Kilig Sharing: Suspicious Looking Guy at the Park

Maiksing sharing dahil tinatamad akong magbukas ng computer

Mahilig akong tumakbo. Sumasali ako sa mga fun run. At minsan, bago ang isang event (fun run) ay nagtetraining muna ako. Lalo na kapag long distance ang sasalihan ko.

Anyway, one night nagja-jog ako sa Legaspi Active Park sa Legaspi Village sa Makati. Paborito kong training area yun kasi may running path talaga sa park. So it was kind of dark already. I think that was around 7pm. Tapos na akong tumakbo kaya nagcu-cool down na lang.

Suddenly, there was this suspicious looking guy. May dala siyang malaking plastic. Malaki talaga. Tipong hanggang bewang niya ang laki. Tapos nagtatago siya doon sa likod ng mga halaman. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa kanya o matatawa. Kasi talagang nagtatago siya at sumisilip silip lang sa mga joggers.


Siyempre isa akong usisera. Habang nagcu-cooldown ay lumipat ako ng pwesto doon sa kung saan mas makikita ko yun suspiciois looking guy. Maya-maya ay napansin kong lumipat na siya ng pwesto. Hindi na siya nagtatago sa halaman kundi dun naman sa may puno! Hahaha

Hinintay ko kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi naman ako naghintay ng matagal kasi maya-maya lang ay may tinawagan ito sa cell phone. Tapos may dumating na isa pang lalaki at kinausap niya. Then the guy went out of the park. After a few more minutes, the guy came back with a girl. Tapos may mga sumalubong sa kanilang grupo ng mga magkakaibigan na kanina oa nakatambay sa park. Tapos bigla na lang may sumali na din na isang guy na may hawak na gitara.

Sa isip-isip ko, magpopropose ba to? Hahaha! Tapos lumabas na din sa wakas sa pinagtataguan niya si suspicious looking guy. Tapos nilabas niya mula sa hawak na plastic ang isang malaking buoquet (tama ba spelling?)

Ayun, ang sweet lang. Akala ko magpopropose pero yun pala nanliligaw pa lang. Hihi!

---

Basahin ang orihinal na post sa Facebook dito.

Comments