Kilig Sharing: The Guy from Mercury Drug

Isang hapon ay nasa Mercury Drug ako. Wala lang, naisipan ko lang dumaan doon kasi gusto ko ng chocolate. So ayun nga, pumasok ako sa Mercury Drug na nasa baba ng isang condominium building. It was the Rada Regency to be exact. So anyway, namimili ako ng chocolate nang makarinig ako ng ingay sa may counter. Siyempre dahil likas na chismosa ay sumilip ako.

Nakita ko ang dalawang cashier ng Mercury Drug na tila kinikilig na kinakausap ang isang customer na lalaki. Guwapo si customer at matangkad. Nakasuot ito ng dark slacks at polo shirt. Siyempre tandang-tanda ko pa dahil curious ako. Mukhang kagagaling lang nito sa opisina at bumibili lang ng inumin doon sa Mercury.

Cashier 1: Sir, ngayon lang uli kayo napadalaw dito.

Poging guy: Ah, oo medyo busy kasi ako.

Cashier 2: Sir, nun last time hindi niyo nakuha ang sukli niyo. Hinabol pa nga kayo ni kuya *sabay turo sa guard*

Poging guy: Okay lang, I think I was in a hurry. But thank you anyway.

Cashier 2: Walang problema, Sir. Basta daan uli kayo dito ha?

Poging guy: Of course, thank you *sabay tingin sa nameplate ng dalawang cashier tapos binanggit ang pangalan ng dalawa* See you next time.

Cashier 1: Ay, Sir, pwede ba humingi ng favor?

Lumingon si poging guy at ngumiti.

Si cashier 2 ay naglabas ng cell phone.

Cashier 1: Pwede ba kaming magpapicture kasama ka, Sir?

Poging guy halatang nagulat kasi bigla na lang napakamot sa batok. Pagkatapos ay biglang natawa saka tumingin sa guard na parang hindi malaman ang gagawin.

Cashier 2: Sige na, Sir, para souvenir.

Poging guy: Ah, eh, sige. *Mukhang nahihiya paring lumapit sa dalawang cashier*

Si cashier 2 humarap kay kuyang guard: Kuya picture-an mo kami.

Pagkatapos ng picture taking si poging guy ay tila nahihiyang kumaway at lumabas ng Mercury Drug.

Dahil chismosa ako ay sumilip ako sa labas. Ayun si poging guy pumasok sa isang Lexus. ♥

Read the post on Facebook here.

More about the story:

  • Nakita ko uli si Poging guy ilang beses pagkatapos ng scene na yan. Doon yata siya nakatira sa condo sa taas ng Mercury. Mestiso siya at may kahabaan ang itim na buhok. Mabango kasi nakasalubong ko siya minsan ahahaha! Hindi ako sure sa height pero umabot lang ako ng hanggang sa leeg yata niya, eh naka 3-inches na heels ako that time LOL! tapos maganda ang relo, haha at napansin ko talaga ang relo nya hehehe
  • Nung una ko siyang makita ay nakatalikod siya, kasi nasa likod ako ng cashier eh, tapos naka-sideview naman nung nagpapapicture yun dalawang cashier. Medyo nakita ko lang un mukha niya nun sumilip ako sa labas ng Mercury, tapos nun nakakasalubong ko na siya ay nahihiya naman akong titigan siya sa mukha LOL! nakakatulala haha
  • Naka-Blackberry siya kasi naalala ko nilabas niya 'yung wallet niya habang hawak ang Blackberry. Nakasuot siya na white na polo shirt na may vertical stripes na manipis. Nakatupi iyon hanggang sa siko. Naka-dark slacks at shoes. Medyo mahaba ang hair niya. Hindi siya masyadong maputi. Tama lang. May pagkamestizo ang features niya. 
  • Nung isang beses na makasalubong ko siya ay kinakalukot niya ang cell phone niya kaya nakayuko siya. Matangkad siya kasi sa 3-inch heels ko ay hanggang leeg lang yata niya ako umabot haha! BTW, 5"1' lang ako kapag nakaflats haha! That second time ay naka-dark nna polo shirt naman siya at dark slacks uli. Ano pa ba? Hmm... Hindi ko masyado pinansin ang details ng mukha niya eh haha! Nakakahiya kasi. Basta may pagka-singkit tapos matangos ilong. At mabango! hehe

Comments