Sunblock, A Writing Necessity

Photo from Women's Health Magazine

Yes, sunblock is a writing necessity. Katulad ng computer, ang sunblock ay isa pa sa mga bagay na dapat ay mayroon ang isang writer.

Photo from Ubergizmo
Ako, bilang writer, palagi akong nakababad sa harap ng computer. Walang pinipiling oras ang pagsusulat. Kahit pa umaga, tanghali, gabi, o madaling-araw, kapag may ideyang pumasok sa aking isip ay mas mabuti nang isulat iyon. Isa pa ay hindi ko din mapipigilan ang sarili kapag talagang maganda ang flow ng mga ideas. I just have to take advantage of it and write as many as I can. Minsan pa, kahit wala naman akong maisulat ay nakababad parin ako sa harap ng computer at nagbabakasakali na bigla akong ma-inspire.


The Sunblock Realization
Isang araw, dahil sa haba ng oras na ini-spend ko sa harap ng computer, napansin ko na sobrang oily ng mukha ko. Iyong oily na hindi na normal. I don't normally have very oily skin. Pero nang araw na iyon ay pwede na talagang magprito sa ilong ko. Pagkatapos ay napansin ko din na nangingitim ang aking ilong at pisngi. Dahil diyan ay naisipan kong magpafacial.

Pagdating sa aking suking facial center, habang kakwentuhan ang aking suking tagafacial, nabanggit niya sa akin na parang nadamage daw ang skin ko. At kahit wala pa akong sinasabi, bigla na lang niya akong tinanong kung palagi daw ba akong nagco-computer. Ang sabi ko oo dahil kailangan iyon sa work ko. Nang mga panahong ito pala ay may regular job pa ako sa isang opisina na nagre-require din sa akin upang humarap sa computer maghapon. Pagkatapos ay magcocomputer uli ako sa bahay pagkauwi.
Photo from The Times

So tinanong ko kay Tere, siya iyong suking tagafacial ko, kung bakit niya natanong. Ang sabi niya sa akin ay nahalata daw niya sa face ko. Madami na daw siyang nahawakan mukha na ganito din ang case. Noon niya ako binigyan ng advice na gumamit parin ng sunblock kahit na hindi ako lumalabas at gumagamit lang ako ng computer sa loob ng bahay. At gumamit parin ako ng sunblock sa mukha kahit pa gabi na. True enough, nabawasan ang pagdarken ng ilong at pisngi ko. Hindi na din ako kasing oily.

Why Oh, Why?
Ang mga computer screens ay nag-e-emit ng radiation. Although advanced na ang technology natin ngayon at mayroon ng mga LCD, LED, at anti-glare o anti-radiation screen ay hindi parin maiiwasan na ma-expose tayo sa ine-emit nitong radiation. Ang mga LED, LCD, at laptop screen ay mas mababa ang ine-emit kompara sa makalumang CRT. Pero hindi ibig sabihin niyon na wala na itong ine-emit. Ang mga anti-glare at anti-radiation screen naman ay nakakabawas din. Finifilter nito ang ilan sa mga radiation na inilalabas ng screen, ngunit hindi din nito 100 percent na naba-block talaga ang lahat ng radiation.

Granted na mababa lang ang radiation na inilalabas ng mga computer screen, pero ang isa sa mga importanteng factors na dapat nating i-consider ay ang oras ng exposure. Bilang writer, hindi natin pwedeng i-limit ang ating mga sarili sa fixed na oras ng paggamit ng computer per day. When an idea strikes, we need to write it down immediately. At habang nasa mood pa tayo, mas mabuti na 'wag ng tumigil at ituloy-tuloy lang ang pagsusulat.

Tulad ng nasabi ko sa umpisa, walang pinipiling oras ang pagsusulat. Bilang writer, ayoko din naman na isakripisyo ang mga ideas ko dahil lang ayokong ma-expose sa harap ng computer ng masyadong matagal. Ngunit ayoko din namang isakripisyo ang balat ko para lang makatapos ng manuscript. So the best compromise is to wear sunblock.

Isa pang dapat isipin ay ang proximity ng ating mga mukha sa computer screen. Hindi ko alam kung applicable ito sa ibang tao pero para sa akin, minsan I have the tendency to look really close to my computer screen.

Rationale
Photo from Beaut.ie
I know that this sounds too narcissistic. But I am a woman and I owe it to myself to look beautiful. Para sa akin ang pagpapaganda ay privilege ng mga babae. Nobody can fault me if I want to look beautiful for myself. Bilang writer, hindi naman masama na gugustuhin kong magkaroon ng magandang skin. Hindi dahil nagmamadali akong matapos ang aking manuscript ay pababayaan ko na din ang aking sarili. Malay natin mapasama ako sa writer's mall tour five years from now. :)) LOL!


Ang paggamit ng sunblock ay hindi lang upang mapanatiling maputi at makinis ang ating balat. Nakakatulong din ito upang mabawasan ang pag-age ng ating balat. Kaya naman ugaliing gumamit ng sunblock kahit na nasa bahay lang o gabi na pero gumagamit parin ng computer.

Comments

  1. Replies
    1. You're welcome, Yasmin! Thanks for visiting :)

      Delete
  2. tnx ate kensi..... agree ako sa sinabi ni ate Yasmin Joo! :) gusto ko lang itanong kung ano ung SUN BLOCK na ginamit moh? hhehhhh :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Any kind or brand of sunblock dear :)) As for me I usually buy at the Face Shop :)

      Delete

Post a Comment