Ang pagsusulat ng isang romance novel ay hindi mahirap gawin. Pero hindi ibig sabihin na madali na ito. The thing is, may mga bagay na kailangang tandaan para mapadali ang pagsusulat. Sabi nga ng mga eksperto sa larangang ito, mayroong tinatawag na "Romance Formula."
Maraming bersiyon ang romance formula na ito. Pero para sa akin ay may isang formula na talagang effective. Ang tawag ko dito ay "modern-day Cinderella formula."
Lahat naman tayo ay pamilyar sa kwento ni Cinderella kaya hindi ko na iyon babanggitin pa. Magfocus tayo sa aking modern-day Cinderella formula.
Credits to Disney |
Una sa lahat, sa panahon ngayon, naniniwala akong wala ng full-pledged Cinderella sa mundo. Iyon bang hahayaan niya ang kanyang sarili na maging kaawa-awang alipin. O kaya naman ay aasa na lang sa isang fairy godmother at maghihintay na lang sa pagdating ng kanyang Prince Charming. Dahil nasa bagong makabagong henerasyon na tayo, dapat lang na maging modern na din si Cinderella.
Ano ang mayroon kay Cinderella na wala sa ibang fairy tale princesses?
Credits to Adventures of a Real-Live Disney Nerd |
Bakit si Cinderella ang napili ko? Pwede namang si Snow White o si Sleeping Beauty. Well, personally, naniniwala ako na mayroong Cinderella sa bawat babae. Ang ibig kong sabihin dito ay lahat ng mga babae, kahit na nasaan pa siya, kahit na ano ang kanyang edad at katayuan sa buhay, at kahit na hindi niya aminin, deep inside ay nandoon ang paghahangad na sana isang araw ay makilala niya ang kanyang Prince Charming.
Ano ang mga katangian ni Cinderella na importante sa isang romance novel?
Ang mga sagot sa tanong na ito ay maaari ding sagot sa kung bakit si Cinderella ang napili ko at hindi ibang fairy tale princess.
- Si Cinderella ay may mabuting kalooban at konsiyensiya. Sa isang romance novel, palagi 'yan, lalong mahuhulog ang loob ni bidang lalaki kay bidang babae kapag nakita niya kung gaano kabuti si bidang babae.
- Si Cinderella ay masipag at maprinsipyo. Ang mga katangiang ito ay ilan din sa mga bagay na makakakuha ng pansin ni bidang lalaki.
- Si Cinderella ay palakaibigan. Mahuhuli ni bidang babae ang loob ng bawat kapamilya, kaibigan, katrabaho, at kahit na sinong tao na nasa buhay ni bidang lalaki.
Bakit ang istorya ni Cinderella ang napili ko at hindi ang iba pang fairy tales?
Ito ay dahil naniniwala ako na ang bawat romance novel ay mayroong touch ng istorya ni Cinderella. Kung iyong pag-aaralan ng mas masusi, mapapansin mong ang mga romance novels na nababasa natin ay maihahalintulad kay Cinderella sa maraming paraan.
Si bidang babae ay isang simpleng tao lamang samantalang si bidang lalaki ay kadalasang mayaman, may mataas na pinag-aralan, may magandang trabaho, at nagmula sa isang mabuting pamilya. Si bidang lalaki ay hinahangaan ng karamihan dahil sa taglay nitong kakisigan at talino. Madaming magagandang babaeng nakapaligid kay bidang lalaki ngunit titibok lang ang puso niya para kay bidang babae. Iba-ibang klaseng pagsubok ang pagdadaanan nina bidang babae at bidang lalaki. Pwedeng ihalintulad ang kanyang evil stepmom at stepsisters sa mga kontrabida sa pagmamahalan ng dalawang bida. At sa bawat istorya, mayroon at mayroon 'yung isang tao o mga taong aakto bilang fairy godmother, pwedeng kaibigan, kapamilya, o kahit na sino, na siyang tutulong upang magkasama ang mga bida. And in the end, they will live happily ever after.
PS. The Cinderella snaps are from the TV series "Once Upon A Time."
PPS. I love that show! <3