Rodge, The Bad Boy Syndrome

Full Name: Rodrigo Velandres IV
Nickname: Rodge
Location: Wherever Hershey is
Occupation: Part time civil engineer, full time alalay ni Hershey (sabay kindat kay Hershey na nag-thumbs up pa)
Book: The Bad Boy Syndrome 

Name one thing you would never or rarely get bored of doing. 
Rodge: Panooring matulog si Hershey. Kahit na humihilik pa siya at parang tumutulo ang laway--aray! (sabay ngisi sa katabing si Hershey) Bakit? Totoo naman ah!
Hershey: Magseryoso ka nga (nanggigigil na nanlalaki pa ang mata)
Rodge: Seryoso naman yun ah. Anyway, next question please.

If you could only listen to one song for the rest of your life, which song would you choose? 
Rodge: (Tingin kay Hershey sabay kanta ng mala-Joe Cocker) ♪♫ You are so beautiful... to me ♫♪ You are so--aray! Bakit ka ba nangungurot? 
Hershey: Ang tanong ay ano daw yung gusto mong pakinggan habang-buhay at hindi yung gusto mong kantahin
Rodge: (hindi pinansin ang sinabi ni Hershey) Sweetheart, kanta ka nga
Hershey: (panlalakihan nanaman ng mga mata si Rodge) Ayoko nga!
Rodge: Sige na, isa lang. Kahit ano pa yan, yan lang ang gusto kong marinig habang-buhay basta ikaw ang kakanta

If you were a hotdog and you were starving, would you eat yourself? 
Rodge: Amp**** wala na bang ibang pagkain?
Hershey: Sino ba ang nag-isip ng tanong na yan?
Rodge: Kung litson ako, baka pwede pa
Hershey: Sweetheart, hotdog daw eh. Sagutin mo na
Rodge: Ikaw, sweetheart, kung hotdog ako, kakainin mo ba ako?
Si Hershey ay tatawa na lang.

Ano ang nauna itlog o manok? 
Tatawa ng malakas si Rodge. Si Hershey ay sisimangot.
Hershey: Next question please!
Rodge: Bakit next question agad? Gusto kong sagutin yan.
Hershey: Wag na! May pupuntahan pa tayo mamaya. Baka ma-late tayo kapag sinagot mo pa yan.
Rodge: Hindi tayo male-late. Sandali lang to
Hershey: Rodge!
Rodge: Ipipilit mo lang na manok ang nauna eh (natatawa habang nagsasalita)
Hershey: Manok naman talaga. It's the more logical choice.
Rodge: Eh paano magkakaroon ng manok kung hindi siya galing sa itlog?
Hershey: Hep! Tama na, hanggang dito na lang ang diskusyon para sa tanong na yan 
Si Rodge ay tatawa-tawa parin pero pagbibigyan na si Hershey.

If you want to be someone else,who would it be? Explain it in 100 words. 
Rodge: I'm a man of few words.
Hershey: Hindi mo naman sinagot ang tanong eh.
Rodge: Umi-intro pa lang ako, sumingit ka naman agad diyan.
Hershey: Eh bakit kasi may intro pa? Papahabain mo lang ang sagot mo
Rodge: Ang sabi ay explain in 100 words daw.
Hershey: Yun na nga, 100 words lang ang gagamitin. Mauubos lang yun sa pag-i-intro mo
Rodge: Teka, bakit ka ba sumisingit? Di ba ako dapat ang sumasagot dito?
Hershey: I'm just making sure that you won't say anything stupid.
Rodge: Uy oral defamation yan 
Hershey: Alin doon ang oral defamation? Sinasabi ko lang naman na--
Rodge: You make it sound like I say stupid--
Tagatanong: Ubos na po ang 100 words niyo.
Panlalakihan ni Rodge ng mga mata si Hershey na tatawa lang.

So far what is your greatest achievement in life? 
Rodge: Trick Hershey into marrying me.

Si Rodge naman ang panlalakihan ng mga mata ni Hershey, pero halata namang kinikilig sa sagot ni Rodge. Yikee! ♥


Comments