“My heart recognized my love for you even when my mind hasn’t realized it yet.”
Magkalayong-magkalayo ang mga hilig nina Melanie at Gabe pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Since the first time they met, they immediately hit it off and became friends. Kahit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang career sa magkaibang larangan ay nagpatuloy ang kanilang matibay na samahan.
Ngunit ang smoothsailing na pagkakaibigan nila ay bigla na lang nag-iba ng direksiyon. Bigla na lang ay nakakaramdam na si Melanie ng mga kakaibang kilabot tuwing lumalapit sa kanya si Gabe. Lalo pang gumulo ang lahat nang bigla siyang halikan nito. At hindi lang isang simpleng halik ang ibinigay nito sa kanya kundi iyong klase ng halik na may kasamang orchestra na tumutugtog ng background music at choir na kumakanta ng chorus ng Hallelujah.
But after that mind-blowing and eath-shattering kiss, what was going to happen to their friendship now? Totoo nga kaya ang mga sabi-sabi na wala raw straight na lalaki at babae ang nananatiling magkaibigan lang?
♥♥♥
Here are some excerpts:
NAPAKAGANDA na ng panaginip ni Melanie nang bigla iyong mawala at mapalitan ng nakakairitang tunog ng doorbell. Nakapikit pa ang isang matang bumangon siya at sinilip kung anong oras na.
Naman, ala una na ng madaling araw!
Katatapos lang ng finals week at ngayon lang siya magkakaroon ng mahimbing na tulog. Na agad naputol dahil sa walang-hiyang pumipindot sa kanyang doorbell ng ganitong oras.
“Gabe?” agad na napakunot ang kanyang noo nang makita ito mula sa peephole ng pinto. Mabilis na ini-unlock niya ang pinto at saka nagsimula sa panenermon.
“Gabe, naman,” nakapamewang na reklamo niya. “Ang sarap na ng tulog ko at feel na feel ko na ang pananaginip tapos—” bigla siyang natigilan nang makita ang malamlam na mga mata nito. “Gabe?”
Nakayukong pumasok lang ito at saka tahimik na isinara ang pinto. Pagkatapos ay pasalampak na naupo sa kanyang sofa.
“Lasing ka ba?”
“Kanina oo, ngayon hindi na.” Iyon ang unang pagkakataong nagsalita ito. He really looked worn out.
“Ano’ng nangyari sa’yo? Para kang naholdap at—” natigilan siya nang mapansin ang kakaibang reaksiyon nito. “Wait a minute. Naholdap ka nga?” nag-aalalang napaupo siya sa tabi nito.
“Hindi ako naholdap,” umiiling-iling na sagot nito sa mahinang tinig. “Well, not really.”
“Anong not really?”
“I passed out somewhere.”
“Ano?”
“Nagkayayaan kaming magkakaklase na mag-inuman pagkatapos ng exam kanina. I don’t normally get drunk that easy.” Nakakunot ang noong tumigil ito na para bang pinag-iisipang mabuti kung ano ang mga nangyari. “But for some reason, I passed out. Tapos paggising ko, wala na akong wallet.”
“Oh, Gabe,” napahawak siya sa braso nito.
“Ayoko munang umuwi sa apartment. Tatarantaduhin lang ako ng mga housemates ko doon.” Puro kasi mga kaklase din nito ang kasama nito sa apartment kaya hindi siya nagdududang maaaring ganoon nga ang datnan nito pag umuwi ito.
“Okay,” wika niya saka tumayo at lumapit sa kanyang closet. “Pero kung matutulog ka dito, magbihis ka muna.” Pagkatapos ay iniabot niya dito ang isang T-shirt. “Amoy alak ka na nga, amoy usok ka pa.”
“Teka, kilala ko ‘to ah.”
Napailing na lang si Melanie nang makitang nasa T-shirt na ang atensiyon ni Gabe.
“It’s my favorite college shirt. Bakit nasa iyo ‘to?”
Pinaikot niya ang mga mata. “Nakalimutan mo na bang pinahiram mo ‘yan sa akin dati?”
“Ahh, kind of,” pagkasabi niyon ay tuloy-tuloy na pumasok na ito sa banyo. Pero ilang sandali lang ay bumukas muli ang pinto at sumilip ito mula sa loob. “Mel, may extra toothbrush ka ba diyan?”
“Wala,” sagot niya habang naghahanap ng extrang kumot sa kanyang closet.
“Kung ganoon pahiram na lang ng toothbrush mo.”
“Ano?” nanlalaki ang mga matang napabaling siya dito. “Hoy, Gabe, kadiri ‘yang iniisip mo ha!”
Natawa lang ito. “Damot.”
“Heh! Magmouthwash ka na lang!”
♥♥♥
“YOU really don’t see me as a girl?” nakakunot ang noong tanong ni Melanie kay Gabe.
“Ano? Of course, I know you’re a girl.”
Umiling-iling si Melanie. “Hindi ko naman tinatanong kung alam mo bang babae ako. Ang tanong ko ay nakikita mo ba ako bilang babae? Wait, that doesn’t sound right. Ang ibig kong sabihin ay—”
“Alam ko na kung ano ang ibig mong sabihin, Mel,” putol ni Gabe sa sinasabi niya. “And to answer your question, yes, sa maniwala ka man o sa hindi, kitang-kita ng dalawang mata kong babae ka nga. It’s really hard not to notice when your breast is always out there on display whenever you play volleyball.”
Napanganga siya sa narinig. Did he just insult her breasts? “You have a problem with my breasts?”
“No, hindi ‘yan ang ibig kong sabihin, Mel. I’m just saying that you always wear those skimpy uniforms. Kulang na lang ay puro dibdib at legs and ipakita sa TV kapag pinapanood kitang maglaro.”
“What’s wrong with my breasts and legs?” iniliyad pa niya ang dibdib na parang china-challenge ito na magsalita ng hindi maganda.
“Nothing, they’re perfectly fine,” pagkasabi niyon ay bumaba pa ang tingin nito sa dibdib niya. Para tuloy gusto na niyang pagsisihan ang pagliyad-liyad pa niya sa harap nito. Nang maglakbay pa pababa ang mga mata nito ay bigla namang nag-init ang kanyang mga pisngi. “Come on, Mel, I’m not insulting your legs or your breasts. And why are we even talking about your legs and breasts anyway?”
“Aba, malay ko. Ikaw diyan ang bigla na lang nagbanggit ng—”
“Oo na, oo na, tara na nga. Nagugutom ako sa pinag-uusapan natin eh, mamaya niyan ikaw na ang kainin ko.”
“Ano?” naging kasing laki na yata ng bola ng volleyball ang mga mata ni Melanie nang makuha ang ibig nitong sabihin. Did Gabe really just hit on her?
“Uh,” he started to look uncomfortable. “Just forget I said that.”
♥♥♥
“GABE, kaya kong maglakad ng mag-isa,” wika ni Melanie habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gabe. Nagulat siya kanina nang bigla na lang itong pumasok sa bar area at hinila siya palabas. Nang subukan niyang manlaban ay bigla na lang siya nitong inakbayan at saka bumulong ng “I swear to God, Melanie, bubuhatin talaga kita palabas dito kapag hindi ka pa sumama sa akin ngayon.”
Agad naman siyang naestatwa sa ginawa nitong iyon. Hindi dahil natakot siya sa banta nito kundi dahil bigla na lang siyang parang kiniliti nang maramdaman ang pagdampi ng hininga nito sa kanyang tenga. Nasaan na ang lahat ng mga natutunan niyang moves para makawala sa pagkakakulong nito sa kanyang katawan? Wala na, nagsitalsikan na ang lahat ng iyon paalis sa kanyang naguguluhang pag-iisip. She realized she was helpless against his nearness.
“Halika na, Mel.” Hayun nanaman ang kakaibang kilabot na bumalot sa kanyang kabuuan.
Pagdating nila sa parking lot ay saka lang bumalik ang kanyang katinuan. “Gabe, bitiwan mo na ako. Hindi naman ako tatakbo.” But Gabe just gave her a long, hard look. “Fine, I might run but—”
“Get in the car,” wika nito nang mabuksan ang pinto ng kotse.
“I really don’t like it when you order me like—”
“Mel, papasok ka ba o ako pa ang magpapasok sa’yo sa loob?”
Ibinuka niya ang bibig upang sumagot ngunit mabilis na nahawakan siya ni Gabe sa bewang at basta na lang lumapit ng husto sa kanya. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang umatras hanggang sa maramdaman niya ang leather seat sa kanyang likod. Pagkatapos ay walang kahirap-hirap na iniupo siya nito doon. Ang akala niya ay paiikutin siya nito upang isara ang pinto pero hindi pa pala ito tapos. Her eyes went wide when she felt his hads lazily skimmed down her legs until they reached her knee-high boots.
“Gabe…”
Just then, Gabe smiled wickedly. Pagkatapos ay iniangat nito ang kanyang kaliwang binti hanggang sa umabot iyon sa gilid ng bewang nito. What the hell? Gusto niyang gumalaw pero parang namatanda na siya sa kinauupuan. Pati ang paghinga ay parang hirap na hirap na din siyang gawin.
“What are you doing?” kinakabahang tanong ni Melanie. Pero parang hindi naman kaba ang maririnig sa kanyang boses. It sounded more like excitement.
“Hmm…” tanging sagot ni Gabe na makikitaan ng misteryosong ngiti sa mga labi.
Pagkatapos ay naramdaman niyang hinahaplos nito ang kanyang binti. Well, granted that it was covered by her boots but still, Gabe was touching her!
Hindi pa iyon tuluyang napoproseso ng kanyang utak nang bigla namang lumapad ang pagkakangiti ni Gabe. Pagkatapos ay inilapit pa nito ang mukha sa kanya. She could feel his breath fanning her face and she was so tempted to close her eyes. Really, she was on the verge of losing her mind when he suddenly spoke. “Gotcha.”
“Ha?” Napakunot ang noo ni Melanie nang bigla na lang lumayo si Gabe at saka umayos ng tayo. And then he was sliding the zipper on her boots. “Gabe!”
“Sorry, naniniguro lang,” then he gave her a triumphant grin before removing the boots from her feet. Mabilis na naisunod nito ang isa pa niyang suot na boots. “Sige na, umayos ka na ng upo.” And then he closed the door shut.
Naguguluhan paring hinintay niya si Gabe na makasakay. So he wasn’t really trying to feel her up or anything. He was just trying to get rid of her damned boots? Nanlalaki ang mga matang hinarap niya ito nang paandarin na nito ang kotse. Ngunit bago pa makalabas ang unang salita sa kanyang bibig ay naunahan na siya nito.
“Mel, magseatbelt ka.” And then he gave her an annoyed look as he drove away.
♥♥♥
Hope you can grab a copy! ♥
Comments
Post a Comment