Bakit, Bakit, Bakit?

BABALA: Ang post na ito ay naglalaman ng mga walang kwenta at boring na bagay. 

Should you choose to read it despite the warning, you can only blame yourself for wasting your own time.

If you failed to understand the warning or simply ignored it, please reread the second sentence. In short, walang sisihan! LOL!


Bakit ganyan ang pamagat?
Wala naman. Gusto ko lang sumagot ng mga tanong na nagsisimula sa bakit. 'Wag mo nang itanong kung bakit, basta 'yun na 'yun.

Bakit "My Secret Life as a Tagalog Romance Novelist" ang title ng blog ko?
Kasi secret life ko talaga ang pagiging romance writer. Meaning, sa tunay na buhay, kakaunting tao lang ang nakakaalam sa pagiging romance writer ko. Bakit? Mahirap ipaliwanag eh kaya mas madaling sabihing it's complicated. Parang relationship status lang.

Bakit mahilig akong magpost ng mga corny pick-up lines?
Alam kong medyo nakakainis ang ilang mga corny na jokes at pick-up lines. But admit it, they are catchy and sometimes clever. Sa totoo lang ay napapagana ng mga kakornihang iyon ang utak ko minsan. Hindi ko din maipaliwanag pero basta nakakatulong sila sa pagpupush ko sa sarili na maging creative. I don't know, it's really weird.

Bakit palagi na lang akong dear ng dear?
Ewan ko lang kung napapansin niyo pero madalas na ginagamit ko ang endearment na dear. Wala lang, pa-konyo effect lang. LOL! Seriously, I honestly don't know. Nasanay lang siguro ako. That's how I address some people in real life. I guess nadadala ko na hanggang sa online world.

Bakit ba toinks ako ng toinks?
Ano ba 'yung toinks? 'Yun 'yung sound na napro-produce kapag may tinusok kang bagay. LOL! Ewan ko din kung bakit ko palaging ginagamit 'yan. Basta nakasanayan ko na. Parang nyee o kaya ngee. Mas gusto ko ang toinks. Para unique.

Bakit ang inglesera at pakonyo ako kung minsan?
Minsan lang ba? Parang palagi naman, LOL! Ipagpaumanhin niyo po ang kaartehan ko. Ganyan lang talaga ako magsalita. May mga bagay kasi na mas madaling sinasabi sa wikang Ingles. May mga salita din na mas magaan ang dating kapag Ingles. At lalong may mga bagay na mas specific ang pagkakasabi kapag Ingles ang gamit. Isa pa, mas madaling i-type ang Ingles.

Bakit ang tagal kong i-update ang Overhauled Reject posts ko?
Sorry po sa mga nag-aabang sa mga susunod na mangyayari kina Hunter at Dan. Don't worry, I'm in the process of editing. Medyo nadedelay lang dahil naiistorbo ako ng tunay na buhay. Hay!

Ano pa ba? Hmm... wala na akong maisip. Next time na lang uli. Pwede pala kayong magsuggest ng tanong na pwede kong sagutin. Just in case you want to. Toinks!

Comments