Isa sa mga matitinding pagsubok na kinakailangan kong pagdaanan sa tuwing magsisimula akong magsulat ng isang nobela ay ang pag-iisip ng plot. Ang sabi sa akin ng isa kong kaibigan at kapwa romance writer, importante daw na ang plot ay bago. Pero sa totoo lang sa tingin ko naman ay wala talagang bagong plot. Ang pinaka-challenge doon ay nasa kakayahan kong gawing tunog bago ang isang plot na medyo gasgas na. Ano ang mga tinutukoy ko? Tulad na lang halimbawa ng mga sumusunod:
1. Bestfriends/Friends na Nagka-in-love-an
Mapapelikula, kanta, tula, sanaysay, painting, at kung anu-ano pang klase ng sining biswal o isinusulat. Kadalasan na nangyayari dito ay in love na pala 'yung isa sa isa pa pero hindi maamin dahil sa napakaraming kadahilanan. Tipong inaabot na ng taon bago pa magkaroon ng lakas ng loob ang isa man sa kanila upang aminin ang tunay na nararamdaman.
Maaaring gasgas na nga ang plot na ito pero sa tingin ko ay hindi pa rin ito naluluma. Dahil sa totoong buhay, nangyayari parin talaga ito. Siguradong madami diyan sa tabi-tabi ang makaka-relate, ika nga, sa ganitong klase ng istorya. Madami talaga sa atin ang nakaranas o nakararanas parin hanggang ngayon na magkaroon ng lihim na pagtingin doon sa isang taong araw-araw man nating nakakausap ay hindi naman natin magawang pagsabihan ng ating tunay na nararamdaman. At tuwing gabi bago matulog, mahihiga tayo sa kama at mangangarap na sana kahit sa panaginip lang ay malaya tayong maipadama ang tunay na itinitubok ng ating mga puso.
2. Magkaaway na Nagkagustuhan (Enemies Turned Lovers)
Oh, yeah! Tough love, kumbaga. Para sa akin isa ito sa mga pinaka-exciting na plot. Luma na talaga ito kung tutuusin pero hindi parin kumukupas ang effect. Exciting talaga ang ganitong plot. 'Yun bang magsisimula 'yung mga bida na ni ayaw mag-usap tapos sa huli sila din pala ang magkakatuluyan.Personally, nage-enjoy akong magbasa ng mga ganitong klase ng istorya.Sa tingin ko hit na hit ang plot na ito dahil nakakakilig talaga 'yun mga pag-aaway. Ano ba ako? Masokista? Hindi naman, sadyang brutal lang siguro. *wink* Pero seriously, nakakaaliw talagang subaybayan ang development ng istorya kung paano magsisimulang magbago ang pagtingin ng dalawang bida sa isa't isa.
Kadalasan na nangyayari dito ay nagkakaroon ang mga bida ng hindi maganda first meeting. Pwedeng may gawing hindi maganda si lalaki na magpapa-init ng ulo ni babae, and vice versa. Minsan naman ay may hindi masyadong mabangong reputasyon si lalaki (tulad ng pagiging babaero) na hindi magugustuhan ni babae. Pwede ding magkakompetensiya sila sa negosyo. Napakarami niyan. Gamitin na lang natin ang ating mga imahinasyon at makaka-isip at makaka-isip tayo ng pwedeng maging dahilan ng alitan ng dalawa.
3. Mga Ipinagkasundo (Arranged Marriage)
Hindi tayo mga Intsik pero madami ng mga Intsik dito sa Pilipinas, mga puro man o may lahi lang. Pero kahit na ganoon pa man ay hindi ko maipaliwanag kung bakit hit na hit ang ganitong plot kahit na ba pati ang mga purong Intsik ay hindi na sinusunod ang pamahiing ito. Basta sigurado ako na isa ito sa mga plot na hindi parin kumukupas hanggang ngayon.
Sa katunayan ay madami na ngang twist ang plot na ito. Dahil na din hindi na nga uso ang mga ganitong kasunduan, minsan ginagawan na lang ng paraan ng mga writers. Pwedeng palabasin na gawa-gawa lang pala ito ng mga magulang para maitulak sa pag-aasawa ang mga bida. Minsan naman ay kunwari ipapakasal sa anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang. Pwede ding dahil sa death wish ng lolo o lola. May mga nabasa na din ako na nagkaroon ng malaking utang ang magulang kaya ginawang pambayad ang anak tapos ipinagkasundo sa anak ng pinagkakautangan. Whew!
Sa umpisa siyempre ayaw nila sa isa't isa. Hindi din mawawala ang madalas na pag-aaway ng mga bida. Pero siyempre habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay makikilala na din nila ang isa't isa. And before they know it, they're already falling in love with each other.
4. Marriage of Convenience
Isa na yata ito sa pinakalumang plot na alam ko. Bata pa lang ako ay ganito na ang mga napapanood ko sa TV. Pero hanggang ngayon wala paring kupas sa pagpapakilig ang ganitong plot. Simple lang naman ang plot na ito. Medyo may kaunting pagkakapareho ito sa plot na ipinagkasundo ang mga bida. Ang kinaiba lang nito ay may pera na involved. Kung ang arranged marriage ay ginagamitan ng emotional blackmail, ang marriage of convenience naman ay ginagamitan ng financial blackmail.
Ang kadalasang setup na nababasa ko ay may kinalaman sa mga utang. Halimbawa may malaking pagkakautang ang pamilya ni babae kaya naman mapipilitan siyang magpakasal kay lalaki para maisalba ang kanilang negosyo. Pwede ding magpapakasal ang mga anak ng dalawang magkasosyo sa negosyo dahil gusto nilang ipag-merge ang kanilang mga negosyo. Kahit na ano pa man ang setup na gagamitin sa plot na ito sigurado meron itong mga linyang "mag-asawa lang tayo sa papel" o kaya naman ay "mag-asawa lang tayo sa harap ng mga tao." Pero siyempre pa, sa huli ay mai-inlove din sila sa isa't isa.
5. Mga Nagpapanggap (Pretend Boyfriend/Girlfriend)
Itong plot na ito ay espesyal sa akin dahil ito ang plot na napakaraming beses kong ginamit noong unang beses akong nag-attempt na gumawa ng isang romance novel. Isa din ito sa mga lumang plot na hindi parin kumukupas hanggang ngayon. Nakakakilig naman kasi talaga ang plot na ito lalo na kapag ipinapakita na ang mga pagpapanggap na ginagawa ng mga bida. Siyempre dagdag kilig pa iyong mga side comments ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Sa plot na ito wala namang preferences kung sino ba ang kokontrata kanino. Pwedeng si babae at pwede ding si lalaki. Kadalasan kapag si lalaki ang kumokontrata kay babae ang setup ay tipong pagod na si lalaki sa pangungulit ng mga magulang nito na mag-asawa na ito. Kaya naman kakausapin niya si babae upang magpanggap itong kasintahan para naman tigilan na ito ng mga magulang nito. Pwede din ang ganitong setup kapag si babae ang hihingi ng tulong kay lalaki. Minsan naman si lalaki ay sobrang babaero kaya naman kabi-kabila ang mga babaeng naghahabol dito hanggang sa puntong naiistorbo na ito sa trabaho. Kaya naman iisip ito ng paraan upang tigilan na ito ng mga babae. Siyempre hindi din mawawala diyan ang side comment na bakit hindi na lang kumuha ng tunay na girlfriend o boyfriend ang mga ito. Siyempre hindi 'yon pwede kasi nga may commitment phobia pala sila. Kaya naman kailangan nila ng isang brilliant idea, at iyon nga ay ang pagkuha ng magpapanggap na kasintahan. Ganun lang ang simula pero sa huli siyempre sila din pala ang magkakagustuhan.
Hay naku, napakarami pa ng mga ganitong plot. Sa ngayon ito na muna. I'll post another batch soon.

Taken from joshylh.tumblr.com |

may kulaaaang!!! yung mga plot na may kinalaman sa immortality at vampires naghit courtesy of twilight si stephanie meyer ang salarin hahaha barilin lol pero hindi man ako addicted gaano sa storya ni bella at edward sa tv pero sa novel addict ako. it must due to some different aspects both in the film and the book but anyways maganda ang mga ganitong plot it makes us explore the world of non humans which makes it more interesting to read. I like your posts here its helpful to me though I experience mental block while I'm writing. Chapter one ang bilis mo matapos pagdating sa chapter 3 to 4 nga nga na!!! waaa!!!
ReplyDeleteHi Kristel! Thanks for dropping by. =)
Delete