Kilig Sharing: Si Mac at and Cell Phone

Dahil sikat na si Mac, tungkol uli kay Mac. hahaha! Maiksi lang ito. Hmm...

So nung time na "nanliligaw" sa akin si Mac, estudyante pa lang ako noon. Wala pang pambili ng magandang cell phone haha! Diba nabanggit ko na si Mac ay self-supporting na? Tipong may sariling negosyo and all. So he was kinda well off, let's just say.

Anyway, ang cell phone ko lang noon yung nokia na nafi-flip na may camera naman pero hindi masyadong malinaw haha! Basta maliit lang yun. Walang memory card at maliit lang ang phone memory. Hindi ko na maalala kung anong model. Anyway, that time ang Sony Ericson pa lang ang mayroong touch screen na phone na ang presyo yata ay kapareho ng isang laptop hahaha! At ang isang laptop noon ay hindi kasing mura ng mga laptop ngayon. Ganoon ang cell phone ni Mac.

One day bigla na lang siyang nagtext ng ganito:

Mac: Gel, mag-email ka naman sa akin ng picture.
Me: Bakit? Ano'ng gagawin mo sa picture ko?
Mac: Gagayumahin ko.
Me: haha *pero deep inside "dinga?" hahaha*
Mac: Joke lang, ikaw naman. Ilalagay ko lang sa computer ko.
Me: Bakit mo ilalagay sa computer mo? *nagdududa parin*
Mac: Wala naman, kailangan ko lang ng inspirasyon. Ang dami ko kasing ginagawang paper works eh.
Me: Ehh, ganun?
Mac: Oo, basta email mo sa akin ha? Hintayin ko.
Me: Okay, pero mamaya pa kasi may klase pa ako.
Mac: Okay lang. Thank you, Gel.

Hindi ko alam pero parang iba kasi sa pandinig kapag siya ang tumatawag sakin ng Gel. LOL! O feeling ko lang siguro yun. haha! Damang-dama ko lang ang pagiging heroine sa pocketbook sa pag-iisip ng ganyan. Ay text pala yan pero naiimagine ko lang kung paano niya ako tawagin ng Gel LOL! Anyway, pagdating ng gabi nagtext na uli si Mac.

Mac: Gel, natanggap ko na ang email mo. Thank you ha
Me: Baka gawin mo lang yan panakot sa daga ha?
Mac: Hindi no, ang ganda namang panakot sa daga nito.
Me: Hehe, sige panakot na lang sa multo.
Mac: Hindi din. Pero pwede ito panakot sa ibang babae.
Me: Ha?
Mac: Para maniwala silang hindi na ako available
Me: *err hindi malaman ang irereply*

Nang hindi ako magreply ng matagal ay biglang tumawag si Mac.

Mac: I did it again, didn't I?
Me: You did what again?
Mac: I scared you?
Me: Ehh..
Mac: *rinig na rinig ang pagbuntong-hininga sa telepono* I promised I won't scare you. But it always happens.
Me: Okay lang naman. Basta...
Mac: Basta ano?
Me: Nakakagulat lang kasi yung mga sinasabi mo. Hindi ako sanay.
Mac: *biglang tumawa* what kind of guys have you been hanging out with?
Me: Guys that are not like you, obviously.
Mac: Yeah, that's pretty obvious. Listen, I still have to finish a lot of paper work here. Matulog ka na ha? Wag mo nang isipin yung mga sinabi ko.
Me: Okay.
Mac: Good night, Gel. I'll call you tomorrow.

That night narealize ko na hindi talaga siya tulad ng mga kakilala ko at hindi din siya tulad ng ibang nanligaw sa akin at lalong di siya tulad ni ex. haha! He's a very direct person. Pang-pocketbook talaga siya. Pag gusto niya, gagawin niya. Kapag ayaw niya, sasabhin niiya. He didn't really care much about what others would say and think.

Hindi din siya yun nagpapatumpik-tumpik pa. Kapag nagbabye, ba-bye talaga. Wala na yun magsasabihan pa kung sino ang mauunang magbababa LOL!

Anyway, paggising ko kinaumagahan punong-puno ang cell phone ko ng message galing sa kanya. Pare-pareho lang naman ang laman. Puro I love you hahaha! At ang letse kong cell phone inabot ng dalawang araw bago nareceive lahat ng Iloveyou niya. Ganoon dati diba? Yun tipong kapag wala nang space ay kailangan mo muna magbura saka darating yun iba pang message? hahaha!

Anyway, bago natapos ang pagdating ng mga Iloveyou messages niya ay tumawag sa akin si Mac.

Me: You're flooding my phone
Mac: Ha?
Me: Hindi naman kasing high-tech ng cell phone mo ang cell phone ko eh
Mac: Aw *ipasok ang isang mura dito haha* sorry, Gel
Me: Ano'ng sabi mo? *ayaw na ayaw ko kasi ang nakakarinig ng mga mura*
Mac: Wala, sabi ko sorry
Me: Wag mo na ulit gagawin yun ha?
Mac: I'll replace your phone. Anong cell phone ang gusto mo? No wait, sayo na muna itong phone ko habang hindi ka pa nakakapili
Me: Ha? Eh... *hindi na uli nakasagot*

Uso na ang mga koreanobela nang time na to. Pero sigurado akong hindi nanonood ng ganoon si Mac hahaha! Nabanggit ko kasi na para naman siyang si *nalimutan ko ang name ng character na yun sa isang korean movie* tapos tinignan lang niya ako na wala talagang ka-ide-ideya sa sinasabi ko. hahaha! Pero hindi naman ako pumayag na ibigay niya sa akin ang phone niya. Nahihiya talaga ako. chos! hahaha ♥

Go to the Facebook post here.

Comments