Kilig Sharing: Moment Kasama si Dave sa Simbahan

Sharing on a Sunday ♥

When I was younger, I'm a regular resident of our church. Ako 'yung batang lumaki sa Sunday school tapos catholic school from GS (grade school) to GS (graduate school). Anyway, bawal umabsent kapag linggo. Kapag bata ka, syempre nakakatamad gumising ng maaga. But as I got older, medyo sinipag na ako kasi may iba ng motivation. LOL! Actually, madaming motivation. Pero magfocus lang tayo sa isa... for now hehe :)

Iyong isa sa mga motivation na iyon ay pwede na siguro nating itago sa pangalang Dave. LOL! So si Dave ay isa sa mga active din sa church noon. He was I think about 2 years my senior. We go to the same high school but we never talked. Doon lang talaga kami sa church nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit.

Anyway, mayroon siyang ka-love team sa church. I kinda didn't like it coz I think hindi sila bagay. Mas bagay kami ni Dave LOL! Anyway, nalaman ko na hindi lang pala ako ang nagkaka-crush sa kanya. Actually, madami kami. Ahh young love! Chos! Anyway, he's like the boy-next-door kind of guy. He has a really cute smile. He always had this boyish look. Na para bang palaging may tinatagong kalokohan kahit na nasa simbahan. haha! And did I mention he can sing, can play the drums, can play guitar, and can play the piano. So yeah, he's like the perfect boy-next-door.

So one of our activities sa church ay yung parang youth ministry service. I forgot what it' called. Hindi na kasi yun ginagawa ngayon, pero it was one of the most enjoyable things at church at the time. Twing wednesday afternoon yun. So after class ay pupunta kami sa church para mag-"jamming." Minsan yung jamming ay makikinig sa mga bible passages, minsan kakanta ng mga christian songs, minsan naman tumutugtog ganun. Iba-iba siya and it's not boring.

One day, maaga akong nagpunta sa church. Inabutan ko si Dave na mag-isang nag-aayos ng mga instruments doon. Before that day, he was always nice. Ngumingiti at nakikipag-usap. But that was the first time ever na talagang kami lang ang magkausap at magkasama!

Dave: Uy, aga mo ah.
Me: Ahm, oo nga eh. *kunwari sumisilip sa ginagawa niya*
Dave: You play?
Me: Ha?
Dave: Marunong kang mag-gitara? *sabay ngiti sakin*
Me: Ahm, konti lang.
Dave: Talaga? Parinig nga.
Me: Eh, wag na lang, nakakahiya *nahihiya talaga kasi hindi naman ako magaling tumugtog*
Dave: Okay lang yan. Here, try this *sabay abot sa akin ng isang electric guitar*
Me: Eh, hindi ako marunong nito. Pang-acoustic lang ang kaya ko
Dave: Pareho lang naman 'yan, sige na i-try mo
Me: Ahm, ok *sabay strum. Ang hina ng tunog kaya napayuko ako palapit sa mga strings*
Dave: Saksak natin? *nakayuko din pala siya para marinig ang tinutugtog ko! shet! muntik pa kaming mag-untugan. haha! tapos pagtingin ko sa kanya ang lapit-lapit lang niya sakin. Naman! Wholesome pa ako ng time na yan, bata pa hahaha! Pero seriously, he was so close. Amoy na amoy ko na ang bango nga hahaha!*
Me: Sige
Dave: Try mo nga *sabay ngiti saka lumuhod sa harap ko. Nakaupo kasi ako habang sinusubukan tumugtog*
Me: Ayoko na, nakalimutan ko na pala *hahaha! totoong parang bigla kong nakalimutan kung paano tumugtog nun lumuhod siya sa harap ko. Tapos nahiya pa ako kasi ang lakas na nun tunog dahil nakakabit na sa amplifier*
Dave: Sige na nga, next time paparinig mo na sakin ha?
Me: Sige, *pero ayaw pa talagang umali kaya bigla na lang akong napasabi ng* Ikaw na lang ang tumugtog. Parinig ako.
Dave: Sige, ano ang gusto mo?
Me: Kahit ano.
Dave: Love song?
Me: Ahm, sige.

Tapos hindi na siya umalis doon sa kinaluluhuran niyan. Kinuha lang niya yun gitara sa akin at basta na lang isinuot yun strap habang nakaluhod parin. Ipinatong lang niya sa tuhod ang gitara tapos nagsimula na siya tumugtog. Usong-uso noon ang mga OPM kaya isang OPM song ang tinugtog niya. Alam niyo ba yung "Ako'y Sa'yo, at Ika'y Akin Lamang"? Hindi ko alam kung yan ang title pero yan yung lyrics. Maganda kasi yan tugtugin sa gitara. ♥

So ayun natulala na ako habang tumutugtog siya. Hindi siya kumanta :( kasi pinipilit niya akong kumanta! Eh di sinabayan ko lang siya. Pero kumakanta siya ng mahina lang. Nahihiya akong yumuko para lalo siyang marinig kasi lalo lang akong mapapalapit sa kanya. LOL! Patawarin niyo na, bata pa ako noon at wholesome na wholesome pa hehe! Still, it was one of my nicest experiences at church. :D

Ito 'yung kinanta niya:



Read the Facebook post here.

Comments