pala ang tinutukoy niyang MOA. “O, tapos?”
Umalis
siya sa pagkakasandal sa door frame at humakbang palapit sa akin. Awtomatikong
napaatras ako.
“We
really should be talking about this inside.”
“Pero—”
Hinarangan
ko siya. Pero madali lang niya ako nalagpasan. Hindi talaga ako magaling sa
larong patintero. Ako ang laging dahilan kaya natatalo ang team ko noong bata.
“I’ll
just make myself at home while you make yourself more—“
“More
what?” Kahit sa sarili kong pandinig ay parang kaboses ko ang isang evil witch.
Pati ang tingin na ibinigay ko kay Sef ay siguradong kamukha din ng isang evil
witch. ‘Wag na ‘wag siyang magkakamali ng sasabihin dahil mag-a-ala evil witch
talaga ako.
“Okay,”
itinaas ni Sef ang dalawang kamay saka inilibot ang tingin sa paligid. “Kung
okay ka na diyan, eh ‘di okay na din ako. Ang importante lang sa akin ay
makapag-usap tayo. I don’t really mind the,” tumikhim siya. “Unique sleeping
garments.”
Napatingin
ako sa suot ko.
Shit!
Pwede kayang magkunwari na lang ako na parang normal lang ang suot ko at umasa
na makakalimutan din ni Sef ang tungkol dito sa paglipas ng panahon?
Dahan-dahan
kong sinilip si Sef sa sofa. Nakatingin pala siya sa akin. Hindi ko pa siya
nakikilala ng matagal para masabing alam ko kung ano ang ibig sabihin ng
kakaibang ngiti niya. But there was a devilish glint in his eyes that told me
my hopeful wish would never happen. Kahit na ano ang mangyari ay hindi niya
malilimutan na minsan isang umaga ay nagpunta siya sa condo ko nang walang
pasabi at pinagbuksan ko siya ng pinto suot ang isang wedding gown.
“Nakatulugan
ko na kasi ang pagsusulat kagabi.” Kumunot ang noo ko. Bakit ba ako nagpapaliwanag?
Ngumiti
ng matamis si Sef. Naningkit naman ang mga mata ko. “Kung ija-judge mo lang
pala ang suot ko, umalis ka na lang.”
Itinuro
ni Sef ang sariling mukha. “Hindi judgment ito. Just plain curiosity. Pero kung
effective naman ang method mo, okay na ako diyan. Basta ba isang hit song
nanaman ang katumbas niyan.”
Nag-iwas
ako ng tingin. Ayoko na kasing makita ang ngiti sa mga mata ni Sef. Pakiramdam
ko ay tinatawanan niya ako. Gusto ko siyang bugawin palabas ng condo na parang
isang langaw. Gusto kong magtantrums at magdabog. Gusto ko siyang batuhin ng
vase. Pero mas lalo lang akong magmumukhang katawa-tawa kapag ginawa ko ang mga
‘yon. So I did the next best thing. Nagkunwari na lang ako na hindi ako
apektado.
“I was
writing about a girl who was left at the altar.”
“Uh-huh,”
tumango-tango si Sef.
“Kailangan
ko kasing ilagay ang sarili ko sa sitwasyon para mas… Teka, bakit ba ako
nagpapaliwanag sa’yo?”
A set of
pearly white teeth greeted me. Lalo pa akong nainis. “Bakit ka ba talaga
nandito?”
“Para
ipakita sa’yo ‘yan,” itinuro niya ang mga papel na hawak ko.
Tinapunan
ko iyon ng tingin. “Nakita ko na. And?”
“Hindi mo
na ba naaalala ‘yung mga highlighted clause?”
Pasalampak
na naupo ako sa sofang kaharap ni Sef. “Kailan pa ba ‘to?” Hinanap ko ang date
kung kailan ako pumirma. “Last year pa ‘to, Sef. Ine-expect mo ba talagang may
maaalala ako kahit isang salita mula sa isang kontratang pinirmahan ko last
year?”
“I
thought so. Kaya nga dinala ko ‘yan ngayon para maalala mo.”
“At
inaasahan mong magbabasa ako ng ganito kakapal sa ganitong oras ng umaga?”
“Hindi
naman ‘yan makapal. Ilang piraso lang ‘yan. Saka hindi mo naman kailangang
basahin lahat. ‘Yung highlited parts lang.”
Napapikit
ako ng mariin. Bakit ba nangyayari ang ganito sa akin?
“Harper?
Okay ka lang ba?”
Umiling
ako saka basta ko na lang ibinaba ang mga papel sa mesita. “Bakit kailangan ko
pang magbasa? Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong malaman
ko? It’s too early in the morning. Wala pang kakayahang magproseso ang utak ko
ng mga sentences na may kasamang hereby, whereas, at whereof kapag ganitong
oras.”
Narinig
ko nanaman ang pagtawa ni Sef. Pero hindi tulad kanina, wala na akong pakialam
kung ano ang gusto niyang isipin tungkol sa akin. Hell, he already saw me
wearing a wedding gown. At obvious naman sa itsura ko na ‘yon ang ginamit kong
pantulog.
Damn!
Hindi talaga ako morning person. May theory ako na hindi kaya ng puso kong
magpump ng dugo paakyat sa utak ko kapag umaga. Kaya nga palagi akong tanghali
kung gumising.
“Napansin
ko lang na hindi mo pa ako tinatawag na Mr. Macaranding simula nang dumating
ako.”
Parang
ang lapit na ng pinanggagalingan ng boses ni Sef. Siguro ay lumapit siya para
kunin ang mga papel na ibinaba ko. I can’t be sure. Ayoko pa ring idilat ang
mga mata ko.
“Saka
hindi mo pa ako pinipigilang tawagin kang Harper.”
Hindi ako
sumagot. Baka maubos na ang kakaunting dugo na nasa utak ko.
“Hmm, I
think I like you this way.”
Hindi ko
nagustuhan ang tono ng pagsasalita niya. “What way?”
“Agreeable.”
Napadilat
ako. “Agreeable?” Sarkastikong ngumiti ako. “Kung sa tingin mo ay agreeable na
ito, you should see me when I’m being obedient. You will probably love me
then.”
“No, I
will probably marry you then.”
Pinanlakihan
ko siya ng mga mata. Alam kong nagpapasaring lang siya dahil sa suot ko. Pero
hindi niya ginantihan ang masama kong tingin. Actually, nawala na ang kahit na
anong traces ng kapilyuhan sa mukha niya. Bigla na lang siyang sumeryoso.
“I think
it’s time we get down to business. Masyado nang nasasayang ang oras nating
dalawa.”
I waved
my hand. “All right, go ahead. Simulan mo na ang panibago mong pitch.”
Tumigil
siya sa pagbubuklat sa mga hawak na papel. “Pitch?”
“Hindi ba
‘yon naman ang ipinunta mo dito? Bibigyan mo nanaman ako ng panibagong speech
tungkol sa kung ano ang mga makukuha kong benefits kapag pumayag akong
magparticipate sa tribute concert?”
Umiling
si Sef pagkatapos ay binigyan ako ng makahulugang ngiti. Hindi ko ‘yon
nagustuhan. Sa katunayan ay kinabahan ako sa tingin na ‘yon. “Nah,” pinaikot
niya ang hawak na papel at iniharap sa akin. “Nag-iba na ako ng tactics
ngayon.”
Nagsukatan
kami ng tingin. Kahit pa ayaw kong bumigay agad ay ako ang naunang umiwas.
“Bottom
part, third clause.”
Parang
gusto kong kilabutan dahil sa seryoso at mababang boses niya. Nablangko yata
ang utak ko. Kaya binigyan ko lang siya ng blangkong tingin.
Itinuro
ni Sef ang papel. “Basahin mo yung third clause. Nasa pinakababa.”
Nag-alangan
akong gawin ang sinasabi niya. Deep inside, alam kong hindi ko magugustuhan ang
nakasulat doon.
“Go on,
Harper.”
Napipilitang
sinunod ko siya. “TMG shall retain copyright ownership—”
Teka,
parang mali ang clause na binabasa ko. Binalikan ko ang naunang dalawang
paragraph.
“For and
in consideration of the above premises and mutual covenants hereinafter set
forth, the parties hereto have agreed—”
Shit!
Sinabi ko na ngang hindi kayang iproseso ng utak ko ang mga sentences na may
ganitong mga salita eh.
Tinapik
ko ang papel na hawak ni Sef. “Tigilan mo na ang pagpapahirap sa akin at
sabihin mo na lang kung ano ang punto ng ginagawa mong ito.”
Ngumiti
nanaman si Sef. Hindi ko nga siya ganoon kakilala, but I know a predatory smile
when I see one. Parang gusto ko tuloy kilabutan.
“Harper,
ganito lang naman ang sinasabi ng clause. You are obligated by this agreement
to do all necessary actions to promote the works you submitted to us. The
tribute concert is a form of promotion. Pwede kong ipareview ito sa mga abogado
ng TMG. But I’m sure they will all end up with the same conclusion.”
Napadiretso
ako ng upo. “Mr. Macaranding—”
“We’re
back to Mr. Macaranding already?”
“Are you
threatening to sue me?”
“Breach
of contract is a—”
“Hindi mo
ito pwedeng gawin,”
“Belive
me, Harper. Kaya ko at gagawin ko.”
“No,”
umiling-iling ako. Gusto kong agawin mula sa kanya ang mga papel pero
nanginginig na ang mga kamay ko. Kaya itinago ko na lang ang mga ‘yon sa ilalim
ng binti ko. “Hindi mo naiintindihan, Sef. I can’t perform.”
“Of
course, you can.”
Nagpatuloy
ako sa pag-iling. “Mr. Macaranding—I mean Sef, hindi talaga pwede. I’ll do
anything else except perform.”
“Bakit?”
Hindi ako
makasagot. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na nagfri-freeze ako sa
tuwing umaakyat ako sa stage.
“I see.”
“Anong
you see?” Napatayo na din ako nang tumayo si Sef.
Agad na
sumabay ako sa kanya nang magsimula siyang lumakad papunta sa pinto.
“Gusto mo
lang akong pahirapan kaya ka tumatanggi.”
“Hindi
‘yan totoo, Sef.”
“Wala na
akong ibang maisip na dahilan kung bakit napaka-passionate mo sa pagtanggi. I
have been spending all my free time trying to persuade you. Pero lahat ng
efforts ko ay napupunta sa wala. Tapos wala ka namang maibigay na magandang
dahilan kung bakit ayaw mong magparticipate sa tribute concert.”
“Hindi ko
kailangang magpaliwanag sa’yo.”
“Well,
then, expect a call from our lawyers soon.”
“Teka.”
Humawak ako sa suot niyang coat. “You can’t do this, Sef.” Pero kahit pa
sinasabi ko ‘yon ay alam ko nang mali ako.
Dahan-dahan
siyang tumingin sa akin. Kinilabutan pa ako sa nakikita kong kaseryosohan sa
mukha niya. “Watch me.”
Then I
almost stumbled back when Sef turned away and went straight to the door.
♥♥♥
This story will be published soon. ☺
Comments
Post a Comment