Kilig Sharing: More About Terrence

So palagi ngang hindi natutuloy ang paglabas namin kapag nasa Manila. Madalas kasi silang um-attend ng mga conventions and so on kaya lang ay palagi namang puno ang sked niya. So it didn't happen for a few months.

Then Christmas came. Pauwi na uli ako sa amin sa province. Medyo badtrip pa ako kasi wala ako sa mood magcommute ng matagal from Manila to Isabela. Eh ang layo talaga! Like 8-10 hours depende sa traffic. LOL! Tapos muntik pa akong maubusan ng ticket sa bus. Ang natitira na lang ay pang-umagang byahe. Ayoko pa naman magbyahe pag umaga. Feeling ko sayang ang araw. Tapos lalo ko pang nami-miss ang tito ko kasi kapag uwian talaga ay siya ang sumusundo sa akin at ipinagda-drive ako. :(

So anyway, dahil nga madalas kaming magkatext ni Terrence ay alam niyang pauwi ako. Pagdating ng 1pm nakareceive ako ng message mula sa kanya.

Terrence: Kumusta ang byahe? Saan ka na?
Ako: Boring! Nandito sa *somewhere between Nueva Ecija and Nueva Vizcaya*
Terrence: Aw, ang layo pa.
Ako: Oo nga, hindi ko na alam kung paano pa magpapalipas ng oras.
Terrence: Matulog ka na lang?
Ako: Buong umaga na akong nakatulog.
Terrence: haha! Kawawa naman ang bata
Ako: yeah, right, Kuya!
Terrence: Uy walang ganyanan.
Ako: Sino kaya ang nagsimula?

Tapos matagal siyang hindi nagreply. Medyo nainip na nga ako sa kakahintay. Inabot yata ng dalawang oras. haha! toinks! Bilang ko talaga. Anyway, after about two hours nagtext uli si Terrence.

Terrence: Nasaan ka na?
Ako: Dito sa *somewhere in Nueva Ecija*
Terrence: Sorry, may kausap kasi akong doktor kanina. Kung wala lang akong work ngayon sinundo na kita diyan.
Ako: Talaga?
Terrence: Oo, kayang-kaya kong habulin ang bus na 'yan. Sabihin mo lang kung anong bus company at bus number.
Ako: Sira *pero deep inside kilig-kilig naman*
Terrence: Seryoso nga. Kapag wala akong trabaho sinundan na kita. At ako na ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo. Para pa-good shot.
Ako ay hindi na naka-reply kasi hindi ko na alam kung ano ang irereply. LOL! Maya-maya nagtext uli si Terrence.
Terrence: Daan na lang ako sa inyo sa weekend ha?
Ako: Sige... Kuya
Terrence: haha

So true to his promise, nagpunta nga siya sa bahay pagdating ng weekend. Everyone was so happy to see him. I think hindi naman nakaligtas sa lahat na naging close na kami. He seemed to be really fond of me. Noon ko na-experience 'yung parang sa mga pocketbook na parang pinagpa-partner kayo ng pamilya mo. LOL! Pero tulad ng iba kong sharing, iba pala talaga kapag nae-experience mo na! Nakakainis talaga! At nakakahiya! As in! Parang gusto ko na lang lumubog. haha! Pero hindi naman talaga ganoon ka-OA yun pangungulit nila. Pasimple lang. Kasi they all think na bata pa naman ako. Harmless na asaran lang. Still, nakakahiya! LOL!

Read the Facebook post here.

Comments