My Kilig Trigger

Bawat isa sa atin ay may romantic bone sa katawan. Ang iba siguro ay kinalimutan na o ayaw pansinin iyon pero siguradong mayroon at mayroong isang bagay na talaga namang makakapagpakilig sa bawat isa sa atin. Ang tawag ko dito ay "kilig trigger."

Ano ba ang ibig kong sabihin sa term na 'yan? Well, tulad nga ng nabanggit ko sa umpisa, ito 'yung mga bagay na madaling magpakilig. Halimbawa na lang ay isang napakagandang love song, o kaya naman ay maiksing kwento, pelikula, o tao. As for me, may isa talaga akong ultimate kilig trigger. Iyon ay isang magandang sayaw.

The Moves
Up until a few years ago ay member ako ng isang dance troupe sa school. The reason kung bakit hindi na ako member ay dahil grumaduate na ako, hehe. Pero kahit na ganoon pa man, mahilig pa rin akong sumayaw... sa loob ng kuwarto, sa CR, sa bahay, at kung saan-saan pang maisipan ko. Anyway, kahit noon pa man kapag nakakapanood ako ng isang magandang dance performance ay talaga naman parang biglang nagsha-shut-off ang kakayahan kong makapansin ng ibang bagay maliban sa pinapanood kong sayaw. It didn't matter kung nasaan ako at kung ano ang ginagawa ko. If it's an amazing dance, I'm all eyes and ears.


Some of my friends and classmates thought it was weird. Lalo na kapag hindi na ako tumigil sa kakapuri at kakakwento tungkol sa mga moves na nagustuhan ko. Minsan daw parang nagmumukha na din akong ewan sa kakangiti habang nanonood. Syempre hindi ko napapansin 'yon. LOL! Isa pa, dahil kinikilig ako kapag nakakapanood ako ng magandang sayaw, talaga namang may kasama pa iyon kilig dance. Ang kilig dance ay binubuo ng pagsasalikop ng mga kamay habang kinikilig na pinapagalaw-galaw ang mga balikat na minsan ay may kasamang pagtalon-talon habang gumagawa ng "squeeing" sound.

It's not easy to explain why I act that way towards a dance. Some people simply don't understand it. Pero naa-appreciate ko talaga ng husto ang isang magandang choreography lalo na kapag maganda ang musicality, creative ang mga moves, at siyempre pa original iyon. I can basically say that there are two things in life that I'm most passionate about, it's writing and dance.

The Dances
 I always find it hard to explain to other people why I'm so fascinated and sometimes obsessed about dance. Para sa mga taong hindi maihilig sa performing arts, hindi talaga nila maiintindihan iyon. Para sa akin, ang pagsasayaw ay isang uri ng expression. It expresses emotions in the same manner that a painting or a song does. Bilang isang dancer, itinuturing ko itong outlet ng mga nararamdaman ko. Dancing makes me feel good. And watching it makes me relax.

Para mas madaling ipaliwanag, mas mabuti pang ipakita ko na lang kung ano ba ang ibig kong sabihin. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sayaw na talaga namang kinikilig ako sa tuwing mapapanood ko.

 Collide by Howie Day
Dancers:Lauren and Kent from So You Think You Can Dance Season 7
Credits to mtrip612 for the video.
  
If It Kills Me by Jason Mraz
Dancers: Jeanine and Jason from So You Think You Can Dance Season 5
Credits to pennyPm5 for the video.

Cater to You by Destiny's Child
Dancers: ReQuest Dance Crew
Credits to ReQuest Dance Crew for the video.

2 Steps Away by Patti LaBelle
Dancers: Kathryn and Legacy from So You Think You Can Dance Season 6
Credits to userwithnoname08 fro the video.

Mad by Ne-Yo
Dancers: Jeanine and Phillip from So You Think You Can Dance Season 5
 
Credits to Xtazy03 for the video.

There are just so many dances that I love. Ito na muna for now. I'll make a post about the others some other time.

Comments