Escape With Me


Naaamoy niya ang mabangong hininga nito. Damang-dama niya ang init na nagmumula sa mga palad nito. She could see him looking at her lips. Iniisip ba nitong halikan siya? Bigla siyang na-excite.



Justin wasn’t exactly excited at the prospect of being a major sponsor at Lacey’s wedding. Isiningit nga lang niya ang pagdalo sa kasal ng kinakapatid niya. Pero sa halip na isang simpleng kasal ang abutan niya ay isang tumatakas na bride ang sumalubong sa kanya. Naging instant accomplice pa siya ni Lacey nang bigla na lang itong sumakay sa kotse niya.

Now letting Lacey escape was one thing. But escaping with her? That was an entirely different matter! Pero ano pa nga ba ang magagawa ni Justin? Hindi naman niya puwedeng pabayaan na lang ito, lalo pa at binanatan siya nito ng, “Desperate situations call for desperate measures. I need you to do this for me, Justin. Please?” complete with pleading and teary eyes.

♥♥♥

Here are a few excerpts!

“MATAGAL pa ba ‘yan?” Hindi na mabilang ni Lacey kung ilang beses ng itinanong iyon ni Justin sa loob lang ng sampung minuto. Sampung minuto! Sinong matinong babae ang matatapos sa pamimili ng sampung minuto lang?

"Bakit ba kasi nandito ka?" ganting tanong niya bago lumipat sa kabilang display rack. Hindi sumagot si Justin pero narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago sumunod sa kanya.

Maya-maya pa ay bigla na lang itong tumawag ng isang saleslady at humingi ng basket. Pagkatapos ay ito na mismo ang naglagay doon ng mga gamit na kakailanganin niya. Nang hilahin siya nito patungo sa lingerie section ay mas tumindi na ang kanyang protesta.

“Justin, bitiwan mo na ang kamay ko.”

“Hindi pwede, lalo lang tayong tatagal kapag hinayaan kitang tumingin pa ng ibang bibilhin.”

“But this is the underwear section!”

“So?”

“Anong so?” namumula na siguro siya sa inis ngayon. “’Wag mong sabihin na pati ang underwear ko ay pakikialaman mo din?”

Nagkibit lang ng balikat si Justin. “Bakit hindi?”

Pinanlakihan nanaman niya ito ng mga mata. Seryoso ba talaga itong sasamahan siya sa pagbili ng underwear? “Justin, naman eh!”

“Bakit ba ayaw mong samahan kita? Para underwear lang eh.”

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “I’m just not in the habit of letting men buy me underwear.”

“That’s good to know, Lacey.”

♥♥♥

SANDALI pa lang na nakakalabas si Justin sa kuwarto nang muli itong tawagin ni Lacey.

“Ano’ng problema?” concerned na tanong agad nito.

Dahil bahagyang nakatagilid siya sa pinto ay hinawakan siya nito sa siko upang magkaharap sila. Napapitlag siya nang maramdaman ang pagdaiti ng kamay nito sa kanyang balat.

“Ahm,” tumikhim siya bago nagpatuloy. “Ano, kailangan ko ng tulong. I c-can’t get out of my dress,” she stammered before meeting his questioning eyes. Noon niya napansin na naalis na nito ang suot na coat kanina. Malapad pala ang mga balikat ni Justin. Ang manggas ng suot nitong long sleeves ay nakatupi hanggang sa siko nito. Nakalas na din ang unang dalawang butones niyon. At nakapaa lang ito. Parang ang sarap nitong kunan ng litrato. It took a moment before she realized that she was staring at him and studying him.

Ipinilig niya ang ulo bago nagpatuloy. “Could you,” she paused, trying to think about how to voice out what she was about to ask him. “Could you help me undress, please?”

“Excuse me, what?” napatunganga ito sa kanya.

Siya naman ay hindi alam kung matatawa ba sa itsura nito o mahihiya sa sariling tanong. “Kailangan ko ng tulong para kalasin ang mga butones ng gown ko. Hindi ko kasi maabot lahat.” Tumalikod siya upang ipakita dito ang mga butones na tinutukoy niya.

“Right,” sa itsura nito ay tila pinatawan ito ng matinding parusa dahil sa kanyang sinabi. Hindi tuloy niya maiwasang lalong makaramdam ng hiya.

“Alam mo bang tatlong tao ang tumulong sa akin para lang maisuot ko ang damit na ito?” naisip niyang sabihin para lang mabawasan ang tensiyon sa loob ng kuwarto. “Funny, right?”

“More like crazy.”

Bahagyang natawa siya. “I swear I’m never going to wear something like this again.”

“Ayaw mo nang magsuot uli ng wedding gown? Kahit na kapag magpapakasal ka na talaga?”

Pinilit ni Lacey na ‘wag pansinin ang pahaging ni Justin. “Ang ibig kong sabihin ay hindi na ako pipili ng ganitong klase ng wedding gown.”

“Ah, me too. I mean, I will not allow my bride to wear something like this. Bakit ang hirap kalasin ng mga ito?” Justin asked impatiently. “Hindi ko talaga maintindihan ang fascination ninyong mga babae na gawing komplikado ang lahat ng bagay. Pati ang simpleng butones ay ginagawa ninyong komplikado.”

Natawa siya. “Hindi ko akalaing masasabi ko ito pero may tama ka.”

“Hmm, we are in agreement then? Kapag nagpakasal na tayong dalawa ay hinding-hindi tayo pipili ng wedding gown na may ganitong klase ng butones.”

The way Justin said those words were so casual and spontaneous. Kaya sigurado siyang hindi nito sinasadya na maging iba ang dating niyon. Pero kahit na ganoon ay hindi parin niya napigil ang sariling mapahugot ng hininga.

“Ah, damn! That didn’t come out right. I mean—”

“I know, nevermind it.” Pagkatapos ay pareho na silang natahimik. So much for making a small talk.

♥♥♥

GUSTONG pagalitan ni Justin ang sarili dahil sa panginginig ng kanyang mga daliri habang kinakalas ang maliliit na butones ng wedding gown ni Lacey. Isa ito sa mga bagay na hindi niya inaakalang gagawin anytime soon. Oo nga at kasama sa mga plano niya ang pag-aasawa in the future. He would gladly help his bride get rid of her wedding dress on their wedding night. He’s a guy after all. Siyempre pumasok sa isip niya ang ganitong senaryo. But not like this, and especially not with Lacey!

“Madami pa ba?” tila naiinip na tanong ni Lacey.

“Konti na lang. ‘Wag kang malikot para mas mabilis akong matapos.” Pinilit niyang magconcentrate sa ginagawa. Bakit ba kasi maliliit na beads ang ginamit sa gown nito sa halip na iyong normal na butones?

“Pwede na siguro ‘yan,” maya-maya ay wika nito habang sinusubukang igalaw-galaw ang gown. “Ahm, Justin?”

Uh-oh. Parang hindi niya gusto ang paraan ng pagkakabanggit nito sa kanyang pangalan. Ang dating kasi niyon ay parang may iba pang pabor itong hihingin. “O?” bigla siyang napahakbang palayo dito.

“Pwedeng humingi ng isa pang favor?”

‘Yan na nga ba ang sinasabi niya eh. “Sure, ano ‘yon?”

“Can you help me lift the dress?”

“Ha?” All his life, Justin was forced to think of Lacey as a younger sister. He may not want to but it was the reality of their situation. Kahit na hindi sila close ay mayroong unwritten rule na kapamilya ang dapat na turing niya dito.

“Kailangan ko talaga ng tulong. Hindi ko ito kayang hubarin ng mag-isa.” Lacey looked and sounded miserable. Mukhang ito din ay hindi komportable sa sitwasyon.

“Alright, tell me what to do,” sumusukong wika niya bago bantulot na lumapit muli dito.

This was so wrong on so many levels. Lacey was supposed to be like a sister. You don’t help your sister undress. You don’t even think about undressing your sister. You simply don’t use the words ‘sister’ and ‘undress’ in the same sentence. Period!

♥♥♥

Hope you can get a copy!

Comments