Kilig Sharing: Ang Poging Barista sa Coffee Bean

By now, you probably already know that I enjoy hanging out at coffee shops. Not necessarily Starbucks, any coffee shop will do. Basta ang importante ay tahimik at maganda ang ambiance.

So there was this one time na hindi ko feel magstay sa Starbucks. When I was in college, I loved Starbucks. But now, I feel like it's so overrated already. Don't get me wrong, it's not Starbucks' fault. Siguro hindi na lang talaga ako natutuwa na may mga nakakasabay sa Starbucks na parang gumigimik lang sila kapag nasa shop sila. 'Yun bang napakarami nila sa grupo tapos ang ingay nila. Anyway, I know you know what I mean.


As I was saying, that day hindi ko feel magpunta sa Starbucks kasi nasa malayo pa lang ako ay kitang-kita ko na agad na madaming tao. So I decided to stay at the Coffee Bean right across it. Pagpasok ko pa lang sa Coffee Bean ay nakita ko agad na kakaunti lang ang tao. As a matter of fact, apat na tables lang yata ang occupied. I thought to myself, great! Makakapagsulat ako dito.

By the way, do you guys notice how the crews at these coffee shops all look very easy on the eyes? At hindi lang sila basta pogi at maganda, magagaling din silang mag-English LOL! Minsan nga nakaka-intimidate silang kausap eh lalo na kapag hindi ako makapili ng oorderin.

Anyway, I think ilang minuto ko pa lang na nabubuksan ang laptop ko nang lumapit sa akin ang isa sa mga lalaking barista. Medyo nagulat ako nung lumapit siya kasi absorbed na absorbed na ako sa sinusulat ko. Tinanong niya kung may kailangan pa raw ba ako. Pero dahil nagulat nga ako, hindi ako agad nakapagreact at isang iling lang ang naisagot ko habang nakangiti.

Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na yung customer na nakapwesto malapit sa pwesto ko. So medyo aware na ako nang lumapit uli yung barista para linisin ang table. That time hindi ko alam kung bakit pinapanood ko siya. Nag-iisip kasi ako ng magandang dialogue at kung saan-saan lang ako napapatingin hanggang sa panoorin ko na nga ang ginagawa nung barista. Pagkatapos niya sa ginagawa ay sakto namang tumingin din siya sa akin. Matagal ko nang narealize na mas nakakahiya kapag bigla akong nagbawi ng tingin. Kaya naman ngumiti lang ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Well, ngumiti din siya so okay lang. Noon ko lang napansin na pogi pala siya hahaha! So ayun, umalis na siya at ako ay nagpatuloy sa pagtatype.

After a few minutes, nagulat na lang ako nang biglang lumapit yung barista sa table ko. May dala siyang baso ng tubig. Ayiiee! Sweet. He smiled and said "Hi Ma'am! I brought you water." Wala na akong nasabi uli kaya ngumiti lang ako. Haha! Eh nagsalita pa uli siya. "Is there anything else you need?" Nahiya na akong umiling lang uli kaya sumagot na ako. "Ahm, wala na, thank you." Dahil nababaitan talaga ako sa kanya, and he's really charming, tumingin ako sa nameplate niya. His name was Dave, I think. Kaya inulit ko ang pasasalamat at binanggit ang name niya. Natuwa yata siya sa akin kaya ngumiti pa siya ng mas matamis. The guy was really charming. LOL! And yes, diretso English ang pagsasalita niya hehe.

Akala ko doon na matatapos ang lahat. So imagine my surprise when after a few more minutes ay lumapit uli sa akin si Dave. May dala naman siya ngayong glass candle holder na may lighted candle. Eh di nagulat nanaman ako kaya nakangiting tumingin lang ako sa kanya.

Dave: Hi again!
Me: *smile lang habang nagtatanong ang mga mata hahaha! hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin*
Dave: Napansin ko may umaali-aligid sa'yong langaw.
Me: Ah, yeah, meron nga *meron talagang langaw na nakapasok sa shop hahaha!*
Dave: So I brought you this *sabay lapag ng kandila sa table ko*
Me: Wow, thanks! *kanina pa ako nagpapasalamat at hindi ko na talaga alam kung ano pa ang sasabihin sa kanya*
Dave: I hope it helps.
Me: Yeah *ngiti lang uli*
Dave: By the way, how was your connection with our WiFi?
Me: Ha? *hindi ko agad nagets ang ibig niyang sabihin*
Dave: *ngumiti saka lumapit* Okay naman ba ang WiFi namin?
Me: *biglang napatingin sa sign na may nakalagay na "free wifi" sabay ngiti* Oh, no I'm not using it.
Dave: Oh okay, *tumangu-tango lang*
Me: *ngiti lang uli hahaha*
Dave: Well, in case you need anything else, just call me *sabay turo sa direksiyon ng counter*
Me: Sure, yeah, thanks, Dave! *yikes feeling close hahaha*
Dave: No problem.

Pagkatapos niyon parang hindi na ako komportable hahaha! Well, maybe not exactly uncomfortable. It's just that I knew I won't be able to concentrate anymore. Paubos na din naman ang mga inorder ko kaya iniligpit ko na ang dala kong laptop. I was putting it in my bag when I caught Dave's eyes again. He just smiled at me. Then nung paalis na ako, lumapit siya sa akin. Hindi ko na maalala yung eksaktong sinabi niya. I think it was something like "thank you for coming, see us again." Tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. So I just smiled and said thanks again. Then he also smiled. Tapos nahihiya na talaga ako kaya diretso lakad na haha! Nung paglampas ko sa glass window ay parang kumaway pa siya sakin. LOL!

I didn't really think there was something there. Matagal ko nang narealize na ganoon lang talaga ang mga barista kapag walang masyadong customer. Yung iba ang nagtatanong kung okay ba ang inorder ko o kung may kailangan pa ba ako. Siguro ay ako lang ang nakatuwaang lapitan ni Dave dahil iyong nasa ibang mga table ay puro mga grupo sila ng professionals na mukhang nagdi-discuss ng negosyo. Ako lang kasi yung mag-isa doon. Ay yung nasa kalapit table ko pala ay mag-isa din siya. Pero umalis din siya agad. Anyway, it was a "weird" but nice experience, nonetheless.

---

Ang original kong post sa Facebook ay matatagpuan dito.

Comments