Sa pagsusulat ng tagalog romance novel, napakaimportante na magkaroon ng ka-inlove-inlove na Hero. Kapag sinabing Hero, siya 'yung bidang lalaki. Siyempre dapat siya ang magiging representation ng modern day Prince Charming. So, anu-ano nga ba ang mga importanteng katangian ng isang Hero?
Ang mga katangiang tinutukoy ko ay maaaring mahati sa dalawang kategorya: ang una ay ang mga mandatory at ang pangalawa ay ang hindi mandatory. Ang mga katangiang babanggitin ko dito ay ppuro mandatory.
In relation to having the required material things, importante din na galante si Hero. Dapat sa mamahaling restaurant niya ide-date si bidang babae. Kapag nagbigay siya ng bulaklak at regalo, dapat 'yung mga mamahalin. Kasama na dito ang pagkakaroon nito ng ugali na para bang galit lang ito sa pera kung gumastos. Iyon bang wala itong pakialam kung magkano ang isang bagay basta para kay bidang babae.
4. Gentleman
1. Mayaman
Credits to owner |
Ang pinaka-una at pinaka-importanteng katangian ng Hero ay dapat nakaaangat siya sa buhay. Hindi naman niya kailangang maging pinakamayaman sa bansa. Kailangan lang ay mayroon siyang magandang trabaho o negosyo. Siyempre dapat may naipundar na siyang bahay o kaya naman ay condo at townhouse. Ang importante ay hindi na siya nakatira sa bahay ng mga magulang niya. Kung sakali mang nandoon parin siya sa bahay ng pamilya niya nakatira, dapat ay isang ancestral house iyon. 'Yun bang tipong ipinamana pa dito ng mga ninuno nito. Maliban sa bahay, dapat din ay may kotse ito. Siyempre paano ba niya maisasama sa isang date ang bidang babae kung wala siyang kotse. Hindi naman kailangan na ang kotse nito ay ang pinakamahal na kotse, ang importante ay may kotse ito. Maliban sa kotse, maaari ding mamahaling motorsiklo ang pag-aari nito.
In relation to having the required material things, importante din na galante si Hero. Dapat sa mamahaling restaurant niya ide-date si bidang babae. Kapag nagbigay siya ng bulaklak at regalo, dapat 'yung mga mamahalin. Kasama na dito ang pagkakaroon nito ng ugali na para bang galit lang ito sa pera kung gumastos. Iyon bang wala itong pakialam kung magkano ang isang bagay basta para kay bidang babae.
2. Guwapo
Hindi naman niya kailangan maging pinakaguwapo. Basta ang importante ay guwapo siya sa paningin ng bidang babae at sa mga maraming tao. Dapat may mga pisikal na katangian itong nakaaangat sa pangkaraniwang lalaki. Halimbawa, mas matangkad ito kumpara sa iba, maganda ang mga mata nito, at napakaguwapo ng ngiti nito.
Kaakibat ng pagiging guwapo ang pagiging sikat. Importante na kilala ito sa sirkulasyong kinabibilangan nito. Maaaring kilala ito bilang isang magaling na negosyante. Pwede din sikat ito sa mga babae dahil sa taglay nitong kagandahang lalaki. Pero kahit pa gaano ito kasikat, dapat iisang babae lang ang magiging apple of the eyes nito. At iyon nga ang bidang babae.
3. Matalino
Importanteng importante na si Hero ay matalino. Siyempre it follows na dapat nakapagtapos ito ng kolehiyo sa isang magandang unibersidad. Pwede din na sa ibang bansa pa ito nag-aral. Hindi naman required na dapat grumaduate ito with honors pero dapat at least isa nasa upper 10 percent ito ng klase.
Kapag sinabi nating matalino, hindi lang ito tungkol sa pagkakaroon ng college degree. Dapat din ay maparaan ito at maabilidad sa buhay. Dapat kayang-kaya nitong lusutan ang kahit na ano pang problemang dumating dito sa trabaho para naman mas lalo siyang ka-inlove-inlove.
4. Gentleman
Si Hero ay dapat na magalang sa nakatatanda at sa lahat ng kababaihan. Kahit pa maldita ang kontrabidang babae ay gentleman parin si Hero. Sa katunayan, isa ito sa mga kadalasang dahilan kung bakit hindi agad sila nagkakaintindihan ng bidang babae. Masyado kasi itong mabait sa mga babae. Pero siyempre isa din ito sa dahilan kung bakit maiinlove agad ang bidang babae kay Hero. Pwede kasi na kahit pa sinusungit-sungitan na si Hero ay gentleman parin. At syempre pa, dapat mahuhuli nito ang loob ng mga family members ng bidang babae, lalo na ang nanay nito, lola, at mga kapatid na babae.
5. Charming
Si Hero ay dapat na mayroong hindi matatawarang charms. Iyon bang tipong kahit mga bading, matrona, at lola ay kayang-kaya nitong pangitiin. Kung si bidang babae ay iyong tipo na masungit at medyo pa-hard to get, importanteng mayroong nakaka-kisay-kisay at nakakakilig na ngiti si Hero. Ang charms ay hindi basta-basta nakukuha kung saan. Dapat ay innate ito. Ibig sabihin, natural na katangian iyon. Kaya si Hero ay dapat may natural na charms na kahit wala itong gawin, sapat na ang presensiya nito para maramdaman ni bidang babae ang kilig.
6. Playboy
Kapag sinabing playboy, hindi ibig sabihin na intensiyonal na madami itong girlfriends. Pwedeng palagi lang itong nilalapitan ng mga babae. Pwede din na ang mga babae ang nagpapakalat na girlfriends sila ng Hero pero ang totoo ay hindi naman pala.
Kailangan ding linawin na ang pagiging playboy ay iba sa pagiging two-timer. Dapat si Hero, kahit na kabi-kabila ang dinedate na babae ay si bidang babae parin ang natatanging laman ng kanyang isip at puso. Maaaring magkaroon ng mga pagkakataon na hindi ito makakaiwas sa ibang babae. O kaya naman ay kinakailangan nitong tumulong sa ibang babae. Pero dapat si bidang babae parin ang natatanging mahal niya. Saka pwede din na matagal na talaga itong walang girlfriend, tipong years na. Pero dahil sa madaming babae ang lumalapit dito, ay namimisinterpret iyon ng iba.
7. Torpe
Dahil nga guwapo, mayaman, at habulin ng mga babae si Hero, ang consequence niyon ay naging torpe ito. Sa dinami-dami ng babaeng lumalapit dito at nagpri-prisintang maging girlfriend nito, pagdating kay bidang babae ay hindi nito alam kung paano manliligaw. Hindi din niya alam kung paano ipaparamdam kay bidang babae ang tunay niyang saloobin dahil nga hindi siya sanay.
Comments
Post a Comment