“I am no prince. I am no saint. I am not anyone’s wildest dream. But I can stand behind and be someone to fall back on.”
Palagi na lang nahuhulog ang loob ni Hershey sa mga bad boy types. Hindi naman sa sinasadya niya iyon pero madali talaga siyang ma-attract sa mga ganoong tipo ng lalaki. So far, she had three ex-boyfriends who all fall under the category of bad boys.
Then she met Rodge. Isa ito sa pinakamatinding bad boy na nakilala ni Hershey. Unang kita pa lang niya rito, she immediately felt the strong magnetic pull between them. But after her last boyfriend, she already promised herself that she would not fall for a bad boy again. Ngunit paano ba siya iiwas kay Rodge gayong mukhang desidido itong pumasok sa kanyang buhay? He was a bad boy who didn’t play by the rules after all. Kahit anong pagtanggi niya ay tila lalo itong natsa-challenge na mapalapit sa kanya.
♥♥♥
Here are a few excerpts. Enjoy and thanks for reading!
HABANG naglalakad sa labas ay narinig ni Hershey na parang may nirerecite ng mahina si Rodge. Or maybe he was singing.
“Ano ‘yung kinakanta mo?”
“Ha?”
“Kumakanta ka ba?”
Umiling ito. “Nah, I was just reciting the elements on the periodic table.”
“Ano?” bigla siyang napalingon kay Rodge. Niloloko ba siya nito?
“At least kapag iniisip ko ang periodic table of elements hindi ko naaalalang gusto kitang halikan,” tumawa ito ng mahina bago nagpatuloy. “Mahirap na at baka masampal nanaman ako.”
Hinintay ni Hershey na idugtong nito ang punch line sa joke na iyon, but it never came. Sa halip ay muli niyang narinig ang mahinang pagrerecite nito sa mga elements sa periodic table.
“You were serious?” aniya saka tumigil sa paglalakad.
“Ano sa tingin mo?”
♥♥♥
NAGLALAKAD sa parking area si Hershey nang mamataan niyang may dalawang lalaking nakasandal sa gilid ng kanyang kotse. One of them was Rodge again!
Nakita din siya ng mga ito kaya umayos sila ng tayo. Maya-maya pa ay tila hindi na ito makapaghintay na tuluyang makalapit siya kaya ito na mismo ang naglakad papunta sa harapan niya at agad na nagsalita. “I really want to take you out on a date.”
“Ha?”
“If you don’t agree to go out with me, I think I might just go crazy.”
“Miss, pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko. Mukhang malakas talaga ang tama eh,” natatawang singit ng lalaking naiwan sa tabi ng kotse niya.
Sa halip na pansinin ang sinabi nito ay mas nagregister sa isip ni Hershey ang kaalamang natunton ng mga ito ang kanyang kotse. “Paano mo nalamang kotse ko ito?”
“Pinahanap ko sa CCTV footage ng Jas CafĂ©.”
“See? Malakas nga ang tama,” muling singit ng lalaki.
“Please, say you’ll go out with me,” ginagap pa nito ang kanyang mga kamay.
“No.”
“What?”
Damn that smile! Bakit ba napakaganda ng ngiti ng Rodge na ito? “I said no. Ayokong makipagdate sa'yo.”
“Come on, sweetheart. We already kissed. Usually when I kiss a girl, I at least buy her a meal.”
“What kiss? I don’t remember a kiss. I only remember a slap.”
♥♥♥
Hershey's gaze focused on Rodge. Noon lang niya napagtuunan ng pansin ang suot nito. He was wearing a black shirt and tattered jeans. Both his shirt and jeans looked really worn out. And the sneakers that he was wearing looked like it had seen better days. Tama nga ang sinabi ng kapatid niya. He’s got the words bad boy written all over him.
Pero kahit na ganoon ang suot nito, hindi parin ito maruming tingnan. Kung tutuusin ay mukha pa nga itong mabango. Lalo na kapag ngumingiti ito at hinahawi nito ang may kahabaan nitong buhok. Ipinilig ni Hershey ang ulo. Masyado na yata siyang naaapektuhan ng mataas na testosterone level sa kanilang pwesto.
“Ahm, gusto niyo ba ng inumin?”
Nakangiting bumaling sa kanya si Rodge dahil sa sinabi niya. Mabilis tuloy siyang nag-about face.
“Just wait there while I buy you guys something to drink.”
“Hershey, teka lang,” habol ni Rodge. “Sasamahan na kita.”
“’Wag na, Rodge. Kaya ko ng bumili ng mag-isa. Okay na ba sa inyo ang iced tea?”
“May nabibili ba ditong mas matapang na inumin? Mga tipong whiskey, ganoon,” kumindat pa ito pagkasabi niyon. Hindi tuloy malaman ni Hershey kung seryoso ba ito.
“Ang aga-aga whiskey na agad ang hanap mo?”
“Well, kung balak mong magsupervise sa ginagawa namin habang nakaupo sa mataas na upuang ‘yun kahit na ganyan kaiksi ang suot mong palda, and you still expect me to be a gentleman,” Rodge paused to look at her appreciatively. “Then I’m definitely gonna need something a lot stronger than iced tea.”
♥♥♥
I hope you can get a copy!
Comments
Post a Comment