Kilig Sharing: Encounter with RJ Jimenez

Hindi naman kaila sa lahat na isang catholic university ang UST, so kasali sa curriculum namin ang theology. Anyway, nung first year second sem ay nirequire kami ng theology prof namin na sumali kami sa kahit na anong church organization. Eh first year pa lang ako noon, fresh from the province pa! LOL! Wala talaga akong kaalam-alam. Mabuti na lamang at mayroong nagsuggest sa akin na magtanong sa Campus Ministry ng UST.

So nagpunta nga ako sa Campus Ministry. Noong time na yun ay located pa iyon sa first floor ng Main Building. Convenient para sa akin dahil nasa 3rd floor naman ng Main Building ang College of Science kung saan ako estudyante.

Fast forward na tayo sa after a few months. Naging miyembro ako ng Thomasian Volunteers. TV ang tawag sa amin. Tumutulong kami sa mga activities ng simbahan sa university. Kapag first fiday mass, kami yun mga tumutulong sa pag-aayos at nag-a-assist din sa mismong mass. Kapag may mga retreat, kami yun taga-opening prayer, tagakanta ng kung anu-ano, at taga-assist sa mga activities.

Months before na pumasok si RJ sa Pinoy Dream Academy ay nakasama ko siya sa isang retreat. Hindi ko pa siya kilala noon pero halos lahat ng mga TV na mas matanda sa akin ay kilala siya. Siyempre curious na curious naman ako. Nandoon kami sa Med Audi (Medicine Auditorium) at nag-a-assist sa isang retreat. Nakakatulala lang ang galing niya. Siya na ang one-man choir. At one point, he was playing the organ and singing a christian song. Tapos maya-maya ay naggi-gitara naman siya. Napabilib talaga niya ako ng todo. Pero hindi lang yun ang nakakatuwa sa kanya.

After a week, nakita ko siya sa opisina ng Campus Ministry. Kausap niya si Father Deng. Na-curious ako kasi madami silang nagkukwentuhan. Yun pala ay humihingi siya ng blessings kay Father tungkol sa pagpasok niya sa PDA. Nakakatuwa talagang isipin na ganoon siya ka-God-fearing na tao. Everyone was wishing him luck and he was so quick to say thank you. Ang hindi ko makakalimutan ay yung nginitian niya ako kahit hindi ako nagsasalita kasi na-starstruck ako sa kanya hahaha!

Ganito ang nangyari.

Father Deng: Just don't forget to pray.
RJ: Thank you, Father. Kinakabahan talaga ako.
Father: You have God-given talent. Naniniwala kaming lahat sa'yo.
Ang lahat ay sabay-sabay na nag-agree. Tapos si RJ ay kinamayan ang bawat isa. LOL! Parang politician lang. But no, he was actually acknowledging everyone's goodlucks.
Guy1: RJ, may mga botohan ba yan?
RJ: I'm not allowed to say yata, pare.
Guy2: It's ok, naiintindihan naman namin.
Girl1: Oo nga, kaya mo 'yan Kuya RJ.
RJ: Salamat talaga. All I need are prayers from you all. *Pinagsalikop pa nito ang mga kamay saka napapayukong nagpapasalamat sa lahat.*

Ako ay starstruck lang sa isang tabi. Tapos napadaan sa akin ang tingin niya. Ngumiti siya sa akin. Tapos maya-maya ay lumapit siya sa pwesto ko. Sa isip-isip ko, "Shet, ano'ng gagawin ko?" LOL! Yun pala gitara niya iyong nakasandal sa wall na katabi ng inuupuan ko. hahaha!

Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang gitara. Hindi nanaman ako nakapagreact. Ang bango kasi nya hahaha! Tapos inilabas niya ang gitara. Ang pogi ng gitara! LOL!

Guy1: Wow, astig!
Another guy: Pahawak naman, RJ.
Si RJ natatawa lang habang kinakalikot ang hawak na gitara. Yamaha yata iyong gitara niya at may mga pirma pa.
Another girl: Kuya, yan ba yung napanalunan mo sa contest?
RJ: Oo, ito nga.
Another guy: Astig, pre.
Another girl: Pa-sample naman RJ.

Nakangiting pinagbigyan naman ni RJ ang request. Hindi ko na maalala ang kinanta niya. Na-starstruck talaga ako. Tapos sa kalagitnaan ng pagkanta ay napalingon uli siya sa akin sabay ngiti. wahahaha!

Later on ay nalaman ko na yung gitara pala niya ay napanalunan niya doon sa contest na sponsored yata ni Nyoy Volante at Paolo Santos. Parang contest sa pagkanta at pagtugtog ng acoustic. Tapos yun mga pirma ay pirma nina Nyoy at Paolo.

Ayun, hanggang dun lang hehe! Pagpasensiyahan niyo na. Hindi pa ako ganoon ka-outgoing ng mga panahong ito. Hanggang ngiti at tingin pa lang ang kaya ng powers ko noon LOL! At least nginitian niya ako. At naamoy ko kung gaano siya kabango! hahaha! At napakinggan ko pa siya ng live for free :) hihi! ♥

Read the Facebook post here.

Comments