Kilig Sharing: Me and Bobby Part 2

After the concert ay palagi na kaming nagha-hangout uli ng mga friends na namilit sa aking magpunta sa concert. Mayroon kaming tambayan na bilyaran sa may Dapitan. Doon kami madalas kapag vacant. One time nandoon din si Bobby at nakikigulo sa pagbibilyar. Magaling pala siyang magbilyar LOL! Wala lang, share lang.

Si Bobby
So anyway, nagkakuwentuhan kami. At nakakatawa kasi naisipan ko siyang ireto sa isa kong room mate! LOL! Nagpaalam pa ako sa kanya na ibibigay ko ang number niya doon sa room mate ko para maging text mate sila! hahaha! Kaso hindi sila nagworkout ni room mate.

Dahil diyan feel na feel ko talaga siyang hanapan ng girlfriend kasi sayang eh. Pogi, matalino, at gentleman! hahaha! Kaya inireto ko naman siya sa bestfriend kong si Roney! LOL! Nagpaalam uli ako sa kanya na ibibigay ko ang number niya kay Roney at pumayag naman siya. Ang problema naman sa kanila ni Roney ay nasa province si Roney so wala, malabong mag-workout kung sakali.

Anyway, after ng isang buong sem na pagfi-feeling matchmaker ay gumive-up na ako. Wala na talagang pag-asa. LOL! Pagdating ng enrollment para sa second sem ay nagkagulatan na lang kami ni Bobby na magkalapit lang kami sa pila sa pagbabayad ng tuition. Nagkakwentuhan uli kami at dahil wala naman kaming ibang lakad ay naisipan namin magpunta sa SM San Lazaro. Malapit lang kasi yun sa UST.

So ayun nga, nakarating kami sa Quantum. Mahilig kasi siya sa arcade. LOL! Tapos dati yun Quantum doon ay mayroong makeshift stage para sa mga gustong kumanta sa harap. Natatawa nga kami sa mga kumakanta doon kasi kumpleto pa with disco balls ang stage. At hindi ko na alam kung ano pa ang napag-usapan namin basta naalala ko na lang na dine-dare ko na siyang kumanta. At nagpa-bully naman siya sakin! hahaha!

But the joke was on me. Sino ba ang mag-aakalang magaling pala siyang kumanta! Ayiiee! Kinanta niya ang "Simply Jessie." At kinilig ako to the highest LOL! Kasi feel na feel pa niya ang pag-e-emote habang sa akin nakatingin.

Needless to say, I never saw him as a friend anymore after that. ♥
Ako at si Bobby ♥
Read the Facebook post here.

Comments