“Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti…” naririnig ko ang intro ng Paglisan, umaga na yata at nagpapatugtog na ang kapitbahay namin ng radyo. Bumangon na ako sa kama ko at lumapit sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw at parang naririnig ko pa ang mga ibong nagsisipag-awitan. Hmm… huminga ako ng malalim. Ewan ko ba pero parang napakasaya ng umaga ko. Ang gaan-gaan nga ng pakiramdam ko eh, para bang hangin.
Naglakad ako palabas ng kuwarto na para bang lumulutang ang pakiramdam ko. Ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam ko na parang wala ako ni isang problema. Basta masaya ako, walang pwedeng kumontra!
Naligo ako, nagbihis, at kumain ng almusal. Tapos hinanap ko ang kotse ko. Bakit wala sa garahe? Nagtaka nga ako. Ah, baka itinakas nanaman ng kapatid ko. Pero okay lang, magko-commute na lang ako.
Napalinga ako sa paligid, napakatahimik. Nasan nga pala ang mommy at daddy ko? Si Kuya? Pati na ang kapatid kong makulit? Wala silang lahat nang magising ako pero hinayaan ko na lang. Magkikita-kita rin naman kami mamaya.
Nasa harap na ako ng building na pinagtratrabahuhan ko. Dumukot ako ng pera sa wallet ko para magbayad sa taxi. Pagbukas ko ng wallet ko nakita ko ang isang litrato. Litrato niya iyon. Basta ‘Siya’ yun. Yung bestfriend ko.
Pumasok ako sa opisina, nagtaka ako dahil hindi man lang ako binati ng guwardya. Baka hindi niya lang ako napansin. Dumiretso ako sa opisina, nagtaka akong muli… Bakit walang tao? May pasok naman ngayon ah. Lunes na lunes nga eh at kung tutuusin ay late na ako.
Lumabas ako ng building, nagtataka pa rin. Naisipan ko na lang na mamasyal. Binuksan kong muli ang wallet ko upang kumuha ng pera. At doon nakita kong muli ang litrato niya. Litrato ng bestfriend ko. Ng nag-iisang lalaking minahal ko.
Pero siyempre hindi niya alam. Natatakot akong malaman niya. Baka layuan niya ako. Baka hindi niya maintindihan… baka hindi ko makayanan pag nangyari yun dahil mahal ko siya at magkaibigan kami… magkaibigan lang…
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa simbahan. Maraming tao, umiiyak… naisip ko kaagad na may namatay. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tapos may batang dumaan at lumapit sa akin. Nagtitinda siya ng bulaklak. Bumili ako ng mga puting rose, favorite ko kasi yun eh.
Binuksan kong muli ang wallet ko para kumuha ng pera. Nakita kong muli ang litrato niya. Napabuntong-hininga lang ako. Iniabot ko sa bata ang pera, sabi ko nga keep-the-change. Ngumiti sa akin ang bata. Napakasaya niya sa simpleng bagay na ginawa ko para sa kanya.
Bigla tuloy akong nainggit sa kanya. Kung sana magiging masaya rin ako. Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko, “Masaya ba ako?” Hindi ko iyon nasagot agad. Tapos na ako sa pag-aaral, may magandang trabaho, at kinabukasan. Pero hindi ko mapiga sa puso ko ang kasiyahan. Alam ko merong kulang. Oo! Meron nga! Siya yun! Alam niyo na, yung bestfriend ko. Yung bestfriend kong mahal na mahal ko higit pa don.
Pero naisip kong bigla, pwede naman akong maging masaya diba? Kung gugustuhin ko lang. Isa lang naman ang solusyon eh… ang sabihin sa kanya ang lahat…
Tiningnan ko ang mga bulaklak, napakaganda ng mga ito, napakabango… sa pagtitig ko dito tila nakahingi ako ng konting pag-asa at lakas ng loob. Nayakap kong bigla ang mga rosas. Bakit nga ba hindi ko sabihin? Baka ito na nga lang talaga ang natitirang paraan. Oo, kailangan kong gawin. Ngayon higit kailan pa man hindi ko ito kailangang palagpasin. At nakapagpasya nga ako. Pupuntahan ko siya… sasabihin ko na. Ilang beses ko na rin namang sinubukan eh. Pero sa tuwing susubukan ko bigla ko na lang nakikita ang galit sa kanyang mga mata. Alam ko imahinasyon ko lamang iyon pero parang totoo at natatakot ako. Ngunit ngayon, wala na akong pakialam. Hindi na baleng hindi niya maintindihan, hindi na baleng magalit siya, hindi na baleng layuan niya ako. Basta alam ko sa sarili ko, gumawa ako ng paraan. Bastat malaman lang niya, okay na.
“Kung ang lahat ay may katapusan, itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan. At sayong paglisan ang tanging pabaon ko ay pag-ibig.” Yan nanaman ang kanta galing sa simbahan. Napatingin tuloy ako doon.
Parang kilala ko yun ah! Isang lalaking nakaupo sa isang bench malapit sa pinto ng simbahan. Nakatalikod siya sa akin pero nakilala ko pa rin siya. Hindi ako maaaring magkamali. Siya yun! Yung lalaking mahal ko. Ganun naman daw talaga, db? Bastat tungkol sa mahal mo hinding-hindi mo makakalimutan. Likod pa nga lang eh, alam na alam ko nang siya nga yun.
Naglakad ako palapit sa kanya. Mabuti nga yun eh hindi ko na siya kailangang puntahan sa opisina niya. Pwede ko na siyang kausapin dito. Malapit na ako sa kanya ng marinig kong nagsasalita siya. Wala naman siyang kausap, wala ring hawak na cell phone. Naglakad pa ako palapit sa kanya. Nakita ko may hawak siyang litrato. Parang kilala ko yung nasa litrato. Parang… ako yun! Litrato ko ang hinahawakan niya! Pinakinggan ko ang sinasabi niya…
“…sinungaling ka! Napaka-unfair mo! Akala ko ba walang iwanan. Sumpaan natin yun db? Bakit ngayon iniwan mo na ako? Sa dinami-dami naman ng panahon bakit ngayon pa? Kung kailan nagkaroon na ako ng sapat na lakas ng loob para sabihin sa’yong mahal na mahal kita. Kung kailan na-realize ko na ikaw pala yung isang taong hinding-hindi ko kayang mabuhay ng wala. Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko. Nagsisisi tuloy ako dahil hindi ko pa sinabi sayo noon, kung kailan nagkaroon na ako ng pagkakataon. Alam mo natatakot kasi ako eh. Natatakot akong mawala ka sa akin kaya mas pinili kong wag sabihin sayo basta ba nandyan ka. Pero hindi ko rin pala kaya. Lalo lang akong nahihirapan sa tuwing nakikita kitang nasa tabi ko lang pero parang napakalayo mo. Parang hindi kita maabot.”
Naguluhan ako sa mga sinasabi niya. Bakit niya sinasabi ito? Bakit niya kinakausap ang litrato ko habang umiiyak? Pumunta ako sa harapan niya. Tinawag ko ang pangalan niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing nandito lang ako para sa kanya. Gusto ko siyang halikan upang mawala ang lungkot sa mga mata niya, upang huminto ang daloy ng mga luhang nagmumula don.
Tinangka kong hawakan siya pero hindi nangyari. Tumagos lang ang mga palad ko sa pisngi niya. Bakit ganito? Bigla siyang tumayo at sa gulat ko nilampasan lang niya akong tila ba wala ako roon, na isa lamang akong hangin. Natakot ako. Bigla napatakbo ako sa loob ng simbahan. At doon nakita ko nga ang isang kabaong. Nandun din ang mommy at daddy ko, si Kuya, at ang kapatid ko. Umiiyak sila. Sa kabilang panig ng simbahan nakita ko ang mga kasamahan ko sa trabaho. Nakadamit silang lahat ng itim. Natakot nanaman ako. Ano ba ang nangyayari? Bakit hindi ko man lang nalaman ang tungkol dito? Lumapit ako sa kabaong at sumulyap. At halos mapasigaw ako sa nakita ko! Nang oras na iyon hindi ko na namalayan na punong-puno na pala ng luha ang mukha ko! Lumapit ako sa pamilya ko at sinubukan ko silang yakapin pero hindi nanaman nangyari.
Sa sama ng loob ko tumakbo ako palabas ng simbahan. Nakita ko siyang muli doon. May hawak na dyaryo, bigla niya iyong nilukot at tinapon. Ewan ko kung sinasadya ng tadhana pero parang slow motion na inihangin yung dyaryo patungo sa kinatatayuan ko. At hindi ko din maintindihan kung bakit parang nananadya talaga ang panahon habang nakaharap sakin ngayon ang mga letrang nakasulat sa isang pahina ng dyaryo. Lalo lang akong umiyak. Nakita ko ang litrato ng isang sasakyan na wasak-wasak! Akin yun! Sa itsura nito para bang nadaanan ng ten-wheeler truck. Nandun pa rin siya. Umiiyak… kinakausap ang litrato ko. Lumapit akong muli sa kanya. Narinig kong muli ang sabi niya…
“…mahal na mahal kita. Hindi ko talaga malaman kung paano sasabihin sayo yun noon. Pero ngayong desidido na akong sabihin sayo saka naman nangyari ito. Hindi ko man lang nasabi sayo. Kasi hindi ko pala kaya, dahil masakit pala ang ganito, yung nakikita mo ang mahal mo na nasa tabi mo lang pero hindi mo naman siya mahawakan. Parang ang hirap niyang abutin? Alam mo yon…?”
Oo, alam ko yun! Ang tanging nasabi ko habang umiiyak pa rin. Bakit kung kailan abot-kamay ko na lang ang lahat saka pa nangyaring hindi na pala pwede? Kung kailan magkakaroon na ng kaganapan ang kasiyahan ko saka naman ako nawala? Sana sinabi ko na noon pa sa kanya, di sana naging masaya kami. Kung sana nagkaroon lang ako ng lakas ng loob. Kung maaari ko lang sanang maibalik ang nakaraan. Sana, sana… hanggang don na lang yon, isang hiling na ibinubulong ko ngayon sa hangin…
PS. I wrote this short story when I was in third year high school. During that time, these kinds of stories were so popular. So i decided to write one myself.

Comments
Post a Comment