Kilig Sharing: Ang Possessive na Si Mac

Naaalala niyo ba si Mac na nakwento ko na dati? Anyway, tungkol uli ito sa kanya. hehe

So noong time na "nanliligaw" sa akin si Mac. Sorry naman, "panliligaw" na ang gagamitin ko for the lack of better term. :) So ayun nga, nung time na yun ay palagi siyang, ahm, how do you call that? Nakabantay? hehe!

Anyway, true to his being a pocketbook hero, siya na yata ang isa sa mga pinaka-possessive na lalaking nakilala ko. To think na nanliligaw pa lang siya ng lagay na 'yan. There was one time, he found out about the guy I also told you about. Yung kumanta ng Lips of an Angel. Pero by this time ay medyo nag-lie-low na yun guy na yun. Yung kabanda ni Ex. Pero kahit na tumigil na si bandmate ni Ex ay may times parin na nagtetext siya sa akin.

Isang araw ay nabanggit ko kay Mac ang tungkol sa kanya. Hindi ko na maalala kung ano ang eksaktong sinabi ko basta nagsimula yun sa usapang tungkol sa buhok ko. Tinanong ko si Mac kung bagay ba sa akin ang kulot. Noon pa man kasi ay pangarap ko nang maging kulot. LOL! Ewan ko kung bakit. So ayun nga, tinanong ko si Mac. Parang ganito ang nangyari.

Me: Sa tingin mo, bagay ba sa akin ang kulot? *sabay abot sa kanya ng phone ko*
Mac: *tinitigan ang picture kong kulot* kailan 'tong picture na 'to?
Me: *binanggit ko kung kailan nagpa-studio pic*
Mac: Ah, you look pretty. Saan ka nagpapicture?
Me: Sa may studio ng pinsan ng isa kong katropa sa may Tandang Sora.
Mac: *biglang kumunot ang noo* Pinsan ng ano? Bakit ang layo?
Me: *biglang nailang kasi parang hindi natuwa si Mac sa narinig* Eh doon located 'yung studio nila. So ano? Bagay ba sakin?
Mac: Gel, 'wag ka na uling pupunta doon ha? Ang layo eh. Baka mapaano ka lang. Kung may pupuntahan kang malayo magpasama ka sa akin ha?
Me: Eh, ok lang yun, kasama ko naman ang bestfriend ko.
Mac: Kahit na. Next time, sabihin mo sa akin. Sasamahan ko kayo.
Me: Ahm *hindi malaman ang isasagot* okay. Pero hindi mo pa ako sinasagot. Bagay ba sa akin? *sabay turo uli sa picture ko sa cell phone*
Mac: *muling tinitigan ang picture ko* Kahit ano, bagay sa'yo. *sabay ngiti tapos sa akin na tumitig LOL!* Pero bakit gusto mong magpakulot? Mganda na ang buhok mo.
Me: Wala naman. For a change. May nagsabi kasi sa akin na bagay daw sa akin.
Mac: Sino?
Me: Si *binanggit ang pangalan nung guy na kumanta ng Lips of an Angel*
Mac: *muling kumunot ang noo at nabura ang ngiti* Lalaki ba 'yan?
Me: Uh, oo. *hindi makapagsinungaling haha*
Mac: Teka, hindi ba yan yung tawag ng tawag sa'yo dati?
Me: Ahm, dati pa yun. Hindi na siya tumatawag ngayon.
Mac: Sabi niya bagay sa'yo ang kulot? *lalo pang kumunot ang noo*
Me: Oo daw.
Mac: Wag ka nang magpakulot. Maganda na ang buhok mo. Mas gusto ko yang ganyan na may bangs na nasa gilid. *sabay hawak sa hair ko tapos inipit sa may tenga ko*

Err, wala na, speakless na ako pagkatapos nyan. LOL! Tapos nilagay niya sa phone niya yung picture ko na hindi kulot at ginawang wallpaper. hahahaha!

Go to the Facebook post here.

Comments