Popular Break-up Lines

Pagdating sa pagkabigo sa pag-ibig, lahat tayo ay pantay-pantay lang. Walang mayaman at walang mahirap. Walang baduy at walang sosyal. Walang lokal at walang imported. Mapa-artista, estudyante, matanda, teenager, babae, lalaki, bading, tomboy, in-between, chickboy, torpe, foreigner at kung anu-ano pa, walang kawala sa mga matitinik at walang kamatayang break-up lines na ito:



Credits to Leon Ryan
It's not you, it's me!
Sabihin niyo nga sa akin, sino ang hindi nakakaalam sa napakapopular at medyo nakakainis na break-up line na ito? Hindi mo alam kung sasampalin o iiwan mo na lang ang taong bigla na lang magsasabi ng ganito. Sa totoo lang sa sobrang sikat ng linyang ito, kahit hindi tungkol sa pakikipagbreak ay ginagamit na din ito. Kaya naman gamit na gamit na ang mga salitang 'yan. Gasgas na gasgas na. Pudpod na pudpod na. So please, sana naman, maging creative sa pakikipagbreak. Mag-isip ka naman ng mas original na linya. Para kasing kapag sinabi mo 'yan sa girlfriend/boyfriend mo na soon to be ex ay baka bigla kang ipa-salvage ng wala sa oras. Okay, enough said!




Credits to Meme Generator

Let's just be friends.
Madaming variation ang break-up line na ito. Minsan ganito ang pagkakasabi: "I think we're better off as friends," in Filipino "mas mabuti kung magiging magkaibigan na lang tayo." Kahit na paano pa sinabi, ang bottomline ay mas gusto niyang maging friends na lang daw kayo. Ang sarap sabihin na, "madami na akong friends. Hindi ko na kailangan ng isa pa!" o kaya "i-friends mo ang mukha mo!" Seriously? Sino pa ang gustong makipagkaibigan sa taong nakipagbreak sa'yo? This is a very hypocritical thing to say and do. 'Wag mong sabihin na magiging close friends pa kayo tapos magshe-share ng kanya-kanyang kwento tungkol sa mga future love interests niyo. Ow come on!





Telle Mayy

You deserve someone better.
"Pagkatapos ng linyang yan? O yes, I do deserve someone better!" Hindi mo alam kung gusto lang niyang pagaanin ang break-up sa pagsasabing napakabuti mo para sa kanya o talagang wala na siyang maisip na sabihin. In a way ay nakakagaan nga ng pakiramdam ang mga salitang yan pero sana naman gumamit siya ng mas original na linya. Itong linyang ito ay madalas kong napapanood sa mga foreign movies at shows pero unti-unti na din itong sumisikat sa Pinas. Siguro ay dahil tunog sosyal siya? Pero pagdating sa break-up, walang sosyal na linya, lahat sila ay masakit at nakakainis!




I need space.
"Kung gusto mo ng space, hayan magfeeling astronaut ka!"
Itong I need space na ito ay isa pang walang kamatayang break-up line. Hindi mo alam kung may katangahan lang talaga ang taong pinili mong mahalin dahil wala man lang siyang maisip na mas magandang dahilan. Space? Letseng space naman 'yan! Sino ba kasi ang nakaimbento ng salitang 'yan? Aba napakarami ng naperwisyo ng space na yan ah! Puro na lang space. Hindi ba pwedeng ibang heavenly bodies naman? *pause* weh? Ay naku, nakakabobo yata talaga ang pagsasabi ng I need space.




"Heto ang magnifying glass para makapagfocus
ka ng husto!
"
I need to focus on...
Ito naman depende sa kung ano ang hilig ng boyfriend/girlfriend mo na soon to be ex. Pwedeng "I need to focus on my work," o kaya naman "I need to focus on my career," o pwede ding "I need to focus on my studies." Aba kasalanan mo pa ba na hindi siya makapagfocus? Hindi ba pwedeng may problema lang talaga siya sa kanyang kakayahang magfocus kaya nadidistract siya sa trabaho o sa pag-aaral? Hindi ba dapat gawing inspirasyon ang iyong mahal sa buhay? Bakit ngayon ay babanatan ka ng mga ganyang salita? Excuses, excuses!