Nun nag-break kami ng first boyfriend ko ay narealize ko na halos lahat ng friends niya sa school ay friends ko din. Fourth year college ako nito. So same building kami at same org ng mga classmates and friends niya. By this time ay nagtransfer na sa ibang school si ex. Feeling ko ang unfair nun kasi ako na lang ang naiwan sa school para magpaliwanag sa lahat. At halos lahat ng mga friends namin ay nagtatanong kung ano ng nangyari. At nagsasawa na ako sa kakasagot ng paulit-ulit. So ang ginawa ko ay pinagtaguan ko silang lahat.
Kapag may makakasalubong ako sa hallway ay iiwas ako. Kapag may makikita ako sa kahit saang parte ng campus ay aalis na lang ako. Doon ako madalas magtago sa library.
After a few months napapansin na talaga ng mga friends namin na iniiwasan ko sila. May iba nga na bigla na lang dumadaan sa classroom namin para mag-hello. Pero hindi na talaga ako nag-i-stay sa campus after class at diretso uwi na ako para hindi na nila ako ma-corner.
Siyanga pala, miyembro pala ako ng dance troupe sa college namin so minsan doon din ako sa org room nagtatago kasi mayroong cubicle don ang aming dance troupe. Eh karamihan sa mga friends namin ay nalaman iyon, kaya isang araw ay kinorner nila ako sa org room. Hindi sila pumayag na hindi ako makipag-usap sa kanila. Sakto naman noon na magkakaroon ng free concert ang Parokya ni Edgar kasama si Jay ng Kamikazee doon mismo sa aming campus. Pinilit nila akong pumayag na sumama sa kanila.
Pagdating ng araw ng concert ay wala talaga akong planong lumabas. Bahala na sila sa pagpunta. Pero nagulat na lang ako ng dalawa sa kanila ay nagpunta sa dorm ko para sunduin ako. 'Yun sina Bobby at Xyrus. Alam na alam na nila kung saan ako nagdodorm kasi ilang beses din silang kasama noong hinahatid pa ako doon ni ex. So wala na akong choice kundi ang sumama.
Doon ginanap ang concert sa harap ng Main Building sa UST. Ang daming tao at ang gulo. Nakakahawa din ang energy ng Parokya ni Edgar at ni Jay. Kaya nag-enjoy din ako kahit paano. Pagkatapos ng concert ay nagkayayan na kumain kami sa McDo sa may Lacson. Wala pa ang carpark noon. So ayun nga, palabas na kami ng campus pero hirap na hirap kami kasi ang daming tao. Eh ang liit ko pa, hindi na ako magtataka kung maapakan man ako doon haha!
Tapos nagulat na lang ako nang may umalalay sa akin. Si Bob pala yun. Siya yung isa sa mga sumundo sa akin sa dorm. Nakaalalay yun isa niyang kamay sa likod ko tapos yun isa naman ay nakaharang sa harap ko. Shocks! Ang haba ng hair ko. Bigla ko siyang naikumpara kay ex. Si ex kasi dati kailangan ko pang pagsabihan para lumipat siya sa side ng mga sasakyan kapag tatawid kami. Samantalang si Bobby ay awtomatiko ang pag-alalay.
Fast forward sa pagkatapos naming kumain. Dahil tagadoon lang din si Bobby sa malapit sa UST ay siya na ang nagprisinta na maghatid sa akin. Tumanggi ako kasi malapit na lang naman doon ang dorm ko saka maaga pa naman noo. Hindi naman nila responsibilidad na ihatid ako. The other guys were like, "hindi pwede." hehe, they were all so sweet kaya happy ako na naging friends ko sila kahit na hindi kami nagworkout ni ex. So paglabas namin sa McDo alalay agad sa akin si Bobby sabay, "ako na ang maghahatid sa'yo." Na para bang bawal na magreklamo. ayiiee!
So hinatid niya ako hanggang sa dorm. At hindi siya umalis hanggat hindi ako nakakapasok sa loob. Hanggang sa makapasok ako ay nandoon parin siya sa tapat ng dorm. Nalaman ko kasi pagdating ko sa room ay nakaabang ang mga room mates ko sa bintana. LOL! Ang cliche namin! But yeah, hinintay niya akong makarating sa kuwarto at kumaway sa kanya doon sa other side ng street bago siya umalis.
Sweet ♥
Read the Facebook post here.
Kapag may makakasalubong ako sa hallway ay iiwas ako. Kapag may makikita ako sa kahit saang parte ng campus ay aalis na lang ako. Doon ako madalas magtago sa library.
After a few months napapansin na talaga ng mga friends namin na iniiwasan ko sila. May iba nga na bigla na lang dumadaan sa classroom namin para mag-hello. Pero hindi na talaga ako nag-i-stay sa campus after class at diretso uwi na ako para hindi na nila ako ma-corner.
Siyanga pala, miyembro pala ako ng dance troupe sa college namin so minsan doon din ako sa org room nagtatago kasi mayroong cubicle don ang aming dance troupe. Eh karamihan sa mga friends namin ay nalaman iyon, kaya isang araw ay kinorner nila ako sa org room. Hindi sila pumayag na hindi ako makipag-usap sa kanila. Sakto naman noon na magkakaroon ng free concert ang Parokya ni Edgar kasama si Jay ng Kamikazee doon mismo sa aming campus. Pinilit nila akong pumayag na sumama sa kanila.
Pagdating ng araw ng concert ay wala talaga akong planong lumabas. Bahala na sila sa pagpunta. Pero nagulat na lang ako ng dalawa sa kanila ay nagpunta sa dorm ko para sunduin ako. 'Yun sina Bobby at Xyrus. Alam na alam na nila kung saan ako nagdodorm kasi ilang beses din silang kasama noong hinahatid pa ako doon ni ex. So wala na akong choice kundi ang sumama.
Doon ginanap ang concert sa harap ng Main Building sa UST. Ang daming tao at ang gulo. Nakakahawa din ang energy ng Parokya ni Edgar at ni Jay. Kaya nag-enjoy din ako kahit paano. Pagkatapos ng concert ay nagkayayan na kumain kami sa McDo sa may Lacson. Wala pa ang carpark noon. So ayun nga, palabas na kami ng campus pero hirap na hirap kami kasi ang daming tao. Eh ang liit ko pa, hindi na ako magtataka kung maapakan man ako doon haha!
Si Bobby ♥ |
Fast forward sa pagkatapos naming kumain. Dahil tagadoon lang din si Bobby sa malapit sa UST ay siya na ang nagprisinta na maghatid sa akin. Tumanggi ako kasi malapit na lang naman doon ang dorm ko saka maaga pa naman noo. Hindi naman nila responsibilidad na ihatid ako. The other guys were like, "hindi pwede." hehe, they were all so sweet kaya happy ako na naging friends ko sila kahit na hindi kami nagworkout ni ex. So paglabas namin sa McDo alalay agad sa akin si Bobby sabay, "ako na ang maghahatid sa'yo." Na para bang bawal na magreklamo. ayiiee!
So hinatid niya ako hanggang sa dorm. At hindi siya umalis hanggat hindi ako nakakapasok sa loob. Hanggang sa makapasok ako ay nandoon parin siya sa tapat ng dorm. Nalaman ko kasi pagdating ko sa room ay nakaabang ang mga room mates ko sa bintana. LOL! Ang cliche namin! But yeah, hinintay niya akong makarating sa kuwarto at kumaway sa kanya doon sa other side ng street bago siya umalis.
Sweet ♥
Read the Facebook post here.
Comments
Post a Comment