Kaya pala ‘falling in love’ ang tawag at hindi ‘walking in love’ o kaya naman ay ‘crawling in love.’ Because when you fall in love, you just fall. Wala nang isip-isip. Wala na ring palingon-lingon kung saan-saan.
Dessa was the queen of first dates. Hindi siya nakikipag-date sa isang lalaki nang higit pa sa isang beses. Para bang may allergy siya sa second dates. Pero nang ianunsiyo ng best friend niya ang engagement nito ay bigla na lang siyang napaisip. Lalo pa nang sabihan pa siya ni Ricky ng “In summary, single ka pa rin hanggang ngayon dahil natatakot kang makilala nila ang tunay na ikaw?” Bigla na lang ay naging big deal ang pagiging perfect first date girl niya. At hindi lang iyon, bigla ring naging importante kung ano ang tingin ni Ricky sa kanya. Suddenly, Ricky’s opinions mattered. And he was starting to matter to her as well.
♥♥♥
Heto ang isang excerpt:
“What’s your dream vacation?” wala sa loob na biglang naitanong ni Dessa.
“Hmm,” hinimas-himas pa ni Ricky ang baba habang nag-iisip. “Ang hirap naman ng tanong na ‘yan.”
“Ano’ng mahirap doon? Para dream vacation lang naman eh.”
“Sige nga, ikaw muna ang sumagot. Ano ang dream vacation mo?”
“Gusto kong magpunta sa isang private island. Sa umaga magja-jogging ako sa beach habang sumisikat ang araw. Tapos kakain ako ng breakfast sa may dalampasigan. Then I’ll go for a swim or explore the island until noon. I’ll eat seafood for lunch. Tapos sa hapon, parang gusto kong ma-experience na matulog sa ilalim ng puno. O kaya naman ay magbasa ng isang magandang libro habang nakatanaw sa tubig.”
“Sounds perfect.”
“Pagdating ng gabi, gusto kong magbonfire habang nagba-barbecue party.”
“Hmm, I’m beginning to think you’re the girl of my dreams,” wika ni Ricky pero hindi niya iyon pinansin.
Sa halip ay ipinikit niya ang mga mata na parang ini-imagine ang kanyang barbecue party sa beach. “I’ll put on some music and I wanna dance. I think I’ll wear my bikini so I can swim after.”
“You are most definitely in my dreams now.”
Biglang siyang napadilat. “What?”
“Ahm,” tumikhim ito saka umiling. “Wala, wala ‘yun.”
“Okay, ikaw naman. Ano ang dream vacation mo?”
Ngumisi muna ito bago isa-isang itinaas ang mga daliri habang nage-enumerate. “Private island, bonfire, barbecue, you wearing a bikini, and you dancing while wearing a bikini.” Pagkatapos ay nagthumbs-up ito. “Perfect vacation.”
“Gaya-gaya,” pairap na komento na lang niya pero deep inside ay parang marshmallow na nanlalambot na ang puso niya.
♥♥♥
Hope you can grab a copy!
Comments
Post a Comment