Kilig Sharing: Inspiration For Jas in The Guy From Apartment 4E

Nabanggit ko sa first page ng libro kong 'yan na tumira ako dati sa isang condo. Ang condo na iyon ay ang Kingswood Towers sa may Pasong Tamo dito sa Makati. So dalawang tower iyon. Doon ako nakatira sa Tower B. Tatlo kaming room mates. Sina Jhoye at Blaise ang room mates ko.

So anyway, one time sabay kaming umuwi ni Blaise kasi magkalapit lang kami ng office. Pagpasok namin sa condo ay mayroon kaming nakasabay na guy. Hindi ko siya masyadong napansin at hindi ko alam kung bakit. Pero nun pagdating namin sa unit namin ay bigla na lang parang kinikilig na tumabi sa akin si Blaise. Kinukwento niya yun tungkol doon sa guy na nakasabay namin.

After that medyo nakalimutan ko na uli yun tungkol sa guy na 'yun. Then isang hapon ay sabay kami ni Blaise na nagpunta sa laundry shop sa baba lang ng Kingswood. Pagbalik namin ay bigla na lang akong siniko ni Blaise. Sumesenyas din siya dun sa isang lalaki na kasabay namin sa elevator. Nasa pinakalikod kami ng elevator kaya likod lang niya ang nakikita ko. Nandoon siya sa tabi nung mga pindutan ng floors haha!

So the third time ay hindi na talaga ako papayag na hindi ko siya makita. Nung papasok na kami sa office nina Blaise at Jhoye ay nakasabay uli namin siya sa elevator. At gumawa talaga ako ng paraan para makita ko ang mukha niya.

Nakasuot siya ng slacks na may pagka-skinny at naka dark na long-sleeves. Tapos may earrings siya! LOL! At ang hair style niya ay yung tinatawag na faux hawk. Ang pogi! In a rockstar frontman-of-a-band kind of way.

After that ay mas naging aware na ako sa tuwing makakasabay ko siya. He always wore black shirts. At noong time na 'yon ay nauuso na yun mga loafers na kapartner ng short na fit na hanggang tuhod lang. So ayun nga. Minsan nakita ko may tattoo din siya sa, I think it was on his left arm. Hindi siya maputi. haha! Kayumanggi siya. Hindi malaki ang katawan niya pero fit siya. Hindi siya sobrang tangkad pero mas matangkad siya sa karamihan ng lalaking kilala ko. Doon siya sa 19th floor nakatira habang kami ay sa 20th floor. hahaha! Ang stalker ko lang pakinggan.

Anyway, siya ang inspirasyon ko kay Jas. Minus the faux hawk and earrings, of course.

Read the post on Facebook here.

Comments