Random Musings: My Fascination with the Name Aurora

Wala na akong maisip na sharing. I can't possibly post more excerpts LOL! Mauubos na ang mga eksena sa mga nobela ko kapag nagkataon haha! So random musings na lang hehe :))

Yesterday, I met up with my friend and former room mate Joy. Pabalik na kasi siya sa Singapore so I had to see her before she leaves. Kasama niya ang mama niya and kuya. No, hindi ito tungkol sa kuya niya hahaha! Tungkol ito sa pangalan ng mama niya. Her mom's name I think is Aurora. But it had always been Au (pronounced as AW). Whenever I remember her mother, I also remember one of my friends in college. Her nickname is also Au. I think her real name was Aurelia.

I've always been fascinated with the name Aurora. Matagal ko nang gustong magsulat ng nobela na ang heroine ay Aurora. Tapos kahapon bigla na lang pumasok sa isip ko na ang ibibigay kong nickname sa heroine na ito ay Au din. Tapos ang first meeting nila ni hero ay ganito:

POV ni Hero na wala pang pangalan:

Si Hero kasama ang kaibigan/pinsan/kapatid/etc ay naglalakad somewhere, sa mall/park/etc. Tapos may makikita si kaibigan/kapatid/pinsan/etc na kaibigan na naglalakad din.
Kaibigan ni Hero: Parang kilala ko yun a *sabay turo sa kung saan*
Hero: Saan? *habang lumilingon sa paligid, naisip ko nasa Greenbelt sila o kaya sa High Street kung saan kasama sa getup ang pagkakaroon ng alagang aso*
Kaibigan ni Hero: There, 'yung nakatayo sa helera ng mga bulaklak.
Hero: *mapapatingin sa tinuturo ng kaibigan pero hindi naman niya malalaman kung sino ang tinutukoy nito. Sa isip-isip niya, there's just too many dogs in here*
Kaibigan ni Hero: Tara, let's go say hi.
Hero: *susunod sa kanyang kaibigan* Okay
Kaibigan ni Hero: Aw!
Hero: Aw? *tanong niya habang nakataas ng kilay pero hindi siya papansinin ng friend niya*
Kaibigan ni Hero: Aw! Aw! *lalo pang maglalakad ng mabilis*
Hero: Are you talking to a damned dog?
Kaibigan ni Hero: *tatawa lang sabay lakad uli ng mabilis palapit sa hilera ng mga bulaklak* Aw! Aw!
Hero: Are you barking? *LOL!*

hahaha! Wala lang nakakatawa! O ako lang ang natatawa hahaha! Tapos later sasabihin ni Hero sa isip, "who the hell would want to call herself Au? Na parang tahol ng aso?" hahahaha

---

Basahin ang original post sa Facebook dito.

Comments