Kilig Sharing: The Guy Who Sang "Lips of an Angel" To Me

Noong magbreak kami ng first boyfriend ko ay siyempre depress-depressan ang drama ko. Nagtransfer na siya sa ibang school at kasama na siya ng girl na ipinalit niya sa akin. Hindi ko alam kung alam ni ex ang tungkol dito at hindi ko na din ikinuwento pa sa kanya. Anyway, fourth year college pa lang ako nito haha!

So ayun nga, ipinagpalit na niya ako sa iba haha! Hindi maiwasan na kausapin ako ng mga friends ni ex. Kino-comfort nila ako ganun. Minsan tumatawag sa cell phone ko at nagte-text.

Anyway, isang araw ay nakareceive ako ng mensahe mula sa isa sa mga kabanda ni ex. My band si ex noon at siya ang drummer. So may isa siyang kabanda na hindi ko pa nami-meet. Siya daw ang gitarisa at minsan ay kumakanta din. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa akin. I just assumed na napag-uusapan nila kasi nga malaking isyu noon ang breakup namin ni ex.

Oo nga pala, bagong-bago pa noon ang unli-call and text sa sun kaya halos lahat yata ng tao ay naka-sun haha! So naka-sun kami kaya kahit tumawag sila sa akin ng matagal ay okay lang. I found it really nice and sweet that they were all trying to comfort me. Mababait silang lahat. May isa nga lang na parang iba ang intensiyon. Yun ngang gitarista na hindi ko pa na-meet haha! Itago na lang natin siya sa pangalan Jay LOL!


So after a week or so, iba na ang mga tinetext sa akin ni Jay. Parang hindi na pagko-comfort. He's a nice person naman. He reminds me to eat and asks me how my day was. It went on for a month or so. Hindi ko naman iniisip na may iba na palang ibig sabihin yun. Until one night, he said he wanted to erase the pain I'm feeling etc. I was so shocked! Hindi pa nga kami nagkikita at kabe-break pa nga lang namin ni ex tapos dumidiga na agad sya? LOL! Pero sa totoo lang sweet siya.

Since that night palagi na siyang tumatawag gabi-gabi sa akin. Kahit hindi ako nagsasalita ay nagkukwento siya. Tapos isang gabi ay wala na siyang maikwento kaya kinantahan na lang niya ako. LOL! Simula noon ay palagi na niya akong kinakantahan sa phone! Ang hindi ko makalimutan na kinanta niya ay iyong "Lips of an Angel." Never mind the meaning of the song. Sabi niya, pinili daw niya ang kantang 'yun kasi Angel ang real name ko. I totally appreciated it. But I guess I wasn't ready yet at that time. So, ayun. It just wasn't the right time. And it simply didn't feel right to date my ex's bandmate. So hanggang dun lang ang maiksing love story namin. hehe :))


Read the Facebook post here.

Comments