Fangirling over Daniel Padilla

Bihira akong pumuri at magkagusto sa mga batang artista sa Pinas. Para sa akin, hindi lahat sa kanila ay mayroong tunay na talento. Noong una kong makita si Daniel Padilla sa TV, inisip ko agad na kaya lang siya nakapasok sa showbiz ay dahil sa pagiging Padilla niya. Sa totoo lang ay hindi ako bilib sa kanya noong una. Pero ngayon, kinakain ko na ang mga salita ko.

Hayaan niyo akong simulan ang aking pagfa-fangirl sa pagsasabing bilang isang babae, mayroon akong karapatan na magbago ng isip. *ngisi*

Kung anumang hindi magandang komento ang nasabi ko noon tungkol kay Daniel Padilla ay binabawi ko na ang mga iyon. I must say, the boy is absolutely charming. I think he is simply a leading man in the making. Plus points pa ang pagkakaroon niya ng magandang boses. Ang boses niya ay hindi 'yung pangbirit na boses. Pero talaga namang nakaka-in love. 'Yun bang klase ng boses na gusto mong marinig sa labas ng bahay habang nanghaharana. LOL!



Pakinggan ang nakakakilig na boses ni Daniel Padilla sa baba.
(Prinsesa by Daniel Padilla)


videokeman mp3
Prinsesa – Daniel Padilla Song Lyrics