On Reviews and Whatevers


Kamakailan lang ay parang biglang naging usap-usapan ang tungkol sa mga book reviews. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga ganyang bagay. Isa pa, pakiramdam ko ay hindi pa naman ako ganoon ka-significant na writer para magawan ng review ang aking gawa. Well, plus the fact that I only have two books on the market at the moment. LOL!

So anyway, nakikita ko na ang mga post ng iba kong kapwa manunulat tungkol sa mga review ng gawa nila. Sa totoo lang ay hindi ko iyon masyadong pinapansin. Wala naman kasi akong ibang masasabi tungkol doon kung hindi, "okay lang 'yan," o kaya naman ay, ahm, wala na pala, LOL! 'Yun lang naman ang masasabi ko. Kaya naman nagulat talaga ako nang bigla na lang sabihin sa akin ng kaibigan kong manunulat na si Lush Ericson na nasa listahan daw ng isang blogger ang aking unang nobela. Ang tanging nasabi ko ay "weh?" LOL! Seriously, I didn't even think someone would be interested enough.

Ayun nga, naikwento ko ang tungkol dito sa isa ko pang kaibigang manunulat na si Celine Isabella. Nakita ko kasi sa site ng blog na iyon na nasa listahan din ang kanyang nobela. Siyempre napag-usapan namin ang mga bagay na maaaring sabihin niya tungkol sa gawa namin. At lahat iyon ay hindi maganda! LOL! But I was really grateful that we talked about it. Medyo nabawasan kasi ang kaba ko. I mean, kapag kami ang magkausap ay kulang na lang ay himay-himayin namin ang bawat letra sa bawat salitang laman ng aming mga nobela.

Kaya naman nang makita ko kani-kanina lang ang komento ng blogger na ito tungkol sa aking gawa ay natuwa ako. Well, she/he may have said that it was boring. Not the exact words but I think that's what he/she meant when he/she said "tinatamad na akong tapusin." LOL! I was happy, I mean, it could have been worse, right? LOL!

The Guy From Apartment 4E was my first book to ever come out on the market. Para sa mga taong malalapit sa akin, alam nila na hindi ko masyadong prinomote ang librong ito. I know it wasn't perfect. And I also know that it wasn't my best work. But it was the first step to my journey as a Romance Novelist. And I will be forever proud of it.

At tulad nga ng sabi sa akin ni Celine Isabella kanina sa text nang makita ko ang reaksiyon ng blogger na iyon, "unang libro mo pa lang naman 'yan." True, it was my first book, and I didn't really expect to immediately make it right the first time. Still, I want to thank the blogger for getting a copy of my book. It still meant a lot.

Comments