Eyebugs or Eyebags?

Noon pa man ay ginagamit ko na ang eyeBUGS at eyeBAGS interchangeably. Simula nang matutunan ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyan ay naghahanap na ako ng paraan kung paano ito maiiwasan. Anyway, I think I should mention that the more proper term is eye puffiness.

Moving on, unfortunately, hanggang ngayon ay wala parin akong mahanap na one hundred percent effective na paraan para matanggal ang eyebags ko. Although there was one product that I particularly liked. At kahit paano ay effective naman ito. Ang pangalan ng produkto ay St. Ives Cucumber & Elastin Eye and Face Stress Gel. Ito ang ginagamit ko mula pa noong college ako at hanggang sa magtrabaho na ako. Sad to say, nang maubos ko na ang aking stress gel ay sinubukan kong muling bumili sa Watsons pero wala na akong makita. I've been searching for this product for a long time! Madaming branch na din ng Watsons ang napuntahan ko para lang bumili nito pero wala talaga.

Sa ngayon ay matindi na talaga ang aking eyebags. See the proof below:


Kaya naman gustong-gusto kong makabiling muli ng St. Ives na stress gel. This post is basically about asking if there is anyone who has seen it. If you have, please, please let me know where. Ganito ang itsura niya:


I really, really want to have one again. So please, if you ever see one anywhere in Metro Manila, please, please let me know! Thank you so much! <3

Comments