The Cat-Dog-Mouse Love Affair


“Taon-taon ay isa lang ang wish ko tuwing Pasko. Iyon ay ang marinig mula sa `yo na mahal mo rin ako.”

Jace had been Darla’s nemesis since they were kids. And it didn’t help one bit that he grew up to be one hot specimen of a man. But Darla knew better than to fall for his charms and too innocent expressions. Alam niyang sa likod ng malaanghel na ngiti ni Jace ay isang demonyitong ipinadala yata sa lupa na may iisang misyon lang—gawing miserable ang kanyang buhay.

Simula pa lang kasi nang una niyang makilala ito ay pulos gulo na ang dinadala nito sa kanya. As long as Jace was within about a hundred meter radius from her, she was bound to get in trouble. Kilala na nga sa buong subdivision nila ang kanilang pamosong aso’t pusang relasyon, kung matatawag ngang relasyon iyon.

Pero bigla na lang ay napalitan ang pagiging aso’t pusa nila. Darla suddenly found herself at the receiving end of a cat-and-mouse chase. At hindi niya maikakailang nag-e-enjoy siya. She suddenly felt like a mouse that got trapped under Jace’s spell. Na-realize niyang mas masaya palang maglaro ng habulan na parang pusa at daga kaysa mag-away na parang aso at pusa.

♥♥♥

Heto ang isang excerpt:

“GOOD morning, this is Sweet Indulgence, how may we indulge you today?” awtomatikong sagot ni Darla sa telepono.

“Indulge me? Hmm, I like that,” sagot ng isang baritonong boses sa kabilang linya.

Sandaling inilayo ni Darla sa tenga ang telepono at tinitigan iyon. It was indeed the phone on her shop and not her personal cell phone. “May I know who’s calling, please?” magalang parin na tanong niya.

“Hindi mo nakilala ang boses ko? Aw, darling, I’m hurt.”

Bigla siyang napahugot ng hininga nang marinig ang endearment na darling. Iisang tao lang ang naglalakas ng loob na tawagin siya niyon. “Jace?”

“Ahh, that’s better, darling.”

Sigurado siyang ginagawa lang nito iyon para inisin siya. She was never fond of that endearment. Masyado kasi iyong katunog ng kanyang pangalan. “Ano’ng kailangan mo?”

“Aw, nalaman mo lang na ako 'to nagsusungit ka—”

“Save it, Jace. Sabihin mo na agad kung ano ang kailangan mo dahil busy ako,” mataray paring wika ni Darla. Naiinis talaga siya dahil madami siyang naka-schedule na gagawin ngayong araw tapos sinasayang lang nito ang oras niya.

Pero sa halip na tablan si Jace ay tumawa pa ito. “But it’s okay. Your voice still sounds like music to my ears.”

“Just tell me what the hell you want so we can both go back to our own freakin’ work, damn it!”

“Damn, Darla, I really love it when you talk dirty to me.”

Dahil sa sinabi nito ay bigla siyang natauhan. Naalala niyang nasa loob pa nga pala siya ng Sweet Indulgence. “Tama na ang kalokohan, Jace. Sabihin mo na kung bakit ka tumawag,” wika niya sa pinakalmang tinig.

“Aw, don’t stop now, darling, we’re just getting to the good part.”

“Anong good part?”

“’Yung part na isisigaw mo na ang pangalan ko.”

Dahil doon ay biglang nandilim ang paningin ni Darla. Nawalan ng saysay ang pagkalma niya sa sarili kani-kanina lang. “Gago!”

♥♥♥

Heto naman ang isang deleted scene:

This was on the last part already. Jace was supposed to be kissing Darla.

“Teka, may naisip ako.” Nagprotesta si Jace nang bahagyang lumayo si Darla dito. “Sandali lang ito,” wika niya saka inilabas ang cell phone. Dahil nakakunot na ang noo ni Jace ay umikot siya upang isandal ang kanyang likod sa malapad nitong dibdib. And Jace was just too happy to oblige. “There,” binuksan niya ang Facebook application sa kanyang cell phone at saka nagtype ng status. “I am in love with Jace Sandoval,” kasunod niyon ay napakaraming heart. “It’s not official until it’s on Facebook,” nakangiting wika niya saka muling umikot upang magkaharap sila.

“Kung ganoon, kanina pa ‘yan official kasi kanina pa namin na-status,” narinig niyang komento ng isa sa mga ‘audience’ nila.

“Ako, kanina ko pa nai-tweet,” pagbibida naman ng isa pa.

“Late na kayo, ako na-Instagram ko na ang picture nila umpisa pa lang.”

“Bakit nakikisali kayo sa usapan namin?” reklamo ni Jace. “Oo na, sige na, na-status na, na-tweet na, at na-Instagram pa. I-hashtag niyo na din #DarlaLovesJace.”

“Bakit #DarlaLovesJace?” tanong ni Darla. “Dapat #JaceLovesDarla.”

♥♥♥

Hope you can grab a copy! ♥

Comments

  1. of course of course of course... ito nalang di ko pa nabili.. busy lang lately Miss. Congrats nga pala ;) and we need--- MOOORRREEE :D Bless you

    ReplyDelete
    Replies
    1. yay! sana makakuha ka na ng copy :)) hehe! thank you! mwah ♥

      Delete
  2. Sa wakas! may copy na 'ko :D Now reading The Cat-Dog-Mouse Love Affair ♥♥♥

    ReplyDelete

Post a Comment